Slapsoil 6
Zaleena's On View,
"It's Love~" Sabi ni Bestiee saakin na syang kinatawa ko ng bahagya.
"Love? Pagmamahal? Yackk! Mag seryoso ka naman di puro Love love yang nababangit ng tagilid mong dila!" Sabi ko dito.
Wala na! Puro na kalandian ang nasa isip ng babaitang toh.
Gabi na at di muna ako nagpasyang magtinda. Nasa Bahay ako ni Maja at tinatanong sya ng maayos pero tignan mo naman. Pilosopo ang Maharot!
"Love nga! Ano ka ba Bestiee! It's the sign na in love ka!" Sabi nito saakin sabay salin nang tubig sa baso gamit ang pitsel.
"Diba sabi mo May spark kang nararamdaman sa isang lalaki. Tapos evertime na meron ang presence nya ay bumibilis ang tibok mo? Zalee! It's the sign talaga na inlove ka. Yieeee! Sino si Lucky Guy?" Pagtutukso nito saakin sabay sundot pa sa tagiliran ko.
"Pshh! Ang Pangit mo ka bonding! Makaalis na nga!" Sabat ako atsaka ako'y lumisan na sa bahay nyo pero bago pa yon ay napigilan nya na ako.
"Kala ko Maldita ka Forever yon pala maiinlab ka din pala. Hihi! Sige lang Bestiee support kitaa!"
"Siraulo!" Huling saad ko sabay alis sa bahay nya.
Nagtungo agad ako sa Bahay namin na mala kubo ang style. Pinainit ko sa kalan ang mga balot na syang ibebenta ko mamaya at sabay non ay nagpri-prito din ako ng Mani para maibenta din.
Nagpalit na lang ako ng simpleng damit at isinuot na ang belly bag ko atsaka isinukbit na ng aking Abaniko na basket sa siko at rumonda na ako sa Barangay namin.
"Miss magkano mani mo?" Napalingon ako sa may kanto. May tatlong maangas na lalaki na tambay.
Lumapit ako sa kanila. "Sampung Piso lang, Bili ka na!" Sabi ko sa kanila.
Bigla na lamang hinawakan ng gago ang aking hita. Tinabik ko iyong kamay nya.
"Ibang mani ata gusto nyo ehh!" Aking sigaw sa kanila.
"Ayown! Matalino ka rin pala!" Aba! Gagu ang isang to ah! Pagkamalan ba akong bobo.
Pagtutulungan na sana nila ako ng biglang may nanuntok agad sa kanila. Isang lalaki naka all black na suot.... Teka kilala ko na to! Suot palang alam ko nang sya yan!
"Aba! Bastus ka haa!" Nainis siguro yung lalaking tambay at sinuntok nya rin yung nagtanggol saakin.
At dahil napuruhan siguro yung lalaking nagtanggol saakin ay minabuti ko nang umawat pa. Kinuha ko ang kamay nitong lalaking basta basta nalang sumusugod at hinila ito palayo dun.
"Hoy! Bakit mo ginawa yon! Wag mong sabihin tatanawin ko ng utang na loob ang ginawa mo eh ang dami ko na ngang utang ehh!" Sigaw ko sakanya ng makaalis kami dun sa kanto.
Nang makasigurong nakalayo na kami ay saka tinaggal ang sumbrero nyang itim pero hindi ang face mask nya.
Alam ko naman ayaw nyang ma exposed sa media na kasama ako ehh kasi alam ko naman. Mayaman sya mahirap ako at baka ma issue pa kami.
"Bonjour!" Ngumiti sya sakin at kumaway pa pero ako poker face lang sa kanya.
"Hoy Silver Swan! Wala akong oras para makipagbiro sayo! Ikaw ahh Bonjing!" Sabi ko naman sa kanya. Tinawag ba naman kase akong Bonjing ehh.
"What's your—este anong pangalan mo?" Tanong nya sakin.
Ahh! So pangalan pala ang habol nya sakin. Ehh bakit ba??? Atat na atat talagang malaman ang pangalan ko ehh.
"Pangalan ko ay si—" Napahinto ako aking sasabihin. Napag isip isip.
Baka kasi pag nalaman nya ang totoo kong pangalan ay baka ipakulong nya ako dahil sa ginawa kong pagsampal sa kanya. Sows! Muntik na ako dun. Talino mo talaga self!
"Now What? You are??" Tanong nya muli.
Ehh Gago rin pala to ehh! Atat na atat? Di makapaghintay? Ba't ba karamihan sa mga lalaking foreigner ay hindi makapaghintay. Impatient sila kumbaga.
Napagisip isip ako kung anong pangalan ang gagamitin ko.
"Ahmm Ako si Nadine nohh! Parang engot toh!" Bigla ko na lang sya nakitang ngumiti.
"Well then, It's a pleasure to meet you. Nadine—"
"Auntie Zaleena!!! Pabili nga po ng Balot sabi ni Papa ko!"
Boom! Pahiya!!! Pesti talaga itong bata tong ehh!
Nilingon ko sya at pinandilatan ng mata. Bwisit kang bata ka! Saang impyerno ka ba nang galing? Animal kaaaa!
"Huyy Auntie Zaleena! Bili daw po sya ng Balot!!!" At tumawa naman si Silver swan ng marahan! Itong lalaking to talaga!
Bigla nya na lang tinaggal ang face mask. Di talaga ako nagkamali! Sya talaga si Swan.
Inis akong kumuha ng Dalawang Pirasong balot sa abaniko at ibinigay sa bata.
"Oh Ayan na!!!" Sabi ko sa bata.
"Ayyt Auntie Zaleena isa lang po!" Boom! Pahiya nanaman! Pesti talaga tong batang toh.
Agad kong kinuha ang isang balot mula sa kanya. "Ohh Aalis kana?!! Yung Bayad mo hoyy! Ang kapal mong bata ka haa!" Sigaw ko dun sa Bata dahil paalis na sya.
"Neyy? Binigay ko na po dun sa lalaki yung bayad ko Auntie Zaleena! Yung kasama nyo po!" Sabi nung bata at umalis na.
Napatingin naman ako sa kasama ko. Ngumiti sya saakin ayyt hindi pala ngisi na yon ehh!
"Akin na nga yan!!!" Aagawin ko na sana yung pera ng biglang nilayo nya ang kamay nya.
"Well tell me what excactly is your name. Is it Nadine or Zaleena?" Ayyt Eng-eng rin pala ang isang to ehh. Di maka gets! Ehh ano yung sinabi nung bata na apat na beses? Di pa ako yon. Bwisit yung batang yon!
"Oo na!!! Zaleena pangalan ko! Bakit mo ba kasi tinatanong haa!"
Ngumiti lamang sya sa aking harapan na animo'y masaya syang nalaman ang aking pangalan.
Binigay nya na ang pera na bayad nung bata saakin. "Zaleena?" Pag uulit nya sa pangalan ko.
"O tapos na??? Pwede bang umalis ka na! Dahil sayo di na ako nakabenta ehh! Inaabala mo na ako!" Naglakad na ako palayo sa kanya pero ang engot ay sumama pa din saakin. Teka! Tapos nya nang natanong pangalan ko ahh! Ehh bakit nandito pa sya.
"Hoy! Umuwi ka na! Pinaghahanap ka na siguro ng pamilya mo!" Aking tugon.
"I guess I need to stay by your side. Your a girl and it's a dangerous for you to go out there alone. You might encounter some Bad People just like recently." Pangangatwiran nito. Aba!
Sa truth lang. Parang nainitindihan ko ang sinabi nya kahit pa diretso english iyon.
"Ehh anong gagawin mo dito? Gabi na ahh??!" Aking tanong naman sa kanya.
Aminadong wala akong natutunan nung mga elementarya pa ako. Hanggang Grade 2 lang kase ang natapos ko at nagpadesisyon na mag hinto sa pag aaral at tumulong sa aking pamilya.
"To help you sell all of this" At bigla nya na lang inagaw ang Abanikong naglalaman ng mga tinda ko.
"Huyy Akin na nga yan!"
"You should be treated like Queen so I can manage this" Sabi nya at naglakad na sya habang ako ay tulala at naiwan.
"Huyy Teka nga!!!" Humabol ako sa Kanya.
Isinuot nya ang kanyang face mask at ayun sya na nga ang bitbit sa aking paninda.
Napangiti ako na wala sa oras.
Bigla nya naman akong hinawakan sa kamay.
Then ayun nanaman. Ang Spark sa tuwing nagdidikit ang aming mga balat.
******
BINABASA MO ANG
"Bonjour, Love, Paalam." (Maldita The Series #4)
Short StoryA new version of Hello, Love, Goodbye. It's a Story between Two People. That it's started from Bonjour, Until they fall for love, And in unexpected thing, It Ends up with Paalam"