Chapter 19

71 3 2
                                    

Ang pagmamahal ay parang paghinga bakit mo pipigilan kung alam mong hindi mo kaya, minsan para din itong utot na kahit anong pigil mo lalabas at lalabas din yan at aalingasaw ang amoy, at higit salahat ang pag-ibig ay parang hangin nandyan na nga hindi mo pa makita kahit nararamdaman mo na hindi mo parin pinapansin kasi nasanay kang nandyan siya pero kapag nawala ay hindi mo na ay mahihirapn kang mabuhay.

 

Migz

 

Nandito ako ngayon sa mall para maghanap ng gift for her isang linggo nalang birthday na niya ayon kay Cess kaya naisipan kong magikot ikot ngayon baka sakaling may mahanap ako. Sa pag-iikot ko iba ang nakita ko. It's her ang ex kong oso hindi ako pwedeng magkamali kahit hindi pa kami nagkikita sa personal alam kong siya yun. Lalapitan ko na sana siya kung di lang dahil sa lalaking kasama niya  "May bago na agad?" bulong ko sa sarili ko habang tinitignan sila na papasok sa KFC. Umalis nalang ako dun at pinagpatuloy ang balak ko.


Nandito ako ngayon sa isang sikat na shoe line for ladies dito kami madalas pumunta ni Bes, habang nagiikot ako may nakita akong isang sapatos na nakaagaw sa pansin ko it was a black heeled shoe hindi naman ganun kataas siguro mga 2 inch lang hindi ko alam pano idescribe basta may kumikinang na something dun sa shoe malay ko ba sa sapatos ng mga babae -_-. Nilapitan ko yung sapatos then mayamaya may saleslady na lumapit saken


"Kukunin nyo sir? Para po ba sa Girlfriend nyo?" tanong nya saken

"Ah ano ahm hindi ko siya girlfriend" paglilinaw ko

"Ah sorry po so kukunin nyo po ba ? Last pair na po yan dalawa lang po kasi yung nirelease na ganyang style" tinignan ko ulit yung sapatos

"Ah sige magkano ba and anong size nyan?" tanong ko dun sa sales lady

"Ah size 6 po only for 5,999 sir" sagot nya habang kinukuha yung sapatos

"Sige here's my credit card" naghintay lang ako dun habang inaayos nung sales lady yung binili ko

Habang naghihintay ako ay tinawagan ko muna yung organizer para sa surprise party namin kay bes yes birthday din ng bestfriend ko parehas sila ng birthday ni Janie naisipan ko lang na bilhan siya dahil kinokonsensya ako nga mga ugok kong kaibigan.


Nang makuha ko na yung binili ko ay naisipan ko na din umuwi wala naman na kasi akong gagawin.

Habang pauwi ako ay parang may something parang may nakalimutan ako. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at nang makita ko yung date ay napamura ako langya sarili kong birthday nakalimutan ko "Tss" napailing nalang ako sa katangahan ko.

Pagdating ko sa bahay ay nandun na yung mga kumag kong bandmates meron nga pala kaming gig mamaya muntik ko nang makalimutan ewan ko ba sa mga to biglaan yung gig tinatamad pa naman ako ngayon lalo na at araw ko ngayon na mukhang nakalimutan nanaman ng mga to lagi nalang  -_-


"Oh san ka ba galing kanina pa kami dito"-Renz naka cross arms pa ang gago

"Sa tabi tabi lang" balewala kong sagot

"Eh ano to?" di napansin na nakalapit na pala saken si Cess at tinitignan yung paperbag na hawak ko. Agad ko naman itong iniwas

"Ah ano ah wala masama bang mamili?" balik na tanong ko

"Hindi naman pero kasi diba pambabae lang yung mga items sa store na yan" ayaw talaga akong tantanan ni Cess

"Ah ano ah paki mo ba"  akyat na sana ako sa taas para makaiwas sa mga tanong niya pero sadyang makulit tong babaeng to

Secluded Love & EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon