"Ang ganda," napa-atras sa pagka amaze ang make up artist na bakla sa outcome ng nilagay n'yang light make-up sa mukha ng bride. "Kaya lang aurang dead ka naman," dagdag nito at napa-irap nalang si Emma at tiningnan ang sarili sa salamin. "Wala bang smile d'yan huh?" Tanung ng bakla na nasa likod ni Emma at pareho silang dalawa na nakatingin sa reflection nila sa salamin.
"Ku-"
"Ate!" Biglang tili nito. "Kuya ka ng kuya d'yan e mas mukhang babae pa nga ako sa'yo."
"Ummmm... ate Alex. Sa tingin mo tama ito? Tama bang pakasalan ko si Prince kahit na si Jay-"
"Stop! Bawal mo muna banggitin ang pangalan nun. Feel the moment my dear sister," napaupo si Alex sa tabi ng kapatid. "Alam ko mahirap mag desisyon pero kailangan mo gawin ito para sayo, para kay Tala."
"Okay na ba ang bride?" biglang pasok ng wedding coordinator sa kwarto. "Ready na ba?" Ulit niyo na nakatitig lang sa kanilang dalawa dahil tila nagulat ito sa kanyang pagdating.
"Ready na. Susunod na kami," binitawan na ni Alex ang kanina pa n'yang hawak na brush at agad tumayo.
Never na imagine ni Emma na kay Prince s'ya ikakasal. Pinaka hate n'ya kasi si Prince mula nung makilala n'ya ito dahil sa palaging pasaway at laging na-i-involved sa away. Higit sa lahat napaka babaero. Parang lingo-linggo kung magpalit ng babae.
While Emma was done preparing, si Prince naman ay hindi mapakali at palakad-lakad habang nakailang ubos na ng sigarilyo.
"Pwede mo naman e atras ang kasal," sabi ni Jem na hilong-hilo na sa kakasunod ng tingin sa kaibigan na paikot-ikot naglakad sa kotse nito. "Kaysa naman para kang nababaliw sa kakalakad mo dyan."
"Mga gago. Ilang buwan din itong pinaghandaan namin tapos e-aatras lang?" May halong inis na sabi ni Prince. "Saka kasal lang to, no string attached, sa papel lang."
"Talaga lang ha! Baka ilang buwan lang mag astang padre de pamilya kana," natatawang sabi ni Lee.
"Hindi ko lang talaga ma gets bakit kailangan mo pang pakasalan si Emma kung tulong lang naman ang gusto mong ibigay," hindi ito maintindihan ni Jem. "Pwede naman na ikaw ang bumili ng gatas at diaper nung baby n'ya o di kaya pag aralin mo hanggang college," dagdag pa nito na litong-lito sa sitwasyon.
"Kung nababahala kayo dahil baka hindi na ako makasama sa galaan n'yo e, you two are wrong," paninigurong sabi ni Prince sa dalawang kaibigan n'ya at itinapon ang upos ng sigarilyo sabay pinatay ito gamit ang kanyang sapatos. "Tuloy ang ligaya. Alam ko naman 'yon ang kinababahala n'yong mga loko kaya," natatawang sabi ni Prince.
"Excuse me Mr. Whyte!" Tawag ng wedding coordinator. "Pababa na po ang bride."
Inayos ni Prince ang sarili at nanalamin pa sa kanyang kotse. Nang masigurong nakaayos na s'ya ay agad siyang sumunod sa wedding coordinator at bumuntot naman ang dalawang kaibigan n'ya.
Everything was so nice. Mala fairytale ang dating ng paligid at makikita mo talagang pinaggastohan at pinaghirapan. At ang amoy ng mga bulaklak ay mas nakadagdag pa sa romatic wedding nila Emma at Prince.
Nasa dulo ng aisle si Prince, kinakabahan man pero nakangiti pa rin habang hinihintay ang kanyang bride.
And when the church door was pushed open and Emma started walking slowly while the love song playing in the background. Everyone was so stun to see her that beautiful.
Natulala si Prince habang palapit ng palapit si Emma sa kanya. Never did he imagine na ganun pala kaganda si Emma kung mag-aayos lang ito. And her smile was so perfect na tila ba nagagayuma siya nito.
"F*** Prince! This is just for a show! She is not yours and never will be yours," sigaw ng utak ni Prince.
Nang nasa harap na sila ng altar ay bahagyang napalingon si Emma kay Prince.
"Umaalingasaw ang amoy ng sigarilyo. Hindi ka man lang naglagay ng perfume o ano man? Nakakahiya sa Priest," bulong ni Emma sa kanya pero nakangiti para hindi mapansin ng mga dumalo sa kasal ang kanyang pagkainis kay Prince.
"Nagmadali ako, sorry," bulong ni Prince.
Napabuntong hininga na lamang si Emma. That's Prince and as long as she is married to him, then ganun palagi ang magiging eksena.
The wedding went well and smoothly according to their plans.
No one notices nga na it was an arrange marriage, maging ang parents ni Prince e naloko nilang dalawa.
"...you may kiss the bride..." nagkatinginan sina Prince at Emma dahil never nila itong napag usapan. Never naging topic sa plans nila.
"Kiss! Kiss! Kiss!" The crowd chanted.
Slowly naglapit ang dalawang mukha ni Emma at Prince and they both feel awkward sa isa't isa.
"Smack lang sa lips," bulong ni Prince.
He pulls back after that and smiles at the crowd.
"Hindi na feel ng bride," pangising sabi ng Pare. "One more!"
"Isa pa!" Sigaw ng mga tao.
Naglapit muli ang mga mukha nila Emma at Prince.
"Smack lang," bulong ni Emma.
At agad naman lumayo si Prince after n'yang e kiss ni Emma.
"Walang intemacy sa kiss n'yo," makukit din si Father. "Ulit. At dapat mas mahaba, mas intimate para naman ma feel n'yong dalawa ang moment na ito," sabi ng Pare na mukhang pinagtri-tripan silang dalawa.
Humawak sa baywang ni Emma si Prince and he pull her near him, rinig na rinig ang paghihiyaw ng mga nag attend sa wedding nila na kinikilig sa kanilang dalawa.
He then holds Emma's face and kisses her passionately and intimately.
He kiss her deeply, with care and he can't even stop himself.
Napaganti na rin si Emma sa halik ni Prince.
Huminto si Prince at wala na s'yang madinig na hiyawan. Tumahimik ang buong paligid at nakatitig lang s'ya sa mukha ni Emma na noo'y namumula.
Lutang na lutang pa rin sila pareho sa nangyari, at halos hindi na nag-imikan kahit nasa gitna na sila ng picturial.
Nung nakasakay na sila pareho sa kotse para magpunta sa reception e hindi s'ya kinikibo ni Emma.
"I did that para tigilan na tayo ng Priest. I didn't know na ma-o-offend ka sa gagawin ko," explain ni Prince.
"Kalimutan mo na 'yon. Ang importante matapos na ang araw na ito kasi need ko pa magpunta sa hospital," sabi naman ni Emma at nag check ng phone n'ya.
"I'm sorry," pabulong na sabi ni Prince na nakatuon ang mga mata sa daan. "I know you knew me na barombado, walang pakialam but honestly I'm sorry talaga sa ginawa ko. It was not intentional, Emma."
"Hindi ko alam na ganyan ka pala ka gentle," nagtaas ng kilay si Emma. "Ganyan ba style mo para makuha loob ng mga babae mo?" Tanung na rin n'ya na na-intriga.
Napaapak ng brake si Prince sabay dakot sa mukha ni Emma at nilapit ang sarili sa kanyang asawa. Napapatitig si Emma kay Prince na noo'y mapang inis ang ngiti.
"Ganito ko kunin ang loob ng mga chicks ko. Titig at ngita lang kusa na silang sumasama sakin," bulong ni Prince na nakangiti pa rin, nagkagat labi at napatingin sa mga labi ni Emma.
"Gago!" Tinulak ni Emma si Prince.
"Binibiro lang kita kasi kanina ka pa tense. Kalma ka lang. Ako na bahala sa lahat. Just agree with everything para di ka na ma stress sa kakaisip anong isasagot mo sa kanila," Inayos na ni Prince ang kanyang long wolf cut hair at nag drive ulit.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Husband, and Me
RomanceTurn between two men ang naging ganap sa buhay ni Emmalyn. Sino kaya sa huli ang kanyang pipiliin? Ang unang minahal? O ang lalaking pinakasalan lamang n'ya dahil sa mabigat na dahilan?