Chapter 2: Alone in a room.

6 0 0
                                    

"Dadaan pa ba tayo sa hospital?" Tanung ni Prince ng malagay na n'ya sa loob ng kotse ang gamit nila na dadalhin sa honeymoon nila.

"Wag na," sagot ni Emma. "Ayokong makita ako ni Jaycee na ganito."

"Okay," sang-ayon ni Prince sa asawa. "Talaga bang iiwan mo si Tala?" Pahabol n'yang tanung.

"Si Kuya Alex na bahala sa kanya. Ayaw ng parents mo na isama ko kasi s'ya," napabuntong hininga si Emma.

"Kung ako lang okay lang naman. Para may kasama ka rin sa kwarto, alam mo naman plano ko di ba? Susunod 'yong dalawa para makipag-inuman sakin."

Sumakay na si Prince sa kotse at sumunod na rin si Emma.

"Kasama sila sa honeymoon?Si Jem at Lee?" Tanung ni Emma na nagulat.

"Ano gagawin natin kung di sila kasama? Magtitigan sa room the whole night?" Tanung naman ni Prince at pinaandar na ang kotse. "Saka mabo-bored lang ako dun kung tayo lang dalawa. Hindi ka naman umiinum. Napaka boring mo kasing tao. I even wonder why Jaycee likes you that much e puro ka lang naman work or busy sa paghahanap ng mapagkikitaan," napakunot noo na sabi ni Prince habang nagda-drive "Do you even have a life?" Tanung n'ya na napasulyap kay Emma.

"Hindi naman kasi ako ipinanganak na tulad mo na may kaya sa buhay. Lumaki ako sa tagpi-tagpingbahay, magulang na kahit anong sipag hindi naman kayang umangat sa buhay saka pinalaki ako ng Kuya ko na marunong magbanat ng buto para hindi umasa sa kahit kanino," naiinis na sabi ni Emma. "Ikaw may life ka ba? Life ba 'yan gabi-gabing pagwawalwal n'yo sa bar? Life ba 'yong papalit-palit ka ng babae? Masaya ka ba na habang tumatanda ka e wala kang ipon, puro ka nalang asa sa magulang at wala kang asawa o anak man lang o sabihin natin sariling pamilya?"

Napasulyap si Prince kay Emma na noon ay nagtatanggal ng make up sa mukha gamit ang wet wipes.

Napaisip si Prince, nasabi n'ya sa sarili na may point rin naman ang sinabi ni Emma.

"Excuse me. Hindi ako umaasa sa magulang. May sarili na akong business. As of now di pa lang ganun kalaki ang kita but at least I have something that I call mine," he proudly spit.

Pagkadating nila sa resort agad bumaba si Emma at kinuha ang kanyang bagpack. Ganun din si Prince.

"Hindi mo ba nagustuhan ang napili kong resort?" Tanung ni Prince ng makitang apalingon-lingon si Emma sa paligid.

Napabuntong hininga ito at naglakad na patungo sa reception area na hindi man lang s'ya sinagot.

"Do you like it?" Tanung n'ya ulit na humahabol kay Emma.

"Hindi naman ako choosy sa lugar. Sobrang ganda lang dito, hindi ko deserve na magpunta dito ngayon dahil sa mga problema ko. Feeling ko napaka-"

"Deserve mo mabigyan ng expensive wedding. Alam ko naman kasi nag-iipon ka dati para sa ganitong wedding at honeymoon. Kaya come on, don't down yourself and feel guilty about it."

Pagkadating nila sa reception area e agad sila binati ng receptionist.

"Ito na po key n'yo sa room Mr.and Mrs. Wyte. If you need something you can call us," inabot ng receptionist ang susi sa kwarto nila at agad naman ito kinuha ni Emma. "By the way po, paki sign nalang po ang papers."

Kinuha naman agad ito ni Prince at penermahan.

"Thank you," sabay sabi ng dalawa.

Nang nasa loob na sila ng kwarto e unang pinuntahan ni Emma ang bathroom.

Sobrang saya niya ng makitang my bathtub ito.

"Pwede ko bang gamitin ito? Tagal ko na gusto e try 'tong bathtub tapos mag wi-wine. Tapos ano may rose petals habang nakikinig ng relaxing music," masaya niyang sabi kay Prince.

"Wine? Rose petals?" Ulit ni Prince. "Sobrang addicted ka yata manood ng romantic movies. But your wish is my command. Mabait ako today e, di ko feel bwesitin ka sa araw ng kasal mo."

"Pero kung mahal 'yong wine, wag nalang. Saka gabi na rin baka wala na silang mabilhan ng rose," napaisip na sabi ni Emma at isinara nalang ang pinto ng bathroom.

Hindi nagpapigil si Prince at tinawagan ang reception at tinanong kung pwede ba sila dalhan ng roses, wine glass at isang bote ng wine. Dinagdagan na rin niya ng sobrang bango na body wash.

"Meron?" bulong ni Emma na nasa tabi ni Prince pinakikinggan ang usapan nila ng receptionist.

Natawa si Prince pagkalingon n'ya e nasa tabi n'ya si Emma. Tumango s'ya at pinigilan ni Emma na mapasigaw sa tuwa.

Pagkababa ng telepono ay natawa si Prince. Hindi n'ya kasi inakala na ganun ang magiging reaction ni Emma. Tunay nga na mababaw lang ang kaligayahan nito.

Binuksan agad ni Emma ang gripo sa bathtub at naupo sa gilid habang hinihintay na mapuno ito. Hinihintay nilang pareho na maihatid sa room nila ang kanilang request. Palihim naman kumuha ng picture at video si Prince kay Emma kasi natuwa siya sa kanyang nakikita.

"Ayan na!" Sigaw ni Emma ng may kumatok sa kanilang kwarta at agad-agad itong tumakbo sa pinto.

"Surprise!" Sigaw nila Jem at Lee.

Napangiwi si Emma na halatang na dismaya at bumalik sa bathroom.

Nag nguso naman ang dalawang bagong dating na tinuturo ng kanilang nguso ay si Emma. Napangiti si Prince na nag-vi-video pa rin.

"Pasok," sabi nito sa dalawang kaibigan.

Akmang isasara na sana n'ya ang pinto ng dumating ang room attendant dala-dala ang kanilang request.

"Thank you," sabi ni Prince sabay abot ng tip at kinuha na ang dala nito.

Pagkasara ng pinto ay na excite ang dalawang kaibigan nito sa nakitang wine.

"Aba wine!" sigaw ni Lee na kukunin na sana ito.

"Wait! Hindi sa inyo 'yan," tawang-tawa s'ya habang tinataas ang bote ng wine.

"May pa roses pa," panunukso ni Jem.

"Green minded n'yo," sabi ni Emma at kinuha nito ang roses, glass wine at bote ng wine. "Gusto ko ma experience 'yong wine inside the bathtub with sweet music."

"Akala ko pa naman e ce-celebrate natin na mag wife at husband na kayo," sabi ni Lee at napabuntong hininga.

"Mag celebrate kayo sa labas, basta ako dito lang ako. Kaya please umalis na kayo at mag chix hunting na kayo," nakangiting sabi ni Emma.

"Pinapaalis mo lang naman kami para makapag solo ka. Damot nito sa wine. Kala mo naman mauubos n'ya," seryosong sabi ni Jem pero biro lang naman dahil ganun ito magbiro.

"Alangan naman isabay ko kayong tatlo maligo sa bathtub. Naloko na," sabi ni Emma at nagtawanan ang lahat.

"Lock the doors, dalhin ko nalang ang key. Tapos 'wag mo ubusin isang bote na 'yan at baka di mo makayanan at ako pa mag-alaga sa'yo pagbalik namin," bilin Prince na nilaro-laro ang susi sa kanyang kamay. Tumango na lamang si Emma.

Pagkalabas ng room, e pinagitnaan ng dalawa si Prince. Naglakad silang tatlo at panay tingin nina Jem at Lee sa kanya na tila ba may gustong itanong o may gustong malaman mula sa kanya.

My Lover, My Husband, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon