Chapter 5: The other side.

3 0 0
                                    

Pagkadating ni Emma sa hospital, dire-diretso na s'ya agad sa ICU.

"Doc...kumusta po si Jaycee?" Sobrang pag-aalala at takot ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

"Okay na s'ya ulit ngayon. Pero like I always told you, don't expect too much. Alam mo naman na kung walang oxygen, matagal na s'yang nawala," diretsong sagot nito sa kanya.

"Naniniwala po akong gigising pa s'ya Doc," sabi n'ya na nangingilid ang mga luha sa kanyang magkabilaang mata.

"It's been three years, Emma. Dapat handa kana sa tagal ng panahon kung sakaling tuluyan na s'yang mamaalam."

"Ilalaban ko pa rin s'ya Doc, para sa anak namin."

"Desisyon mo 'yan na ilaban s'ya pero dapat hindi ka mag-expect. Kasi kami, ginagawa namin lahat pero pag si Jaycee na ang umayaw, mahirap na s'yang e-revive."

Three long years...

Ganun katagal ng nakahiga at tulog si Jaycee after that bar incident. Ganun na rin katagal na sinu-supportahan ni Emma si Jaycee financially at emotionally dahil naniniwala s'yang gigising din ito pagsapat na ang naipon nitong lakas.

Mahirap para sa kanya dahil sa laki ng hospital bills nito pero kinakaya n'ya hindi lang para kay Jaycee kundi para na rin kay Tala, ayaw n'yang lumaki ang bata na walang ama at hindi buo ang pamilya. She wanted to give her daughter a perfect family, she wanted Jaycee to be present in her daughter's life, kahit late na si Jaycee dahil lumalaki si Tala e alam n'ya mahahabol pa naman ni Jaycee ang mga araw na naging absent Dad s'ya.

Madaling araw na ng makatulog si Emma sa kababantay kay Jaycee. Halos hindi n'ya mawaglit ang tingin dito habang mahimbing na nakahiga sa hospital bed hanggang sa nakatulugan na n'ya ito.

Nalimutan na nga n'yang e text o tawagan si Prince para ipaalam nito na nasa hospital s'ya dahil nag code blue si Jaycee. Nawala na rin kasi sa isip niya ang bagay na iyon dahil sa pag-aalala at takot n'ya.

Sobrang-sobra ang pag-aalala ni Prince dahil nang makabalik s'ya sa room nila ay walang Emma, at kahit nilibot na n'ya ang buong resort ay hindi n'ya ito nakita. Buti nalang at tinawagan s'ya ni Alex para ipaalam na nasa hospital si Emma kung hindi baka nag report na s'ya sa mga police.

Sinundan n'ya agad si Emma sa hospital nung nalaman n'ya. It should be not his obligation pero parang may tumutulak sa kanya na puntahan ito. Kahit pinigilan na s'ya nina Lee at Jem ay hindi s'ya nagpapigil kaya pati silang dalawa ay sumama na rin.

Nang makita ni Prince si Emma ay tulog ito na nakaupo sa gilid ni Jaycee. Papasok na sana s'ya pero pinigilan s'ya nila Lee at Jem.

"Bro, hayaan mo ng matulog si Emz. For sure pagod na pagod 'yan," sabi ni Jem at napasilip sa loob.

"Mas mabuti pa umuwi ka na rin sa inyo. Once magising 'yan tatawag din 'yan sa'yo,"dagdag ni Lee.

"Hay naku! Buti nalang nandito na kayo," sabi bigla ni Alex at inabot ang bata na tulog sa kanyang braso kay Prince. Kinarga naman ito ni Prince na walang pagdadalawang isip. "Kayo muna bahala kay Tala."

"Ano tingin mo sa amin baby sitter?" Tanung ni Lee na tinanggap rin naman ang bag ni Tala na inabot ni Alex.

"Aba!" Nandilat ang mata ng bakla. "Sino magbabantay kay Tala?" Inayos-ayos ni Alex ang kanyang wig. "Alangan iwanan ko sa bahay e may sudden raket ako. Sayang naman kikitain ko noh. Pang gatas na rin 'yon ni Tala," Dagdag ni Alex at naglagay na rin ng lipstick sa kanyang mga labi. "Saka si Prince na rin naman ang pangalawang ama kaya obligasyon na rin n'ya na alagaan at mahalin ang pamangkin ko."

"It's fine," nakangiting sabi nito. "Ako na bahala kay Tala. Need din ni Emma magpahinga," sabi ni Prince at napalingon kay Emma.

"Thank you boys," sabi ni Alex at ninirap-irap ang mata na naka false lash. "Ingatan n'yo si Tala ha," habilin din nito.

Napangiti na lamang si Prince habang nakatingin kay Alex na pakinding-kinding naglakad palayo sa kanila.

Tama rin naman ang kapatid ni Emma. The kid is his obligation from the moment he married Emma.

"Mag-uumaga na. So anong plano mo?" Napalingon si Prince kay Jem. "Hihintayin mo si Emma magising?" Dagdag na tanong pa nito.

"Ako uuwe na ako," sabi ni Lee at inabot kay Prince ang baby bag kay Prince.

"Uwe na kayo," kinuha nito ang bag na hawak ni Lee. "Hihintayin ko nalang si Emma magising kasi hindi ko rin alam ano gagawin kay Tala," napatingin s'ya sa batang nakahiga sa kanyang mga braso.

"Ikaw bahala. Basta kami uwe na kami," napahikab si Jem at pinisil ang pisngi ni Tala. "Bye Daddy Prince," pagbibiro nito.

"Bro, you can't act as a Dad for her. Alam mo naman siguro ang ibig kog sabihin," paalala ni Lee.

"Wag na wag mong e attach ang sarili mo with them kasi baka bukas o sa makalawa or anytime magising si Jaycee e masaktan ka lang," nag-alalang sabi ni Jem.

"Mga lokong 'to. Ako pa," natatawang sabi ni Prince. "Sige na uwe na kayo."

Pagkaalis ng dalawa, naupo si Prince sa bench na karga-karga si Tala sa kanyang mga braso. Everyone who passed them smiled at him and find them cute. At first, naiilang s'ya but then he adjusted immediately.

He wasn't a father figure, ni hindi n'ya pinangarap maging ama o magkaanak kasi what he wants is to enjoy his life to the fullest. Aware naman s'ya na magbabago ang takbo ng buhay n'ya when he decided to take responsibility kay Emma at Tala.

Time passed by at inaantok na s'ya, ngalay na ngalay na rin ang kanyang mga braso pero hindi n'ya pa rin binitawan ang bata dahil napakahimbing ng tulog nito.

Napalingon s'ya ng magbukas ang pinto ng kwarto ni Jaycee at lumabas si Emma na nagulat ng makita s'ya.

"Anong ginagawa n'yo dito?"Tanung nito na agad silang nilapitan.

"Sinundan kita kaninang madaling araw ng makita kong wala kana sa hotel room natin," sagot ni Prince at napatayo sa kina-uupoan.

"Mommy," nagising si Tala.

"Baby halika kay Mommy," sabi ni Emma at akmang kukunin ito ngunit yumakap ang bata sa leeg ni Prince. "Tala-"

"Hayaan mo na," sabi ni Prince at marahan tinatapik tapik ang likuran ng bata.

"Di mo na dapat ako sinundan pa dito. Saka dami mo gagawin. Alas 8 na ng umaga," sabi ni Emma at kinuha ang bag ni Tala sa bench.

"Kaya nga nag business ako para wala akong problema sa time ko."

"Hatid mo nalang kami sa shop store ko. Dami kasing order na aayusin dun," pagod na pagod ang kanyang mga mata ngunit ang panglabuhayan pa rin ang iniisip nito.

"Hindi ka uuwe sa bahay n'yo?" He was a bit concern sa kalagayan ni Emma that time.

"Di na siguro. Saka pwede rin naman akong magpahinga dun."

My Lover, My Husband, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon