JANIES's POV
So ayun na nga pumunta na kami sa library dahil late na nga kami hindi na kami papapasukin nung masungit naming prof tapos vacant pa yung next sa subject na yun kaya hintak ko nalang itong jayson guy na ito sa library dahil may quiz kami sa subject namin after ng vacant.
Nung nakarating na kami sa library ay dumiretso nalang ako sa aking favorite spot dito sa library which is yung doon sa may bandang dulo kung saan super lakas nung aircon wala masyado umuupo dun kasi nga malamig kaya dun ako lagi para tahimik lang, habang siya ay nakasunod lang sa akin hay naku bahala siya diyan basta ako magrereview hindi pwedeng bumagsak ako.
5 MINS LATER
Habang ako ay busy sa pag-aaral ng notes ko.
POKE POKE (‘ ・・)σ//
- kanina pa ako sinusundot ng lalaking ito sa braso ko at naiirita na ako.. ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
“hoy tigilan mo nga yan can’t you see nag-aaral yung tao dito e” bulong kong sabi syempre nasa library kami bawal ang mag-ingay
“eh bakit ka ba kasi nag-rereview diyan??”-bulong din nya
“eh kasi po may quiz mamaya”
Para kaming ewan dalawa kasi naman naiirita na ako sa kanya pero pabulong padin ako magsalita tapos siya naman nangungulit and clueless yung mukha tapos ang hina pa nang boses pero nung sinabi kong may quiz kami
“ah may quiz lang pala mam-- ANO??! MAY QUIZ MAMAYA??”-shet napalakas ang boses nitong mokong na ito langya yan papalapit na ang librarian sa way namin naku naman talaga oh nakalimutan yata niya na nasa library kami eh takte talaga
“Ms.&Mr. your in the library shouting is prohibited both of you out!!”-mahina pero galit na sabi ng librarian sa amin
“Sorry po ma’am” ( _ _) nakayuko kong sabi grabe talaga kahihiyan nanaman ito grrrrrrr ( - - #)
Lumabas nalang ako ng library na nakabusangot ang mukha maya maya kasbay ko na yung bwisit na lalaking nagngangalang jayson na nagpipigil ng tawa niya.
“stop laughing dahil walang nakakatawa kasalanan mo itong lahat ang malas ko talaga ngayon dahil sayo”
“hala uy sorry jeepney girl” yan nanaman siya sa kaka-jeepney girl niya sa akin kinikilabutan ako pag tinatawag niya akong jeepney girl
“may pangalan ako tigil tigilan mo yang kaka-jeepney girl mo sa akin at pwede ba layuan mo nalang ako mas magiging ok pa” badtrip talaga oh simula kanina sa jeep palang nasira na ang araw ko dahil sa lalaking to
“eh sorry na kasi Janie naman ikaw pa nga lang yung kaibigan ko dito eh wala akong ibang kakilala dito uy” aba at kinonsensya pa ako loko to ah tapos nagpout pa siya naku naman oh
“hay naku bahala aka nga kainis naman oh pasalamat ka… hay naku tara na nga ilibre mo nalang ako sa canteen total naman kasalanan mo kung bakit naudlot ang pag rereview ko” wala hindi ko din siya natiis bakit ba kasi ang cute nya shet
“huh ah-eh..”hindi na nya naituloy ang sinasabi niya dahil kinaladkad ko na siya papunta ng canteen hindi ako papayag na hindi niya ako ilibre hahaahaha sisiguraduhin kong mamumulubi siya sa akin this will be my sweet revenge
*Sa Canteen
Katulad nga ng sinabi ko kanina uubusin ko ang pera nitong lalaking ito pumunta agad ako dun sa isang stall dito sa canteen tapos kumuha ako ng isang ham and cheese na sandwich,isang tuna sandwich,isang chicken empanada,isang spicy beef empanada tapos siya ang pinagbayad ko then pumunta ulit ako sa isa pang stall bumuli naman ako ng,20 pcs crinkles,10 pcs brownies,2 slice chocolate cake,2 chocolate moose ayun gaya nung kanina siya ulit ang pinagbayad ko then lipat naman ulit sa kabilang stall bumuli ako ng super large size ng mango shake dalawa then siya ulit ang nagbayad tapo pumunta na ako sa isang table dito sa canteen konti palang naman ang tao kaya hindi na ako nahirapan maghanap ng mauupuan namin habang siya naman hirap na hirap sa pagbitbit ng mga binili ko na siya ang nagbayad hahahhhahaha I’m so bad. Nung makaupo na ako tinitigan ko lang siya habang papalapit sa table namin haha I just can’t stop laughing at him grabe naman kasi mukhang hirap na hirap siya sa bitbit niya somehow nakakaawa din pala siya well kasalanan niya yan hahahaha.so ayun sa wakas narating din niya yung table namin at pabagsak siyang umupo sa table upuan sa tapat ko wow ah umaattitude pa siya ah maasar nga hahahaha
“Problema mo?? Glit ka??” taas kilay kong sabi sa kanya naki ah ang sttitude hahahahah
“TSK grabe ang takaw mo pala muntik na maubos ang pera ko sayo eh” aba at nagpout pa naku sana talaga mas dinamihan ko pa yung inorder ko malay ko ba anamng mayaman pala itong isang to
“sinong matakaw?? At saka sino ba nagsabing ako ang kakain nyan lahat?? DIET kaya ako” hahahahah this is fun I think ito na ang revenge ko kala niya ah
“HAH? E kung hindi ikaw ang kakain nito sino?? Naku ah sinasayang mo ang pera ko masama yan at saka” hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya at isinubo ko na agad sa kanya yung ham and cheese sandwich take note buo kong sinalaksak sa bibig niya ahahahahah ang daldal naman kasi kalalaking tao
“ang dami mo sinasabi lalaki kaba talaga?? At saka sabi ko hindi ako ang kakain yan lahat kasi tayong dalawa ang uubos niyan kaya manahimik ka nalang at kumain ka na”
Nanahimik naman ang mokong kaya kumain nalang kaming dalawa.
Nang matapos na kaming kumain ay inaya ko na siya sa room namin dahil tapos na ang vacant namin.
Nag start na ang klase at gaya nga ng sinabi ko kanina may quiz kami ayun sa awa ng Diyos may naisagot naman ako ewan ko lang talaga dito sa katabi ko hindi ko naman ginustong makatabi siya pero yung katabing chair ko nalang kasi ang vacant kaya doon na siya pina upo ng prfo namin.
After 1 hour ayun natapos din ang subject na yun at uwian na wala daw kasi kaming next class kasi absent yung next prof namin
Sabay na kaimng umuwi ni Jayson kasi wala din naman akong kasabay Loner nga kasi ako I have no friends sa school ewan ko ba hmmp buti nalang kahit may pag ka epal itong lalaking ito dahil sa kanya naging iba yung araw na ito sa akin hindi ako loner kanina sa library, may kasama din akong kumain,and may katabi na rin ako sa upuan at higit sa lahat nag karoon ako ng kasabay pauwi hmmp MY DAY IS NOT TOTALLY BAD BECAUSE OF HIM kahit na naging bad din dahil sa kanya atleast balanced naman ang naging takbo ng araw ko and ayaw ko man ito sabihin sana sa mga susunod na araw tuloy tuloy lang ito.. Ok lang na epal siya basta may makasama lang ako.
A/N
Yan heheheeheh nagustuhan nyo po ba??? Sorry ngayon ko lang naupdate yung part 4 kasi naman nacorrupt yung copy ko nito buti nalang narecover ko pa so sana nagustuhan nyo po hehheehehhe
Wag nyo po kalimutan
VOTE, LEAVE A COMMENT, RECOMMEND, FOLLOW, LAGAY NYO NA DIN PO SA READING LIST NYO
THANK YOU GOD BLESS
Mukhang nakalimutan yata ni janie si migz ah and dahil yun kay Jeepney Boye jayson whoooo jis picture on the right side gwapo ba?? Well I know right hahahah oh ang teenage hormones nyo po ah hahahaa.
BINABASA MO ANG
Secluded Love & Emotions
Novela JuvenilThis story is 50% fictional & 50% real No part of this story should be distributed without authors consent so it will be a case of plagiarism © Alrights Reserve ®2013 May contain typo errors