Slapsoil 9

6 3 0
                                    


Slapsoil 9

Zaleena's On View,

      Gabi na at napagpasyahan ko ng magligpit ng mga ginamit kong pang ihaw. Tinulangan din ako ni Sven na magligpit at nagpaalam na sya saakin dahil may family dinner daw sila. Nagsara na ako dahil ang sunod naman na aking ibebenta ay ang balot. Ganyan talaga ako. 24/7 pagdating sa pagtitinda. Para na rin sa aking kapatid na syang aking pag asa dahil malapit na syang makapagtapos. Si nanay naman ay ayun, Nagtratrabaho at kumakayod din.

   Sinukbit ko na ang Basket na gawa sa Abaniko sa aking siko at Magsisimula palang sanang rumonda sa barangay namin ng biglang may isang panot na humarang saaking dadaanan o sabihin na lang natin na isang hudas na nagbigay ng malas. Malas kasi yung ganitong gawain. Yung ready ka na ngang mag benta tas biglang may haharang sa pintuan nyo at ang nakakaloka pa ay isang panot pa talaga. Okay pa nga sana kung may mukha pero ito? Naku doble o triple ata ang malas na ibibigay saakin.

    "Mawalang galang na po haa! Pero sino po kayo???" Tanong ko sa kanya.

  "Awsos! Dyan tayo ehh!"

       "Ayyt Manong wag mo namang sabibin na may tayo nagmumukha kang ambisyoso! Ehh" Prankang saad ko kaagad. Sabihan ka ba naman kase ng may 'Tayo' kala mo naman may pinagsamahan.

  "Ako si Mang Damian iha. Ang may-ari ng bahay na kasalukuyan nyong tinitirahan. Pitong Buwan na kayong di nakakabayad kaya kung ayaw nyong paalisin ko kayo ay magbayad na kayo ayon sa pinag usapang petsa. Pero kung ayaw nyo pwes maghanap na kayo ng matitirahan nyo!"
 
                 ANO??!!!!!!

     "Hoy Mamang Panot! Anong pinagsasabi mo? Ang nanay ko ang araw araw na nagbibigay ng bayad sayo. Atsaka fully paid na kaya ang anim na buwan namin dito haa!" Depensa ko. Hindi pwede toh noh! Imposible naman kaseng hindi man lang kami nagbayad ehh lahat nga ng mga nabebentahan ko araw araw ay napupunta sa aking Ina para pang bayad sa renta.

     "Ayyt Iha, Walang binibigay ang nanay mo saakin. Humihingi ng palugid Oo! Pero ang magbayad?? Hindi!" Saad naman ni Mamang panot. Ano raw???

     "Hindi pwede mang panot. Ang sabi ng nanay ko ay nagbabayad sya sayo! Naku kund di ako maka tiis sayo ay baka sabunatan na kitang panot ka!"

  "Aba! Ikaw pa tong may ganang mang lait. Tsk, Kung gusto nyo ng Mabuting Usapan upang hindi na mas lumala pa at mapunta sa kasuhan ay magbayad na kayo!" Sabi nito saakin.

      "Halaa! Hindi pwede mang panot—"

  "Sus! Laos na yang paawa effect mo Iha. Hindi tumatalab sakin yan"

     "Bwisit! Magkano ba lahat haa?!!" Di na talaga ako nakapag tiis. Bwisit kasi toh eh.

  "Ayan ang resibo" Pinakita nya ang isang papel na may kasulatang.... ANO??!!!!

     "100,000 PESOS?!!!!!!!!!" Aking reaksyon ng mabasa ang naka sulat.

  "Mang panot! Saan naman ako kukuha ng ganitong kalaking halaga? Ehh wala pa nga akong nabebentahan ehh"

         "Itanong mo sa Aso!" Sagot nya.

  "Kaya nga kita tinatanong Mang Panot ehh" Aking ganti sa kanya.

    "Aba! Bastus ka haa! Umalis na kayo sa bahay na ito!!!"

  "Huyy Joke lang Mang Panot!!! Wag naman po. Oo sisikapin kong mabayaran ang renta namin basta bigyan nyo lang kami ng ahmm......" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng biglang nagsalita si Mang Panot.

    "Sige, Sa loob ng Isang Linggo. Kailangan mabayaran nyo na yan!" Nanlaki ang aking mata.

  "Halaa Mang Damian. Wag naman ganyan po. Pwedeng mga.... Dalawang Buwan???" Alam kong napaka ubod ng corny pero ito na lang ang aking magagawa. Ang magpaawa sa kanya.

      "Ang Nanay ko po kasi ay may sakit sa baga. Ang kapatid ko naman ay nag aaral pa lamang at ako naman po ay ang nagsisilbi nilang pag asa. Mang Damian, Wag nyo naman po sanang paalisin kami dito. Pakiusap lamang po" Pinilit ko pa talagang mag seryoso na kahit sa totoo lang ay natatawa na ako. Bwisit.

  "Hayyts. Sige!!! Pagbibigyan kita. Sa loob ng Isang Buwan. Kailangan mabayaran mo ang renta nyo!"

     "Ayyt mang Damian. Ang sabi ko po ay Dalawang Buwan!"

  "Ehh pano kung gusto kong Isang Buwan? May magagawa ka ba? Makaalis na nga!" Bigla na lang syang umalis.

     Sa dismaya at depress ko ay napaupo na lamang ako sa isang mono block. Bakit ba parang nadagdagan ang problema ko???
    

                              ******

"Bonjour, Love, Paalam." (Maldita The Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon