Slapsoil 1
Zaleena's On View,
"Buluga!!!"
"Ayyt! Namatay ka na sana!" Biglaang saad ko dahil sa gulat.
"Alam mo bestie, Alisin mo yang pagcu-curse mo sakin dahil baka mamaya ay magkatotoo" Sabi nya sabay katok ng tatlong beses sa upuan. Takot siguro mangyare.
Anyway, Meet Maja Ruth. Ang kaibigan kong walang silbi at puro paganda lang ang inatupag. (Maja pagbabasahin ay 'Maha')
Tumayo na ako para mag dispatcha ng mga customer. Nandito kasi kami sa may sidewalk at naka payong ng malaki yung payong na Micromatic at may lemasa na syang pinagpapatungan ng mga paninda ko at may upuan din na mono block. Nagbebenta ako ngayon ng Bananaque at Juice.
"Ano yon Slapsoil?" Tanong ko dun sa batang ka kutis nya na talaga ay ang lupa.
"Ahh Juice nga po, Limang piso" Sabi nya.
Nagsimula na akong mag takal ng juice.
"Bestie, Kilala mo si Sven. Yung sinasabi kong gwapo na taga France??? Uuwi daw sya dito. Waaaaaahhh!" Sabi ni Maja.
Binigay ko na yung juice at umupo na sa tabi nya.
"Sino yon?" Takang tanong ko.
"Ano ka ba Bestie! Wala ka ba sa Update? Si Sven Fez Zazòmount ang isang lalaking tinaguriang 'Crush of The World' pano ba naman kase ang gwapo nya at ngayong kani-kanina lang ay naka landed na daw sa pilipinas ang private chopper ng Family Zazòmount. Oh di ba? Ang Big News Nito!!! Waaaahhh!" Hinampas nya pa ako kaya mutik akong nasubsob.
"And then, Ang Latest Chika of the day ay about sa Relationship nya......" Bigla na lang syang kumuha ng isang stick ng bananaque at kinagat na ito atsaka itinuloy ang sasabihin nya. "Dahil ang status nya kay Zoey Casabine ay.... Wala na!!! Break na sila kaya ngayon. Lahat ng mga kababaihan at kabaklaan ay nagsasaya saya dahil sa muli ay naging single nanaman si Sven kaya todong todo ngayon ang paganda ko noh baka sakaling ako yung mapansin nya" Explanation nya saakin.
"Hoyy! Bayaran mo nga yan!! Kala mo mabubudol moko sa pag chi-chismis mo sakin para lang maka buraot ka. Dahh! Yung Bayad!" Sabi ko sa kanya.
"Ito namang si Bestie. Oo may pangbayad ako. Ito ohh!" Binigay nya na sakin ang sampung piso.
Kinuha ko ang bayad nya at nilagay na sa belly bag ko.
"Dahil sa issue na yon bestie ay kaya sya pumunta dito para mag hanap ng........... Girlfriend nya!!! Waaaaaaaaahhh!!!!" Hindi ko na natiis at sinampal na sya.
"Ikaw ang ingay ingay mo ha!! Kaya pala pinangalan sayo Majarot dahil ang harot mo talaga!!" Saad ko sa kanya.
"Aray naman bestie!" Daing nya pa pero di ko na lang sya pinansin.
"Pa load nga ako po ako" Sabi nung isang lalaki.
"Teka sandali lang kunin ko lang yung cellphon—"
"TM po" Muli nyang saad.
"Sandali lang okay??? Hanapin ko lang yun—"
"0984.........746.......1264" Sabi nya.
Dahil sa inis ko ay kinuha ko ang isang basahan at binato sa kanya. "Sabing Sandali lang ehh!!!!!! Nagmamadali ka??? Nagmamadali kaa??? Sarap mo ilublob sa inidoro! Umalis ka na nga!!!" Sigaw ko sa kanya.
"Ang Sungit naman nit—"
"Wala akong pake!!!" Sigaw ko muli at umalis na yung lalaki.
"Hayyts" Daing ko na lamang dahil sa inis.
"Ehh bestie naman. Pano ka makakabenta ng ganyan kung ang sungit sungit mo sa mga customer. Edi wala talagang bibili sayo. Sayang pa man din si Kuya, Ang Gwapo." Pagtatanggol nya dun sa lalaki. Palibhasa gwapo kasi kaya nya pinagtatanggol ang unggoy na yon.
"Kanino ka ba kampi?? Sa kanya o sakin?"
"Sakany— este sayo" Tugon nito saakin.
Bigla na lang may kumalabit saaking balikat.
"Anak may nabentahan ka na ba??? Pahinge nga ng pera. Pang yosi ko lang" Si Nanay.
"SUSMARYOSEP mama, Ang aga aga tapos maninigarilyo ka. Baka magkasakit kayo nyan" Pag suway ko kay mama.
"Oo nga naman Aling Merenda. Diba may sakit kayo sa baga" Pag sesegundo naman ni Maja.
"Tsk, Wala kong pampalakas. Sige na Anak!!! Baka mahuli pa ako sa trabaho ko" Sabi ni mama. So ano nga ba ang magagawa ko.
Binigyan ko sya ng Bente at kinuha nya naman ito agad. "Mauna na ako" Huli nyang saad at umalis na.
Sabi ni Mama may trabaho daw sya pero nung tinanong ko ay secret daw. Tsk, Bahala na nga.
Bigla namang sumulpot si Aling Pasing sa tindahan ko. "Zalee, Pwedeng makahingi nga ako ng Malunggay. Para sana sa aming pagkain" Sabi niya saakin.
Hindi naman ako pwedeng humindi kahit na sa loob-loob ko ay ayaw ko talagang magbigay. Tsk, Kami yung Nagtanim pero iba yung umani. Ang kapal nga rin naman ng pagmumukha ni Aling Pasing.
"Thank you Zalee" Sabi nito saakin at dumiretso na agad sa Gulayan namin.
"Bestie, Ba't ang bait bait mo??? MAPAGBIGAY ka pala ehh. Ehh Ba't siningil moko dun sa bananaque" Reklamo ni Maja.
"Hinge nga ng hinge ehh, Ehh ano bang magagawa ko. Hayyts!" Saad ko na lamang at nagbenta muli ng may customer nanaman.
"Ate isang Chips nga po tapos tatlong bananaque at tatlong juice" Minadali kong mag takal ng juice at mag supot ng bananaque para maibigay sa bata.
Nang maibigay ko sa bata ay biglang.... "Utang muna po daw ate. Sa susunod na lang daw po bayaran ni Mam—" agad kong binawi ang mga binigay ko sa kanya.
"Sabihin mo sa mama ang dami nya pang utang dito. Ang lakas naman ng loob ng nanay mo para umutang ehh may utang pa nga syang hindi nababayaran. Umalis ka nga! Slapsoil!" Sigaw ko dun sa bata kaya ayun umalis na sya.
Sinayang nya lang yung oras ko. "Ba't ba kasi utang ng utang yang nanay ng batang yan??? Ang kapal haa!" Sabi ni Bestie saakin.
"Oo tama ka dyan. Nakakainis nga ehh" Pag sang ayon ko sa kanya.
Sinoli ko ang mga tinakal kong juice at mga sinupot kong bananaque. Kung alam ko lang na uutangin lang pala nila edi sana hindi ko na lang muna sila binentahan.
"Bestie, Mag paskil ka kasi ng 'Bayad muna bago bili' para naman di ka na nila maiisahan"Sa tingin ko may magandang idea ang naisip ni Maja kaya agad kong kinha ang permanent marker at may sinulat dun sa isang Bond Paper.
"Zalee, Salamat haa. Madami na tong nakuha ko" Napalingon ako kay aling pasing na ngayon ay bitbit ang isang malaking supot na puno ng bunga ng Malunggay at mga dahon nito.
"Aling Pasing san kayo kumuha ng supot!?" Tanong ko sa kanya.
"Ahh ito ba??? Dinala ko kanina. Pinaghandaan ko kasi ehh. Salamat pala haa" At yun tuluyan na dyang umalis.
Tsk, Matandang toh napaka kapal. Sinilip ko yung Gulayan namin at PUTANGINA! Halos maging kalbo ang tanim naming Malunggay dahil wala man lang natira kahit isang dahon.
Talagang matandang yon. Sana di masarap luto nya para useless. Bwisit na yon! Ang kapal humingi tapos uubusin! Hayyts! Yoko na sa Mundo!
*****
BINABASA MO ANG
"Bonjour, Love, Paalam." (Maldita The Series #4)
Storie breviA new version of Hello, Love, Goodbye. It's a Story between Two People. That it's started from Bonjour, Until they fall for love, And in unexpected thing, It Ends up with Paalam"