Zaleena's On View,
Walang araw ng hindi ako kinulit ng taong ito. Baka nga nasama na sa kanyang schedule ang pagpunta dito sa tindahan ko pero di naman sya bibili. Makikitambay oo at inisan ako.
Actually kasalukuyang nagpapatulong sya saakin ngayon kung paano magluto ng Banana que kaya naman natawa ako sa kanya.
"Bakit kailangan mo pang aralin yan? Wala ba sa Google yan? Ayaw kong magsayang ng gasul lalo na't ang mahal mahal na!" Reklamo ko sa kanya.
"C'mon! Teach me. It's just like I'm not your friend"
Awwts gege! Friend lang?
"Ehh hindi naman talaga masyado ka lang papansin" Sabi ko sa kanya.
"Please, I will pay you naman ehh" Sabi nya na syang nagbigay liwanag sa aking isip.
"Sige, Dalawang Libo ang ibayad mo haa!"
Tumango pa sya sakin.Nang matapos ang pagtutulong ko sa kanya para magluto ng banana que dito sa kusina namin ay dumiretso naman kami sa paghugas ng mga pinggan at mga ginamit na pang luto.
"You don't have source of water? Like faucet?" Tanong nya na syang kinangisi ko. Total lalaki naman toh, Bakit di ko kaya iparanas sa kanya ang mag igib??? Para naman magka-kalyo yung malambot nyang kamay.
Bitbit ang dalawang timba ay nagtungo kami sa bombaan. "What's that?" Sabi nya sabay duro sa bombaan.
"Bombaan" Tipid kong sagot sa kanya. Nakita ko naman syang napatango tango. "Ahh, you mean Pump Well?" hayyts! Ewan ko ba sa lalaking toh. Walang araw na hindi nagtagalog yang dila nyan at puro eglish ang binibitiw na salita.
"O sige na, Mag igib ka na!" Sabi ko sa kanya sabay tulak sa kanya ng marahan patungo sa bombaan.
"Dali naa! Magbebenta pa ako mamaya!" Irita kong saad at dahil dun ay di na sya naka angal pa..... Ngumiti ako sa kanya. Nang magsimula syang mag bomba na.
****
"Ahhh!! My arms.... It hurts" Daing nya sabay upo sa isang monoblock. Hinihilot ang kanyang mga butot balat na braso. Wala man lang akong nakitang muscle.
"Hoyy inaarte mo dyan? Lalaki ka ba? Tatlong timba pa lang ang nabuhat mo Hoyy!" Sabi ko sa kanya. At talagang mahina tong lalaking toh.
"No I'm not! I am strong one!" At tumayo pa sya na parang masigla at hindi masakit ang mga braso nya.
Tsk, Baliw.
Dahil hapon na ay napagpasyahan kong magbukas na sa aking tindahan at magbenta ng mga inihaw.
Tinulungan din ako ni Sven na gumawa ng apoy sa ihawan. Kung tatanongin kung ilang posporo ang naubos nya??? Actually yung buong pakete ang naubos ehh. Hindi nya daw alam kase.
"Ano toh?" May biglang babaeng naka old dress na puti pero hindi pure white ang dress nya kumbaga makaluma ang style at pa color yellow na yung dress nya.
"Isaw iyan tapos ito naman dugo habang ito ay barbeque" Tinuro ko ang mga paninda ko.
"Anong mga pagkain ang ibinebenta nyo mga Tao? Hindi makatarungan! Pati Dugo??? Ibinebenta nyo para kumita kayo? Mga Hindi makasaysayan!"
Luhh! Baliw ata to??? Sino ba to sa inaakala nya? Ewan ko kung ano yang suot nya. Pati yang mga salita nya ay ibang iba kung mag salita.
Byzantine classical ang kanyang dress at parang nasa Medieval period sya. Aba ewan ko kung saang lupalop galing toh.
"Huyy taga saan ka ba? Wala akong naintindihan sa sinabi mo ehh!" Sigaw ko sa kanya.
"Isa akong prinsesa sa Kaharian ng Maldoñia at naparito ako upang hanapin ang nakatakdang tumulong saakin. Ayon sa sinasabi ng mahiwagang salamin ay nasa mundo sya ng mga tao—"
"Huyy tama na! Pamalas ka ng tinda ko ehh. Umalis ka na nga! Wala akong pake kung prinsesa ka ng Maldoñia!Babaeng hilaw!" Lait ko sa kanya.
Pasimple kong tinignan yung nasa likodan kong si Sven at tuloy pa rin sa ginagawa nya na paggwa ng apoy. Nakangiti din sya habang yung mga mata nya sy nasa ginagawa nya. Siguro tinatawanan na ako nito dahil pati mga baliw ay pinapatulan ko pa.
"Hoyy Prinsesang baliw, Umalis ka na dito at baka ihagis ko tong mga paninda ko sayo!" Naiinis na talaga ako ehh.
"Mga walang hiya! Tama nga ang sabi ni Inay. Ang mga tao na nandito sa Planetang ito ay mga masasama. Walang galang at hindi kaaya-aya!" Sabi pa nya. Galing mag inarte nito ahh. Ba't di mag audition sa PBB housemate?
"Uyy halika ngaaa!" Bigla na lang may isang lalaking humila dun sa babaeng naka white na dress.
"Ano Ba! Bitiwan mo nga ako. Ang Prinsesang tulad ko ay hindi basta basta nahahawakan! Naiintindihan mo?" Sabi pa nya.
Tinignan ko naman yung lalaking naka glasses at makikitang hiyang hiya na sya. "Ate pasensya na po sa kasama ko. Ahmm, May role play po kasi sila mamaya sa school kaya ganyan mag salita yan, Nagpra-practice sya. Pasensya na po talaga" Paghingi ng paumanhin ng lalaking naka glasses.
"Okay lang, Pero pakisabi sa Kasama mo na Bawal ang Baliw dito sa tindahan ko. Maliwanag?"
"Opo, Pasensya na po talaga" At umalis na silang dalawa. Patuloy pa rin sa pagkalas yung babaeng kala mo naman aattend sa kasal pero sa role play lang pala.
Hayyts! Mga kabataan nga naman! Wag naman sana maging kaklase yon ni Dheena at baka mahawa yung kapatid ko sa kagagahan non.
" Zaleena"
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Sven na nakatingin din saakin. Tinaas ko ang aking kilay. Problema naman nito?
"Je'taime" Haa? Ano daw??? Zutem? Anong zutem ang pinagsasabi nito?
"Kung hindi ka naman mag eenglish mag fre-french ka naman. Ano bang napasok sa utak mo haa at ano yung Zutem na sinasabi mo sakin?"
Di nya na lamang ako pinansin at pinagpatuloy ang kanyang ginagawang pag ihaw.
Napangiti naman sya kaya napagisip isip ko na baka kapatid nya yung babae kanina. Parehas kasi silang baliw.
Hayyts!
*****
BINABASA MO ANG
"Bonjour, Love, Paalam." (Maldita The Series #4)
Short StoryA new version of Hello, Love, Goodbye. It's a Story between Two People. That it's started from Bonjour, Until they fall for love, And in unexpected thing, It Ends up with Paalam"