Zaleena's On View.
"Balot! Balot kayo dyan! Balot!!!" Sigaw ko habang naglalakad ng dis oras na ng gabi.
Para sa pamilya ko ay kailangan gawin. Para matustusan lamang ang pang araw araw namin.
"Baloooooot!!! Para sa tatay nyong Supoooot!" Tumakbo na ako dahil narinig ako nung isang nagiinuman. Mahirap na at dayu lang ako sa barangay nila.
Sa Huli wala akong nabenta na Balot. Nakakainis naman daw ohh!
Umupo na ako sa aking Store at nilipag na ang basket na abaniko at nag kwenta na ng mga pera.
Busy ako sa pagbibilang at pag kwe-kwenta ng pera ng biglang may tumapik sa aking likodan.
"Ayyt Pukaa namatay ka na sana!" Sigaw ko dahil sa gulat.
"Grabe naman yang salita mo. Ginulat lang kita tapos patay agad. Di ba pwedeng, 'Ayyt Dyosa' ganorn??" Si Dheena ang aking nakababatang kapatid.
"Ba't di ka pa tulog? Maaga ka pa sa school mo haa!" Suway ko sa kanya.
"Tsk, Di pa ako inaantok ate ehh. So ano? Naubos ba yung benta mo??? Madami ka bang kinita?" Hindi makapagpigil na tanong ng kapatid ko saakin.
"Ang Malas nga ng Bwenas mo ehh. Dapat hindi ikaw yung unang bumili. Yan tuloy wala akong nabenta, Hayyts" Saad ko na lamang.
"Halaa teka nga, Nasan na ba ako? 250 na ba or 350? Hayyts! Dheena ikaw talaga nawala na naman ako sa pagbibilang" Reklamo ko at inulit nanaman ang pag kwenta.
Kinamot kamot ko pa ang aking ulo. SUSMARYOSEP nakakainis naman daw oh.
"O sya ate matulog na ako. At oo nga pala ate, May babayaran kami sa school para daw sa Head Curriculum Building. Each student daw ay kailangan mag bayad para mai-renovate ang building na yon. Nakakahiya naman pag di ako magbayad lalo na't ako na lang ang walang maihaharap sa kanila" Mahabang salaysay ng aking kapatid.
Nagbuntong hininga muna ako bago magtanong muli sa kanya. "Magkano ba?" Aking tanong sa kanya.
"Nasa isang daan lang naman ate ang babayaran sa school. Tapos oo nga pala yung tuition fee ko para sa college ate nalalapit na—"
"Oo nagiipon ako para dun. Basta mag aral ka ng mabuti haa!" Sabi ko sa kanya at para namang PMA ang kapatid ko at nagsaludo pa.
"Ma'am Yes Ma'am!" Sabi nito na naka saludo pa. Hinampas ko na lang sya kaya ayun umalis na ang kapatid ko at pumunta na sa kwarto nya.
Binilang ko muli ang mga pera ng biglang may kumatok mula sa pintuan namin. Ayun tuloy! Nawala nanaman sa pagbibilang. Kainis naman daw oh.
Binuksan ko ang pinto. "Ano ba? Dis oras na ng Gabi tapos kakatok katok ka??!!! May problema ka???!!!" Sigaw ko sa kanya.
"Ahh ate, Bili lang po ako ng Ice, ito po yung bayad" Binigay nya ang tatlong piso saakin.
"Hoyy teka nga!!! Bakit tatlong piso??? Hoyy Lalaking may peklat sa mukha Five pesos na ang isang Ice. Mahal na kaya ang kuryente!" Pagsusungit ko sa kanya.
Ang totoo ay tatlong piso lang talaga pero dahil magaling akong mag diskarte ay ginawa ko ng limang piso para masaya at dagdag pa sa kinita.
"Ahh ehh, Sige po ito" Dinagdagan nya ang ng dalawang piso ang binayad nya kanina.
"Okay" Tanging saad ko at nagtungo sa ref at kumuha ng isang ice. At dahil naiinis ako sa kuyang yan ay kinuha ko ang gunting at ginupit ang paghawakan ng Ice. Yung pinag buhulan ng Ice or yung buntot nya kaya ayun binigay kona sa kanya.
"Halaa Ba't wala yung hawakan?" Reklamo nya.
"Ate baka meron po kayong Supot dyan. Ang lamig po kase"
"Ehh kumag ka pala ehh, Ang mahal mahal na kaya ng mga Supot tapos hihingi ka lang para lang dyan sa isang yelo?? Mukha mo! Slapsoil!" Paglalait ko sa kanya.
Wala syang magawa kundi ang hawakan na lang ang Ice. Umalis na sya kaya padabog kong sinara ang pinto namin.
"Oh so Pano Readers?? Bibili ka ba haa? Slapsoil?"
*****
BINABASA MO ANG
"Bonjour, Love, Paalam." (Maldita The Series #4)
Short StoryA new version of Hello, Love, Goodbye. It's a Story between Two People. That it's started from Bonjour, Until they fall for love, And in unexpected thing, It Ends up with Paalam"