Ending

6 3 0
                                    

Ending

(One Year Later)

Zaleena's On View,

"Bulagaaaa!"

  "Ayyt namatay ka na sana!!"

       "Ano ba bestiee paulit ulit kong sinasabi sayo na wag naman ganyan ang ibibigkas mo kung ginugulat ka"

  "So kasalanan ko pa kung yon ang nasasabi ko kapag ginugulat ako. Wag mo kasi akong gulatin" Umirap ako sa kanya.

    "Ayyt wow bestie mataray yarn???" Di ko na lang sya pinansin at umupo na lamang sa Mono Block. Naghihintay sa mga customer.

   Tanghali ngayon kung kaya't nagtitinda ako ngayon ng Halo-Halo. Summer nanaman dahil June na ngayon.

   Sa Ganitong Buwan, May isang taong lagi kong naiisip.

   Ganitong Buwan kasi kami nagkakilala ehh.

  Lumipas ang isang taon ay nagbago ang buhay namin. Si Mama ay may desente ng trabaho at yun ay ang katulong sa isang mayaman na pamilya. Si Dheena naman ay ayun todo sikap sa pag aaral. Gusto nya daw kasing maging Flight Attendant. Baliw talaga yung kapatid ko, Pandak na nga tas ang taas pa ng pangarap. Ewan ko lang kung maabot nya pero sana nga.

Si Aling Pasing? Ayun gumawa sya ng sarili nyang Gulayan. Na realize nya daw kasi na pangit pala yung hingi ng hingi nakakahiya daw ehh kaya ayun nagtayo sya ng sarili nyang gulayan. Buti naman may hiya pa sya. Charr.

Si Maja ay walang pinagbago, Maharot padin tulad ng dati nyang kinagisnan. Tsk! Pero kahit pa malandi at maharot yan ay mahal ko yan kasi nga Kaibigan ko yan ehh.

At Ako? Ito okay lang. Masaya na din sa pagiging tindera na lamang.

  Sinasabi kasi ng Street saakin na dapat magtinda lang ako at ipagpatuloy itong pagtitinda dahil daw mas malaki ang kikitain mo dito. Kaya naman ito ako ngayon, Nagbebenta.

      "Ate magkano isang tusok ng kwek kwek?" Tumayo na ako upang mag dispatcha.

  "Huyy Bestiee alam mo na yung News?" Pagsisimula ni Maja ng paguusap namin.

    "Mamaya ka nga Maja! Nagbebenta ako marites ka talaga!" Inirapan nya lamang ako.

  "Yang Kwek-kwek 10 pesos isang stick!" Saad ko dun sa binatang lalaki. Kala mo naman pogi naka Mullet Hair cut lang ehh atsaka sa totoo lang mukha syang kabayo dyan.

   "Ang Mahal naman po! Ehh itong Bananaque? Magkano naman?" Tanong nya sabay duro sa Bananaque.

   "12 pesos na ang isa!" Sabi ko, Dati kasi ten yan pero ngayon mahal na.

  "Napaka mahal naman ate! Ehh Five pesos lang tong pera ko!" Narinig kong reklamo nya.

  "So kasalanan kong payb lang pera mo haa? At kung tatanongin mo man kung bakit nagmahal syempre nagmahal din yung Mantika! Yung Arina! Yung Asukal pati yung pamasahe nagmahal na din! Tapos yung gasul ko pa kasi iluluto ko pa tapos yung pagod ko pang nagluto kaya ganyan ang presyo nya! Ano??? Bibili ka ba haa Slapsoil?!" Mahaba at diretsong salaysay ko. Animal kasi ehh.

     "Sige po juice na lang!" Nahihiyang saad nito saakin. Dapat lang mahiya toh ang kapal nang mukha eh!

   Nagsimula na akong mag takal ng juice at nagbayad na sya. O tamo! Sabi nya payb pesos yung pera nya pero Ten pesos pala. Kupal na toh!

   Kinuha ko ang bayad at binaryaan sya ng Candy. "Luhh ate! Bakit po candy yung barya ko?" Tanong nito saakin.

  "Dahil wala pa akong Barya ano aangal ka? Sapakan na lang oh!" Hamon ko dito pero bago pa yon ay umalis na sya. Ang Daming Reklamo kala mo naman kagwapuhan ehh mukha namang Hamog sa Kanto. Yuck!

     Naupo na muli ako sa Monoblock. Katabi si Maja na ngayon ay nagpipigil kiligin. Ano naman tong nangyayare sa kanya???

    "Hoyy anong nangyare sayo?" Tanong ko dito.

  Mukha kasing natatae sa itsura nyang ngingiti ng pinipigilan.

  "Owemji Bestieee! Ito na yung sinasabi kong News ehh! Di mo kasi ako pinapasalita kaninang nagtitinda ka!" Sabi pa nito saakin na syang kina kunot noo ko.

   "Ano ba yung News na yan haa! Sabihin mo na!" Aking iritang tugon. Bwisit ehh ang landi!

   "Okay sige but in one condition, Libre mu naman ako ng Kwek kwek. Hihi!" Sabi nito saakin.

  "Ahh Okay, Keep your News! Wala naman sigurong kwenta yan at baka kalandian mo lang yan!" Sabi ko dito. Alangan naman na isugal ko yung isang kwek kwek edi wala na akong nagansya. Ulol sya ahh!

    "Si Bestiee naman ehh!" Inirapan ko sya. Kunwari feeling nagtatampo para sabihin nya yung sasabihin nya. Oh diba? Matalino pa din ako!

   (Woooshhhh!!!!)

Natigilan kami sa pagbabangayan ni Maja.

  Ba't ang lakas ng Hangin? Agad kong hinawakan ang Micromatic na Payong at baka maylipad pa kung nagkataon. Pero imbis na tumila ang malakas na ay hangin ay mas lalong lumakas pa ito.

  "BFF MAY BAGYO BA!!!!" Sigaw ko para marinig nya ako.

    "HAA?!!"

  "HAA? HATDOG KAA! SABI KO—" Natigilan ako sa pagsasalita ng may marinig akong sumisigaw.

   Lumingon ako sa kanan at maging sa kaliwa. May tumatawag sa pangalan ko! At pamilyar ang boses na iyon.

  Di Kaya—

     "Zaleena! Heyyy!" Tumangan ako sa taas.

  May isang Helicopter na nasa taas at sigurado akong dun nang galing ang boses na iyon.

   Hanggang sa nakita ko sya. Kinakawayan nya ako. Still, Suot nya pa din ang ngiting iyon.

Nagbalik sya! Nagbalik sya!

  Di ko maiwasang magsaya. Hindi nya nga ako kinalimutan.

    "Sven" Bulong ko sa aking sarili. Ngumiti ako sa kanya.

Isang Taon na at makikita kong mas gumwapo sya. Hayyts! Lakas talaga ng karisma nitong lalaking to.

  Imbis na tumanda ay mas lalo atang bumata.

   Sa kandungan nito ay may batang nakaupo. Isang Babaeng bata.

  Anak nila siguro ng asawa nya.

  Nasaktan man ako pero di ko yon pinahalata. Masaya na ako ngayon sa kung ano ang meron ako.

   "You Forgot to Treat me Halo-halo Remember? You Promised, So I came Back!!!" Sigaw nya sa taas.

   At dun na nagtatapos ang aking kwento. Akala ko tuluyan ng magpapaalam sa isa't isa ngunit hindi pala. Hindi man kami nagkatuluyan, Naging mag kaibigan naman kami.

    Mali ang Tittle nitong kwento ko sa totoo lang.

  Nagsimula kami sa Pagtatagpo hanggang sa Bonjour. Nagmahalan pero palihim at sa Huli nagpaalam pero ngayon nagbalik sya pero hindi na tulad ng dati.

Nagbalik sya para saakin.

  Bilang Kaibigan.

#Na_Friend_Zone

                       ************

  

"Bonjour, Love, Paalam." (Maldita The Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon