1 | ang simula

10 2 0
                                    




Ang sabi ng mga eksperto't dalubhasa sa sikolohiya, ang pag-ibig sa unang pagkikita'y makatotohana't may siyentipikong ebidensiya. Subalit kung ikukumpara ko ito sa aking naramdaman noong unang inilimbag ng tadhana ang akda nating dalawa, wala naman talagang kakaiba nang unang mag-usap tayong dalawa. Aaminin ko, dahil sa mga paunang panagpo kung saan at kailan kita agad napuna habang hindi pa tayo magkakilala, may kung ano akong nakita sa'yo na nasabi kong magiging pundasyon nating dalawa kapag ako'y nagpakilala. Totoo nga – ito'y hindi isang akala, sapagkat sa unang mga kabanata, napatunayan kong tayo'y naglalakad sa iisang kalsada.





Sa ganoong paraan nagsimula ang ating istorya – hindi kawangis ng mga pangkaraniwang kuwento ng dalawang bida sa isang pelikula. Normal na kaba ang bumisita sa dibdib ko, kabang hatid lamang ng pakikipag-usap sa isang estranghero. Wala iyong sinasabi nilang mga paro-parong lumilipad-lipad raw sa tiyan mo. Hindi bumagal ang ikot ng mundo. Walang bago. Hindi romantiko.





Ngunit patawad, dahil sa hindi inaasahang pagkakataon at sa hindi inaasahang tao, napatunayan ko kung gaano karupok ang puso ko, kahit pa nagkaroon ng mga sandaling ako'y nalito at nagtaka kung bakit ako nahulog sa isang tulad mo.








---

TugMARUPOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon