Slapsoil 10
Zaleena's On View,
"Nay, San po kayo nagtratrabaho" Wala ng intro-intro at dineritso ko na sya pagpasok nya pa lamang sa pintuan.
"Ano ka ba anak??? Edi malamang sa trabah—"
"Pumunta kanina dito si Mang Damian. Ang sabi nya po ay wala daw syang natanggap na bayad ng mga nakaraang renta natin" Walang gana kong saad.
"Ahh ehh... Sinabi nya yon??? Tsk, Yung panot na talaga yon—"
"Nay yung totoo. San nyo po ginamit yung pera?" Tanong ko sa kanya kaya napatayo na ako upang tignan sya. Mata sa mata.
"Ano ka ba anak!!! Nagbayad ako ng—" Di na muli sya naka salita ng ipinakita ko sa kanya ang resibo na naglalaman ng mga detalye tungkol sa rent.
"Nay pakiusap lang. San nyo po ba ginamit yung pera??? Para po ba sa trabaho nyo? Ano yon Nay—"
"Oo na! Oo na!!! Ginamit ko ang perang yon" Sigaw ng aking ina sabay pinihit nya ang sigarilyo nya.
"Pinagsugal ko yon para maparami pero malas ako ehh kaya ayun. Natalo" Bigla na lang nyang tinapon sa kung saan ang sigarilyo nya.
"Pe-pero ma.... Bakit???" Aking tanong at parang iiyak na talaga ako.
"Simple lang ang rason Anak. Ayaw kitang mahirapan! Ayaw kitang laging nakikitang nagpupursigi para sa amin ng kapatid mo! Ayaw kitang makita na naglalako lang dyan sa daan!!! Kaya Anak—"
"Nay kung ayaw nyong makita akong nahihirapan edi sana binayad mo na lamang ang perang iyon sa renta. Ngayon tignan nyo po ako, Nahihirapan kung san makakakuha ng 100,000 na pera. Nay, papalayasin tayo dito sa bahay na ito at may isang buwan na lamang tayong palugid" Napaupo na lamang ako sa isang upuan. Unti unting may namuo na luha sa gilid ng aking mata at di kalaunan ay pumatak na ang kanina ko pang pinipigilan na iyak.
"Yon po ba nay ang trabahong sinasabi nyo? Ang pagsusugal?" Bakas sa aking tono na paiyak ko iyon sinabi.
"Anak hindi sa ganon—"
"Pero ganon yon Nay!" Napatayo na ako dahil sa galit na namuo sa aking puso.
"Lahat ng pawis na tumutulo habang nagtitinda ako ay pinaghirapan ko yon! Ang mga kinakain natin at mga ginagamit, maging ang pangtustos sa pangangailangan natin ay sakin galing. Ang tubig at ang kuryente natin ay ako ang nagbabayad. Ang lahat ng bagay na makikita sa bahay na ito ay galing sakin. Galing Saki—Pakkk!"
Napahawak ako sa aking pisnge dahil sa sapak ng aking ina. Narinig ko namang bumukas ang pintuan at alam kong si Dheena yon.
"Ate?? Inay???" Bigla syang lumapit saakin at dinama ang pisnge ko.
"Zaleena! Wag mong ipamukha sa akin na wala akong silbi. Buong buhay ko ay ikaw ang inalagaan ko, Kayong dalawa ay inalagaan ko ng mga bata kayo kaya wala kang karapatang sabihin sa akin ang mga katagang yan!" Narinig ko ding umiyak si Inay kaya mas lalo din ako umiyak.
"Kung sa paningin mo wala akong silbi, Ba't di na lang sana ako namata—"
"Nay tama na po!!! Ate! Tama na" Pag awat saamin ni, Dheena.
Bigla na lamang umalis si Inay, Padabog na sinara ang pinto habang ako ay napaupo na lamang habang umiiyak.
Si Dheena ay pumunta sa kusina para kumuha ng tubig para saakin.
Si Inay ay may sama ng loob saakin dahil sinisi ko sa kanya ang lahat ng problema ko. Ngayon ay mas bumigat ang aking loob.
Anong ginawa mo Zaleena? Sinira mo ang pamilya mo.
*****
Lumipas ang mga ilang araw. Hindi pa bumabalik si Inay. Masama pa rin ang loob saakin. Pinamukha ko kasi sa kanya na wala syang ambag sa bahay na ito at dun ako nakaramdam ng sinasabi nilang 'Guilty' na dapat pala di ko na lang sinabi iyon. Binalot ako ng galit kung kaya't nasumbat ko ang lahat ng mga iyon. Ang tanga ko!!
"Bestieee!" Sigaw ni Maja sa labas at di kalaunan ay pumasok na sya sa loob.
Pagkapasok nya pa lamang ay napangiwi sya sa nakita nya. "Eihh? Bestiee ano tong mga toh??? Ba't ang daming medisina??? Anong ginagawa mo???" Sabi nya at umupo sa aking tabi. Nasa sala kami at sa sahig ay nagkalat kalat ang mga medisna at tableta pati rin sa lamesa ang madaming mga medisina.
"Anyare bestie? Bakit hindi ka pa nagtitinda ngayon?? Ilang araw ka ng hindi nagbubukas ng tindahan mo ehh. May nangyare ba??? Magaling ako mag advice. Heartbroken ka ba? Tungkol ba sa isang lalaki??? Ano? Sabihin mona!!!" Sabi nya habang yinuyugyog ang katawan ko.
"Maja..... Wala ako sa mood. Alis ka na lang" Matamlay kong saag sabay kuha sa isang medisina at kinain iyon at nilunok.
Isusubo ko pa lamang ay inagaw agad saakin ni Maja ang tableta. "Bestiee?? Ano ka ba??? Magpapakamatay ka sa Overdose? Mag tapat ka nga. Ano bang nangyare??!!!"
Humikbi ako sa pero ilang sandali lamang ay umiyak na ako.
"Shhh tahan na Bestiee" Pinalo palo nya pa ang likod ko para patahanin ako.
"Lahat ng Problema ay may solusyon. Pero hindi solusyon ang pagpapakamatay bestiee. Hindi mo man sabihin ang problemang kinikimkim mo ay sure ako ng malaki ito. Tandaan mo to bestiee, Mahal kita kahit Gaga ka at lalong nandito ako para sayo. Kaibigan kita ehh!" Sabi nito na syang kinangiti ko.
"Salamat" Aking tugon sa kanya.
Kahit papano'y naibsan ang lungkot na nararamdaman ko. Nandito pa pala si Bestie, Laging nasa tabi ko.
"Okay Bestie! Tama na ang Drama mamaya ka umiyak. Save your tears, Magbukas ka na ng tindahan! May Kalaban ka na ehh!"
"Kalaban? Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ko.
"Basta! Meron ka ng Karibal sa Pagtitinda at ang mas nakakaloka ay magkatabi kayo!"
Well, Kailangan na yata sigurong bumalik ako sa dati. Walang mangyayare kung lagi lang ako iyak ng iyak.
Dapat isipin ko na mas kailangan kong kumita ngayon.
Handa na ako.
*****
BINABASA MO ANG
"Bonjour, Love, Paalam." (Maldita The Series #4)
Short StoryA new version of Hello, Love, Goodbye. It's a Story between Two People. That it's started from Bonjour, Until they fall for love, And in unexpected thing, It Ends up with Paalam"