Slapsoil 4

8 4 0
                                    

Slapsoil 4

Zaleena's On views,

     "Oh ate? Magbebenta ka?" Sabi ni Dheena na kakauwi palang.

  "Ayyt Hindi maglalaro, Oo! Maglalaro lang ako kaya ako may dalang tinda. Bahala ka nga dyan. O sya! Wag nyo na akong hintayin pa dahil magagabihan ako" Aking saad at umalis na para magtinda ng itlog pugo, Popcorn at Mani.

     "Magkano popcorn mo?" Si Kuya na nasa kanto.

"Ahh Sampung piso lang! Bilihin mona!" Aking saad at lumapit sa kaniya.

     "Haa? Sampung piso? Ehh Limang piso lang yan haa!" Dugtong pa ni Kuya.

  "Ehh so ano? Bibilihin mo ba o bibilihin mo?" Bakas sa aking pananalita ang pagkainis.

     "Walang tawad?" Sabi ni Kuya.

  "Ayyt wala!" Aking pag tanggi sa kanya.

       "Ang mahal naman! Ehh sa kabilang barangay limang piso lang yan ehh" Sabi pa nya.

  "Edi dun ka bumili! Wala akong pake!" Aking sigaw at umalis na. Bwisit na yon, Pamalas haa!

      "Suplada naman toh pangit naman!"

  "Wala akong pake! Di ako nagbebenta sa mga shokoy" Inirapan ko na sya at naglakad na palayo. Ang lakas rin ng lalaking yon kung makapagsabi ng pangit ako eh ano sya? Di ba germs? Yakk!

     Nagtinda tinda pa ako sa mga kalapit naming barangay nang makita ko si Maja.

   "Bestie, Di ka ba pupunta sa Grand Ball?" Tanong ni Maja saakin ng lumapit sya.

     "Ano ba yang suot mo? Pupunta ka ba sa Kasal???" Takang tanong ko kasi naman ay naka kulay puti sya ng Dress pero meron namang design na pink sa gown nya.

  "Ano ka ba! Kung kasal namin ni Sven edi invited ka nohh pero sa ngayon isasayaw nya muna ako. Yaaayyy!" Itutulak nya palang sana ako pero naka abang agad ang kamay ko para sapakin sya kaya napatigil sya.

      "O sya maiwan na kita dyan bestie dahil hinihintay na ako ni Sven my love hihi" Tignan nyo nga naman itong kaibigan ko. May saltik.

  "Ahh Bestie hindi ka ba pupunta dun sa Grand Ball? Balita ko madaming mga tao na pupunta, What if dun ka na lang magbenta diba?" Ito ang gusto ko kay Maja ehh, Marunong magtingin ng magandang spot para sa pagbebenta ko.

       "Kung sa bagay tama ka. Sige san ba yan?" aking tanong.

  At sumama na ako sa kanya. Ilang sandali lamang ay nakarating din kami sa Isang Malaking Venue ng Ball. Puro mga naka pang mayaman ang mga suot nila.

     "O bestie pano dyan kana haa! Baka di ka papasukin ng Guard sa loob ehh"

  "Sige Byee!" Aking paalam at naglibot libot na sa gilid gilid habang isinisigaw ang mga binebenta ko.

     "Itlog Pugo Kayo Dyan para sa mga taong may itlog!!! Mani para sa mga walang tigyawat dyan!!! at Popcorn para sa mga Corny dyan. Haraa! Bili na mga suki!" Aking sigaw at nakikita kong may mga lumalapit na din.

  "Magkano yang popcorn?"

      "Ate ate! Magkano yung mani?"

"Yung itlog pugo paano kainin yan?"

    Ngiting tagumpay ako dahil sa wakas ay may nabebentahan din ako.

      "O sige lang bili na. Kilala mo si Sven? Naku favorite nya daw ang mani ehh bumili sya sakin kanina mga suki kaso nga lang di nyo ata nakita!" Aking dahilan sa kanila para mas lalo silang bumili.

"Bonjour, Love, Paalam." (Maldita The Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon