Slapsoil 13
Zaleena's On View,
Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naliligo sa may Beach Resort.
"Yohoo!" aking hiyaw sabay talon mula sa malaking bato at bumagsak ako sa malalim na parte ng tubig.
Ang saya!
Ngayon lang kasi ako naka experience ng ganito sa buong buhay ko sa totoo lang.
Lagi na lang kasi kami sa Ilog, Kanal, at Sapa naliligo ehh. Sinusulit ko lang.
Sakto naman, Last Day na ngayon ng June at malapit na ang pasko. Hayyts! Parang kailan lang ehh.
Napatingin naman ako sa Dalampasigan. Si Sven ay nakasandal sa isang Puno ng niyog habang may teleponong naka dikit sa kanyang tenga. May kausap ata.
Nang lumingon sya sakin ay ngumiti sya at kinawayan pa ako. Kumaway din ako bilang tugon sa kanya.
*******
Matapos akong maligo. Gabi na kung kaya't nagtungo kami sa Cottage nitong Resort na ito.
Kakalabas ko lamang sa Banyo dahil nagpalit ako ng Damit. Buti na lang may extra na damit ang cottage na ito at iyon na ang isinuot ko.
Nasa labas siguro si Sven. Baka nga.
Pinunasan ko ang aking basang buhok gamit ang tuwalya ng may marinig akong tumunog na telepono.
"May Text ata" Aking sumbat.
Tatawagin ko sana si Sven na may nag text sa kanya ngunit nakapag isip isip ako.
Pano kung—Pano kung ako na lang tumingin? Oo na pakielamera na kung pakielamera pero.... Parang mas magandang Idea na wag ko na lang syang storbohin at basahin ko na lamang. Tama!
Agad kong kinuha ang nakapatong na telepono. Walang Password kung kaya't na-unlock ko na wala sa oras.
Binasa ko ang nag text.
From: Dad
We settled the Engagement Party. By tommorow afternoon I expect you to arrived here in Paris. The Casabine's are now agreed and so do I for this Ceremony.
Nabitawan ko ang cellphone at ito'y bumagsak sa sahig. Nabasag ito.
Pero walang wala ang basag na iyon sa aking nabasag na puso ng mabasa ko ang text.
Engagement party? Ikakasal na sya? Pero—Pero ano ang ibig sabihin nang ginawa nya saakin???
Nawalan ako ng lakas ngunit kinaya ko pa ding tumayo. Sinoli ang telepono sa lamesa at pinipigilan ang sariling lumuha.
Teka ba't naiiyak ako? Ba't ko ba to nararamdaman? Ba-bakit???
Bumakas ang pinto. Akala ko si Sven pero isa palang Empleyado.
"Ma'am, Dinner daw po kayo sabi nung kasama nyo sa Baba"
Ngumiti ako ng pilit. "Ahh sige po susunod na po" Aking tugon rito at isinara nya na ang pinto.
At ako naman ay sumunod na din sa baba. Dapat masaya pa din ako, Dapat umarte akong hindi ko nabasa yon. Erase! Erase!
*Inhale* *Exhale*
*******
Nang makarating ako sa Baba ay bumungad saakin si Sven. Suot nya pa din ang ngiting iyan.
Ngumiti din ako sa kanya. Pilit nga lang. Hindi pinapakitang nasasaktan ako.
Sa gitna ng lamesa ay may nakatirik na kandila. May wine din na inumin.
Pinanghila nya ako ng upuan at ako naman ay umupo duon. Umupo na din sya. Kaharap ko.
Nakangiti pa rin sya na animo'y may gustong sabihin. Alam ko na Sven, alam ko na.
Tahimik kaming kumain. Walang nag uumpisa ng mapaguusapan hanggang sa matapos ang kainan ay napagdesisyunan kong lumabas na muna saglit.
"Zaleena! You are not in yourself. Is something bothering you?" Umiling ako sa kanya bilang tugon at ngumiti ng pilit sa kanya.
"Wala!" Aking tugon at nilingon muli ang karagatan.
Gabi na at madaming mga bituin sa kalangitan. Maliwanag na buwan na syang nagsilbing ilaw ngayon. Na syang ilaw upang makita ko ang katotohanan. Ang katotohanang hindi talaga kami para sa isa't isa.
"I'm not convinced Zalee, There is something bothering you I'm certain!"
Humarap ako sa kanya at sa pagharap ko ay tumulo na ang aking kanina pang pinipigilang luha. "Oo tama ka! Meron nga!" Di ko na napigilang taasan sya ng boses na syang kinabigla nya.
Pinatid ko ang aking luha gamit ang kamay ko. "Akala ko ba naman nahanap ko na ang syang msgkukumpleto sa buhay ko. Ngunit akala ko lang pala...." Pinikit ko ng marahan ang aking mga mata na mas lalong lumabas ang mga luha. Mainit na Luha.
"Akalang minahal mo din ako ngunit ang totoo'y pampalipas oras lang pala"
"That's not true Zalee, I mean it. I love you......"
Ngumiti ako sa kanya habang ang mga luha ko'y walang tigil sa pag agos. "Minahal bilang kaibigan Sven. Yun ang totoo, Kaya pala biglaan ang mga ito. Pinapadama mo saakin ang dapat kong maramdaman bago ka umalis at magpakasal" Hindi ko na napigilan pa at sinabi na rin sa kanya.
"Yes, I have a Girlfriend" Yumuko sya sakin.
Dalawang metro ang layo namin sa isa't isa.
"And Yes, I love you.... I love you not just as a friend but more than that but the problem is.... I love you in a wrong time of destiny. I've met you in a unexpected ways and I liked you just like the moon touching the water right now"
"Tangina wag mo ngang idamay yung Buwan! Mag seryoso ka!" Sigaw ko sa kanya.
"Kung mahal mo ko sana naisip mo na sabihin saakin sa una pa lang. Hindi yung mahuhulog ako sayo pero hindi mo ko sasaluhin!"
Pinakalma ko ang aking sarili.
Ayaw ko na.
Tama na.
Hindi ko na kaya pa.
Lumingon ako muli sa kanya at dun ko nakita ang mga luha nya din. Umiiyak sya dahil lang saakin na dapat hindi naman sana. At yon ang ayaw kong maramdaman, Ang saktan sya.
Ito ang pinaka masakit na katotohanan. Minahal ako ngunit bilang kaibigan lamang nya. Na kahit anong gawin ko ay hindi talaga kami para sa isa't isa.
Langit sya at Lupa naman ako. Tubig sya at ako naman ay apoy. Mataas sya at ako naman ay mababa. Hindi pwedeng magsama at kung pipilitin ko man ang aking sarili sa na mahalin sya ay hanggang sa kaibigan lamang ang kaya nyang isukli.
********
BINABASA MO ANG
"Bonjour, Love, Paalam." (Maldita The Series #4)
Short StoryA new version of Hello, Love, Goodbye. It's a Story between Two People. That it's started from Bonjour, Until they fall for love, And in unexpected thing, It Ends up with Paalam"