Chapter 17

33 0 0
                                    

JANIE

 

Nandito ako ngayon sa library na-cancel kasi yung classes namin for today dahil sa urgent meeting ng mga professors. Ayoko pang umuwi kaya dito muna ako tumambay.


I'm reading a book entitled I'll Be...-with you forever ( a/n: yiee plug lang ng story ni inspiration ko A.B Castueras published under Viva Psicom bilhin nyo po yun sobrang ganda nung story ^^) nandun na ko sa part kung saan hinahanap nung guy yung girl pero ayaw magpakita nung girl sa kanya pero hindi parin sumusuko yung guy dahil sobrang mahal niya yung girl..

Napabuntong hininga ako sana kasing tatag ako nung guy para ipaglaban yung mahal niya. Natigilan ako, teka mahal ko na nga ba si Migz? Hayss ewan hindi ko sigurado kung ano ba talaga tong nararamdaman ko.


"Lalim ng iniisip natin ah wag ka mag-alala mahal ka nun." napatinin ako kay Jayson na kakaupo lang sa upuang kaharap nung akin.


"Ah ano ba yang sinasabi mo? Saka bakit ka nandito akala ko ba umuwi ka na?" isinara ko na yung librong hawak ko wala na rin naman akong gana magbasa. Tinawanan lang ako ni Jayson.


"Hoy ano ka ba wag ka ngang maingay dyan nasa library po tayo" saway ko sa kanya bigla naman niyang tinakpan ng dalawang kamay niya yung bibig niya.


"Ah bigla kasi akong tinamad umuwi ikaw bakit nandito ka pa? Saka ano yang binbasa mo Pocket Book?" kinuha niya yung librong hawak ko "I'll be..? Ang corny naman ng title nito, nagbabasa ka pala ng mga ganito?" binuklat niya ung libro ko tinignan ko lang siya wala akong ganang makipagkulitan ngayon ewan ko kung bakit.


"Nice interesting peram muna ko nito ah" hindi pa man ako nakakasagot ay nilagay na niya kaagad sa bag niya yung libro ko. "Tara.." tiningala ko siya bigla kasi siyang tumayo sabay lahad ng kamay niya sa akin


"Hah?" hindi na niya ko sinagot sa halip ay hinatak nalang niya ako palabas ng library hindi na ko pumalag pa dahil wala talaga akong lakas ngayon. Nakarating kami sa sakayan papuntang SM


"Ikaw nalang mag-mall uuwi na ko baka hinahanap na ko sa amin" naglakad na ko palayo ng hatakin niya ulit ang kamay ko


"Anong hanapin class hour pa ngayon at siguradong hindi alam ng parents mo na cancel ang klase natin ngayon kaya samahan mo na ko ngayon"


"P-pero.." hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa kanya


"Please? Medyo malungkot kasi ako ngayon eh kailangan ko lang talaga ng kasama kaya please lang wag ka nang tumanggi." wala na akong nagawa siguro nga tama na ding magliwaliw mun ako ngayon baka sakaling mawala siya sa isip ko. Sumakay na kami sa jeep ni Jayson naalala ko tuloy yung una naming pagkikita.

 

"Hey nangiti ka nanamang mag-isa dyan ganyang ganyan ka nung una tayong nagkita remember?" hindi ko napansing nakangiti na pala ako


"Ewan hindi ko na naaalala yung nangyari nun." umiwas ako ng tingin sa kanya nahihiya kasi ako hanggang ngayon sa mga pinag-gagawa ko nun (a/n: para sa mga hindi nakakaalala kung anong nangyari sa una nilang pagkikita please refer to chapter 6)

Secluded Love & EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon