Chapter 5
Zaleena's Standpoint;
"Ohmygosh Bestieeeee!!!! Viral ka ngayon!!!!"
Nandito kami ngayon nina Maja sa Tindahan ko kung saan kasalukuyan kaming nagtitinda ng mga Banana que at Halo halo.
"Asan?" Aking tanong at ipinaanood nya saakin ang eksenang sinampal ko si Sven.
"Alam mo bestie? Galit sayo lahat ng mga fans ni Sven. Bakit mo ba kasi sya sinampal. Pati nga ako di ko maiwasang awayin ka ehh!" Sabi naman ni Maja.
"Nabigla lang ako sa pagsampal sa kanya" Walang ganan kong paliwanag.
"Hoyy Chakang Tindera! Ikaw ba yung nanampal sa Prince Charming namin? Haa?"
"Haa? HATDOG!" Aking sigaw sa babaeng kala mo naman ang ganda ehh puro gawa sa plastic surgery.
"Aba! Ang tapang mo haa!" Bigla nyang hinulog ang lahat ng mga ingridients sa mga halo halo. Hala! Pu*a! Anong problema nito!
"Ayan! Wala ka ng benta. HAHAHAHA!"
Tinignan ko sya ng matalim. Mas matalim pa kaysa sa baba nya!
"Oops! Babae mas mabuti pa kung lumayas ka na dahil nasa teritoryo ka namin at baka pagtulungan ka pa namin!" Pagsasaad ni Maja dun sa babaeng nanghulog ng lahat ng tinda ko.
"Wala akong pake, At isa pa wag mo nga akong titigan ng ganyan. Oh! Let me guess, You are pissed??? HAHAHAHA! Serves you right!" Sigaw nitong babae at di ko na natiis at kinuha ang kutsilyo!
"Papatayin talaga kita!!! Waaaahh!!!!!"
"Bestie ano ka ba! Awat!!! Huyyyy! Ang mabuti pa umalis ka na baka mapatay ka pa ng kaibigan ko. Daliiii!" Sabi ni Maja at nakita ko naman yung babae na parang dagang nakakita ng Pusa at bigla na lang tumakbo paalis.
"Hayyts! Buti naawat kita. Papatayin mo talaga yung babaeng yon? Grabe ka haa!" Sabi saakin ni Maja.
"Eh bakit nya kasi hinulog lahat ng mga tinda ko?" Aking depensa at pinulot ang mga tag iisang mga Tupperware na may lamang ingridients ng Halo Halo. Bwisit yong babaeng yon!
"O diba? Halos lahat ng mga Kababaihan ay galit sayo kaya kung ako sayo ay magtago ka na Bestie para iwas gulo!"
Napatayo ako sa kanyang sinabi. "Aba! Hindi pwede Maja. Ipinanganak ako para lumaban ang dapat ipaglaban! At wala sa bokabularyo ko ang salitang magtago dahil ni minsan hindi ako matatakot!" Matapang na saad ko.
"Bahala Ka Bestie basta labas ako dyan sa gulong pinasok mo haa!" Sabi nya pa at tinulungan na akong magpulot ng mga nahulog na Tupperware.
"Hi Zalee pwede bang makahingi ng—"
"Aling Pasing di ka pa ba Kuntento??? Inubos mona yung Malunggay namin tapos hihingi ka nanaman!" Pagtataray ko sa kanya.
"Ahh Zalee, Hindi Malunggay hihingin ko. Pahingi sana ng Pechay nyo" Sabi nya pa.
"Aling Pasing wala ka bang Pechay??? Yan ang gamitin mo pangsahog sa pagkaing iluluto nyo hindi yung hingi kayo ng hingi!" Aking sigaw kay Aling Pasing. Napahiya sya dun kaya narinig ko na lamang na inirapan nya at umalis na. Dapat lang! Wala man lang hiya para manghingi ng gulay namin. Ang Kapal ehh.
*****
"Hey!"
"Ayyt Puka Namatay ka na sana!" Gulat kong saad.
Napatingin ako sa Hudas na nang-gulat sa akin.
Si Swan.
"Haha you're funny! May I know your name so that I know how should I address you?"
"Putangina ka ba? Mag tagalog ka nga! tadyakan kita dyan ehh" Di na ako makapagpigil sa pagmura sa kanya.
Bwisit kasi ehh.
Umupo sya sa tabi ko. At dahil maliit lang ang space nang upuan na ito na tantya ko ay 1.5 meters lang ang haba ay hindi maiwasang mag dikit ang aming balat.
Sa paglapat ng balat namin sa isa't isa. Parang may bultahe ng kuryente ang dumaloy sa aking loob-looban.
Na syang nagpa-gana sa aking Puso para mas lalong bumilis ang pagtibok nito.
Ano ba tong nararamdaman ko? Highblood na ako? Siguro nga kasi ang dami ng gumugulat sakin isama mo pa tong—
Nang lumingon ako sa kanya. Nakita ko ang kanyang Side View. Dun ko lamang nakita na matangos pala ang ilong nya at teka—Ba't parang gumwapo ito? Ng mas lalo???
"Done Checking my Face?" Nabalik ako sa Ulirat ng malamang gaano na pala kadikit ang aming mukha sa isa't isa.
Isang Pulgada na lang siguro ay didikit na ang aming mga mukha—Ano ba Zaleena? Ulol ka ba?!!
Agad akong lumayo sa kanya.
"Ahh—Ahhmm..... Mag aano lang ako mag-iigib Oo! Tama! Mag-iigib ako! You know? Collecting Water? Basta yon!"
Ginawa ko na muna ang rason ang pagiigib pero sa totoo lang ay mamayang hapon pa ako mag-iigib. Rason ko lamang iyon para makaalis saglit at lumayo sa kanya.
Gusto ko muna kasing alamin kung ano nga bang kababalaghan ang nangyayare saakin? Kung ano nga ba ang dahilan kung ba't ganito ang nararamdaman kong init at pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing nandito sya.
Ano nga ba toh?
********
BINABASA MO ANG
"Bonjour, Love, Paalam." (Maldita The Series #4)
Truyện NgắnA new version of Hello, Love, Goodbye. It's a Story between Two People. That it's started from Bonjour, Until they fall for love, And in unexpected thing, It Ends up with Paalam"