Slapsoil 11
Zaleena's On View,
"Ate magkano po toh?" Sabi ng lalaking naka glasses at itinuro ang bananaque. Naka uniform sya. Studyante siguro.
Masaya ako dahil muli ay nagkaroon ako ng lakas nang loob na magbukas muli ng aking tindahan. Pero..... Di pa rin umuuwi si Mama. Siguro nagtatampo pa rin sakin at may sama ng loob.
"Sampung piso" Tipid kong sagot.
"Ehh itong Halo-halo teh?" Tanong nya muli.
"Kinse sa maliit na baso at Bente naman sa malaki" Tugon ko muli.
"Ehh yung Juice? Magkano???" Tanong nya muli.
"Singko kada baso" Tipid kong sagot muli sa kanya.
"Ehh itong Kwek-kwek?"
"Sampung piso sa tatlong piraso"
"Itong piattos?? Magkano?"
"Tang!na Mo! Bibili ka ba? Bibili ka ba??!!!" At yon! Di ko na na-control pa ang aking bibig sa pagbigkas ng masama. Gagu ehh! Tanong ng tanong!
"Ahmm.... Isang candy na lang po" Agad nyang nilapag ang piso at kumuha ng candy at saka kumaripas na ng takbo.
O tamo? Ang daming tinanong pero isang pirasong candy lang yung binili. Animal na yon.
Umupo agad ako sa monoblock. Pinapakalma ang aking sarili dahil bagong bukas nanaman ang aking tindahan. Dapat wag munang mag sungit. Tsk.
Nagbukas ako para kumita pero meron pa akong isang rason kung bakit ako nagbukas.
"Nasaan na ba sya?" Tanong ko sa aking sarili sabay lingon sa paligid.
Hindi ko sya makita. Nasaan na ba yon? Dati naman lagi yon dito haa!
Naghintay pa ako ng ilang minuto peeo imbis na sya ang dumating ay isa namang Maldita ang dumating.
"Hey tinderang mabantot! How much is this?" Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang kanyang lait saakin.
Tinignan ko sya. Babaeng matangkad, naka shades sya na pang araw. Naka suot sya ng Blouse na bulaklakin at puti at pink ang kulay nito. May balabal ding naka palibot sa kanyang leeg at ang huli ay naka sumbrero sya na pang sosyalan ang dating. Sino to?
"Hey? I know I'm pretty but please don't drool over me. Nagmumukha kang tomboy! And one more thing, Ang bantot mo!!" Lait nya sabay pout na kala mo naman naamoy ako.
"Wow haa! Kung maka bantot ka sakin kala mo naman ang bango mo ehh rexona lang naman yang gamit mo!!!" Lait ko din sa kanya para fair.
"Ahh whatever, By the way what is this and how much?" Atsaka nya dinuro ang badoya.
"Limang piso sa isa, Badoya yan at saging ang nasa loob nyan. Bagay nga sayo kasi unggoy ka. Ang puti mo nga pero mabalbunin ka"
"Anong sabi mo?!!! Unggoy ako?"
"Buti alam mo""Walangya kang babae ka!!!"
Ohh?? Kala ka ba americana ang babaitang to? Ba't nagtagalog??? Di kaya......"Ehh ang arte arte mo! Yun naman pala taga bario ka ehh!! May pa English-speaking ka pang nalalaman ehh filipina ka naman pala" Sabi ko sa kanya. Bwisit na to, Kala ko naman foreigner pero pilipino din pala.
"Ehh so ano ngayon? Atleast ako mayaman ehh ikaw hindi" Sabi pa nya. Aba't tinatapakan ba ako nito?
"Ehh kung mayaman ka pala, Ba't di mo bilihin ang lahat ng paninda ko??? Oha ano?" Hamon ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
"Bonjour, Love, Paalam." (Maldita The Series #4)
NouvellesA new version of Hello, Love, Goodbye. It's a Story between Two People. That it's started from Bonjour, Until they fall for love, And in unexpected thing, It Ends up with Paalam"