"Daming marites nagtatanung nasaan kana daw nakatira," ani ni Alex habang tinutulongan mag ayos ng kwarto nila si Emma at Tala sa bagong bahay na binili ni Prince. "Ang iba pa sinasabi nakakita ka raw ng sugar daddy. Gusto ko nga sana sabihin na hindi D.O.M. pinakasalan mo kundi isang Prince Charming."
"Hayaan mo na sila. Alam mo naman mga tao dun e," sabi naman ni Emma na inaayos ang damitan ni Tala. "Lipat ka na rin dito kasama namin. Di ako sanay na malayo ka sakin, sa amin ni Tala."
"Kontento na ako sa bahay natin kahit na barong-barong at-"
"That's a good idea," sang-ayon ni Prince na bigla nalang dumating at sumabat sa usapan nila.
"Family house ito at hindi amponan," umaayaw na sabi ni Alex dahil nahihiya s'ya na pati siya ay kargo na rin ni Prince. Sapat na sa kanya na makitang nasa maayos na kalagayan ang mag-ina.
"You are Emma's family kaya walang problema na kasama ka namin dito. Mas panatag pa ako kung kasama ka nila dito with the maid and Tala's yaya," sabi ni Prince at umupo sa bed katabi ni Tala na noo'y naglalaro ng puzzle.
"Yaya?" Sa gulat ni Emma ay napalingon s'ya kay Prince. "Naku hindi na kailangan ni Tala ng yaya. Salitan nalang kami ni Alex na magbantay sa kanya. Saka wala akong pambayad sa yaya. Kasya lang naman kinikita ko sa shop para sa medical needs ni Jaycee."
Napatingin si Prince kay Emma at gustong mainis. Mula ng pakasalan n'ya ito e walang ibang naririnig sa kanyang bibig kundi Jaycee. It's almost 5 months at puro Jaycee, sa apartment nila puro Jaycee pagkalipat nila sa bahay na iyon e Jaycee pa rin.
"You been trying so hard for three years trying to provide Jaycee. Hindi ba dapat mas priority mo si Tala above all kasi mas kailangan ka ng bata?" Sino ba naman hindi magsasawa sa kakarinig ng pangalan ni Jaycee.
"Prince, kailangan ako ni Jaycee," giit ni Emma.
"Wala ba s'yang pamilya para tulungan ka? Bakit ino-obliga ka nila sa lahat? Ni bantayan si Tala hindi nila ginawa. That's too much," napatayo si Prince si kinauupoan sabay karga kay Tala. "You better think everything Emma. Hindi pwedeng ganyan nalang ang takbo ng buhay mo. May anak ka na kailangan ka."
Natahimik si Emma habang tuwang-tuwa si Tala na nilalaro ang kwentas ni Prince.
"Alam ko ginagawa ko," pabulong na sabi ni Emma.
"Ako na magbabayad sa yaya ni Tala. She will arrive tomorrow," pagpapaalam ni Prince. "Alex, you can have the next room. Lumipat ka na rin dito para may mag-advice kay Emma," halatang sumasang-ayon naman si Alex sa mga sinabi ni Prince dahil tango lang ito ng tango.
"Okay lang-"
"I don't want to hear your excuse Alex. Gusto ko nandito ka kasama ni Emma at Tala," sabi ni Prince at lumabas sa kwarto kasama si Tala.
Nagtinginan ang magkapatid at napaupo sa lapag si Emma.
She agreed with the marriage but she doesn't know na kasama doon sa usapan na mangingialam si Prince sa decision n'ya sa buhay.
As far as she remember gusto s'yang pakasalan ni Prince para secure sila ni Tala, para walang question sa family ni Prince kung bakit bumili ng bahay ito para kina Emma at para na rin sa future ni Tala. She agreed to it kasi alam n'yang hindi n'ya maibibigay kay Tala lahat ng pangangailangan nito dahil kulang-kulang pa ang kanyang kinikita sa shop pang tustos kay Jaycee.
"Red flag. Sign na ba ito para sabihan ko si Prince na hindi s'ya pweding manghimasok sa buhay ko?" Tanung n'ya sa kapatid n'ya.
"Sa totoo lang Emma masaya ako na pinakasalan ka ni Prince kahit na ang pakay lang n'ya ay matulungan ka at si Tala," it was sincere. Talagang thankful si Alex sa tapang ni Prince. "Kasi nawala na ang pangamba ko na ano nalang mangyayari sa inyong dalawa kung wala na ako o kung bigla akong mawala. Asawa mo na si Prince, at halatang may pakialam s'ya sa iyo. Concern kumbaga at saka tama din naman s'ya."
"Kuya-"
"Kausapin mo pamilya ni Jaycee. Sabihin mo na hindi mo na kayang tustusan ang pangangailang ni Jaycee," matagal na sana n'yang gusto sabihin iyon sa kapatid pero tueing nakikita n'ya na malungkot ito at umaasa na babalik si Jaycee sa kanila ay pinipigilan na lamang n'ya ang sarili. "Nakikita mo ba sarili mo ngayon? Kailan ka huling tumingin sa salamin?" Labis ng napabayaan ni Emma ang sarili mula nung na ospital si Jaycee. Hindi na ito nag aayos dahil lahat ng perang kinikita n'ya ay para lamang kay Jaycee.
"Hindi ko pwedeng abandonahin si Jaycee. Alam mo naman 'yan Kuya," naiiyak na sabi ni Emma.
"Pwede naman siguro, ikaw lang ang ayaw bumitaw," hinawakan ni Alex ang kamay ng kapatid. "Alalahanin mo kung bakit napunta s'ya sa posisyon na 'yan Emma. Wala kang kasalanan kaya sana 'wag kang ma guilty."
Napabuntong hininga si Emma.
Iniisip pa lang n'ya na huwag mangialam kay Jaycee e nasasaktan na s'ya, paano pa kaya kung totally e abandona n'ya ito. Baka madurog ng tuloyan ang kanyang puso.
"Kaya ko pa naman. Saka ano nalang sasabihin ng pamilya ni Jaycee. Baka tuluyan na nilang hindi kilalanin si Tala. At least ngayon kasi nangungumusta na sila sa bata," malungkot na sabi ni Emma.
"Nangungumusta nga pero anong kasunod? Di ba nanghihingi ng pera?" Tanung ni Alex na naiinis na sa kapatid at gustong e-untog ang ulo nito sa pader para matauhan.
"Kinakapos din naman kasi sila," pagtatanggol ni Emma sa pamilya ni Jaycee.
"Iniisip ka ba talaga nila? Kay Jaycee inako mo na. Kay Tala inako mo na rin pati sila nakikisali pa sa kulang-kulang mong kinikita. Dapat nga sila itong tumutulong sa'yo."
"Hayaan mo na. Babawi rin naman sila e."
"Sobrang bait mo kaya ginaganyan ka lang nila. Inaabuso ka na, sige ka pa rin."
Alam naman n'ya na mali na rin na lagi na rin nahingi sa kanya ang pamilya ni Jaycee ng pera pero hindi n'ya ito matanggihan. Gusto n'yang tanggihan pero natatakot s'ya na baka pagsabihan s'ya ng mga ito ng di maanda lalo pa't lagi s'yang kinu-kwestyon ng mga ito kung talagang anak ni Jaycee si Tala.
Nakakungkot man isipin na pinagdududahan nila si Tala kung kadugo nila e wala s'yang magawa dahil talagang tutol naman ang mga ito sa kanya dati pa.
BINABASA MO ANG
My Lover, My Husband, and Me
RomansaTurn between two men ang naging ganap sa buhay ni Emmalyn. Sino kaya sa huli ang kanyang pipiliin? Ang unang minahal? O ang lalaking pinakasalan lamang n'ya dahil sa mabigat na dahilan?