Chapter 7: She's my wife but...

3 0 0
                                    

Nasa bar sina Jem, Lee at Prince.

As usual, nag iinuman ang tatlo. Nag-aabang ng mabibingwit na chicks.

"Prince," tawag ni Jen ng makita n'ya ito.

Tumitig lang si Prince kay Jen, he was trying to remember her.

"Pradaize Resort," naiilang nito sabi at tinapik sa braso si Prince.

"Yeah. Yeah. I remember," pilit s'yang tumatawa para mawala ang hiya ni Jen.

"Sa dami mo siguro nakikilala every night kaya nakalimutan mo na ako," kumapit si Jen sa braso ni Prince.

"Ummmm... mas maganda ka kasi ngayon kaya hindi kita agad nakilala," excuse n'ya kahit ang totoo e nakalimutan talaga n'ya ito.

"Hi!" kumaway si Jen kina Lee at Jem ng lumapit sa kanilang dalawa.

"Long time no see," sabi ni Lee at napa head to foot kay Jen, umikot-ikot naman si Jen para e showcase ang suot n'ya sa harap ng tatlo.

"May iba kayong kasama?" tanung agad nito na kumapit ulit sa braso ni Prince.

Napatingin sina Lee at Jem kay Prince, hinihintay na ito ang sumagot kay Jen.

"Wala," matamlay na sagot nito. "As usual, just the three of us."

"Tamang-tama! Aina and Des is coming," napakagat labi si Jen at tumingala para tingnan si Prince. "Balikan ko kayo, okay? Abangan ko lang sila sa labasan."

Agad umalis si Jen at napailing naman si Prince.

He was not in the mood that night dahil he was so mad at Emma. Nalaman kasi n'yang hiningian s'ya ng pamilya ni Jaycee ng pera at walang pagdadalawang isip na nagbigay naman ito. Hindi n'ya alam kung pupuntahan ba n'ya ang family ni Jaycee to warn them or to tell Emma stop helping Jaycee's family.

Yeah, he knew na wala s'yang paki ano man ang gawin ni Emma but the fact na sobra na ang pang-aabuso ng pamilya ni Jaycee sa kanya is not okay for him. Kilala ni Prince ang parents ni Jaycee, alam n'yang may mga ugali itong hindi ka nais-nais pero ayaw n'ya sabihin kay Emma kasi baka sabihin nito na sinisiraan n'ya lang ang parents ni Jaycee.

"Baka this time iwanan mo na naman ako ha. Last time I wait for you pero di ka na bumalik," bulong ni Jen na napahawak sa hita ni Prince.

Lumingon si Prince kay Jen matapos uminum sa bote ng kanyang beer. He smirk like a villain and kiss Jen infront nila Jem, Lee, Aina and Des.

"And he is back!" Sigaw ni Jem at naghiyawan ang lahat na nasa table nila.

Napakagat labi si Jen matapos s'yang halikan ni Prince.

"Patay ka sa akin mamaya," panggigigil ni Jen.

Biglang may boteng tumama sa mesa nila Prince at paglingon nila sa pinanggalingan ng bote ay nakita ni Jen ang kanyang ex-boyfriend. Tumayo si Jen at tumakbo papunta sa lalaki.

"Anong problema mo?!" sigaw ni Jen sa galit.

Tumahimik ang paligid kasi pinatay ng DJ ang tugtog.

Tumayo si Prince, Lee at Jem sa kanilang kinauupoan at hinahanda ang sarili na makipag away.

Nagpang abot ang dalawang grupo at nagkagulo na nga.

Pinagdadampot ng mga police ang lahat ng involved sa gulo at dinala sa prisinto.

Habang nasa prisinto nagtutulukan na ang dalawang panig kung sino ang nauna manggulo at wala sa dalawang grupo ang umaamin.

"Tumahimik na kayo!" Sigaw ng arresting officer. "Nakita na namin sa CCTV footage kung sino ang nauna pero hindi ibig sabihin e hindi na kayo lahat mananagot sa panggugulo n'yo."

"Ginawa ko lang naman manggulo dahil sa girlfriend ko Sir!" galit na sabi ng ex-boyfriend ni Jen.

"Excuse me! Ex na kita!" galit na sabi ni Jen.

Dumating si Emma sa prisinto matapos makatanggap ng tawag galing sa police at pinaalam sa kanya ang nangyari kay Prince.

Kalmado ito pumasok at agad tumingin kay Prince na noo'y maraming pasa sa mukha at may sugat pa sa noo.

"Emz," gulat na gulat si Lee ng makita si Emma.

"What are you doing here?" Sobrang na dismaya si Prince sa sarili ng makita si Emma.

"Tinawagan ko asawa mo para kunin ka dito. Sa inyong tatlo ikaw lang ang nagbigay ng emergency contact," sagot ng police.

"I didn't ask nor tell you to call her!" galit na sabi ni Prince.

"Okay lang," mahinahon sabi ni Emma. "Nasa shop pa naman ako ng tawagan ako. Saka pinili ko rin naman pumunta dito para e check kung okay ka lang, kayo," kalmadong-kalmado si Emma.

"Itong kabilang grupo ipasok n'yo na 'yan sa kulongan," utos ng chief officer sa mga ibang police. "Saka kayo magbabayad pa rin kayo sa sinira n'yo sa bar."

Dumukot agad ng pera si Prince sa wallet n'ya at nilapag sa mesa.

"Is that enough?" Inis na inis si Prince dahil nadawit pa si Emma sa pinasok n'yang gulo.

"Permahan n'yo ito at umalis na kayo," sagot ng police.

Nauna ng lumabas si Emma sa police station. Hinintay nalang n'ya ang tatlo na lumabas.

"Emz," tinawag s'ya ni Jem at lumapit sila ni Lee sa kanya, kasama si Des at Aina.

"Si Prince?" Hinanap n'ya ito ng makitang hindi nila kasama ang kanyang asawa.

"Talaga bang asawa ni Prince ito?" Tanung ni Aina at napa head to foot ng tingin kay Emma.

"Shut up," saway ni Lee kay Aina.

"Unbelievable kasi dahil sa suot n'ya-" siniko ni Lee si Aina bago pa man matapos ito sa kanyang sasabihin.

Napatingin si Emma sa kanyang paa, she was wearing an old pair of sandals, jeans at shirt na kupas. Nahiya s'ya bigla at napayuko na lamang.

"Ang dumi ko noh," patawa-tawang sabi ni Emma na pinapagpag ang damit. "Galing pa kasi ako sa shop."

Sobrang nahiya s'ya sa mga kaharap dahil sino ba naman mag aakalang may asawa si Prince na badoy at pobre.

"Nagbibiro lang naman si Aina kasi-"

"Mauna na ako sa inyo," paalam ni Emma. "Pakisabi nalang kay Prince."

Pinigilan naman nila Jem at Lee si Emma ngunit hindi ito nagpapigil. Feeling kasi ni Emma mas lalo pa s'yang mahihiya kung ang kaharap n'ya e 'yong babaeng kasama ni Prince at ayaw naman n'yang ipahiya si Prince.

Kung alam lang naman n'ya na may mga kasama sina Prince na mga babae, hindi s'ya pupunta sa prisinto.

"Si Emma?" Nagtanung si Prince sa mga kaibigan ng mapansin hindi nila kasama ang kanyang asawa.

"Nauna na," sagot ni Jem.

"Bakit hinayaan n'yong umalis si Emma?!" galit na sabi ni Prince at napatakbo sa kanyang Ford Ranger.

Agad naman sumakay ang tatlong babae sa sasakyan ni Prince at sumakay naman sila Jem at Lee sa kanilang mga motor.

"Emma come on!" Inis na inis na sabi ni Prince habang paulit-ulit na tinawagan si Emma sa cellphone.

"Akala ko ba asawa mo lang s'ya sa papel?" Inis na tanung ni Jen. "Kung makapag-alala ka parang hindi lang basta kasal sa papel kayong dalawa."

"She is my responsibility," sagot ni Prince na paingon-lingon sa paligid.

"May paa naman 'yon at makakauwi 'yon kahit wala ka. Baka nasa boyfriend n'ya 'yon," sabi ni Jen at napa cross-arm sa inis.

Agad nakilala ni Prince si Emma na naglalagad habang kumakain ng pandesal. Huminto s'ya agad at bumaba sa sasakyan.

My Lover, My Husband, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon