Part 3: Ang Tungkulin ni Oven

164 17 2
                                    

Part 3: Ang Tungkulin ni Oven

Third Person POV

Matapos ang huling digmaan sa pagitan nila Xandre at ng mga alagad ng kabutihan ay nagpasya ang mga bayani na maghiwa-hiwalay upang gampanan ang kanilang mga sari-sariling buhay. Higit sa lahat, ang pagbangon ng bawat lupain ang pinakamahalagang tungkulin na dapat nilang gawin.

Ang pinaka apektadong lugar ay ang Kailun dahil dito naganap ang sentro ng digmaan, halos nawasak ang malaking bahagi nito katulad ng Floral Land, Blood Sucker Kingdom at Dark Keeper Gate. Ito ang maituturing na pinakabagong labanan ng mga Diyos, kung saan nagsalpukan ng lakas at kapangyarihan ang bawat mandirigma.

Malaki rin ang pinsala ng Apresia kaya naman halos naging abala sina Prinsipe Malik at Miguel sa pagbuo nito. Sa unang pagsalakay pa lang ni Caleb ay halos nawasak na ito at binalot ng yelo, lalo pa itong nasira noong umulan ng halimaw mula sa kalangitan na parte ng hukbo ni Xandre. Ang unti unting pagbangon ng Apresia ay nakamtan ng mas mabilis dahil sa pagtutulungan ng mga mamamayan dito.

Sina Lucario at Suyon naman ay bumalik sa Bayan ng yelo at ginampanan ang kanilang tungkulin bilang magulang kay Chaim. Si Ybes at Seth naman kasama ang kanilang mga kalahi ay bumalik sa Cendril Forest at sinumulan nila itong ayusin. Ito ang kanilang magiging opisyal at permanenteng tirahan na ipinamana sa kanila ni Viento Del Gato. May sariling buhay ang Cendril Forest, may sariling repair system anh lupain nito na may kakayahang paghilumin ang mga nasira kabilang na ang mahiwagang palasyo sa sentro nito.

Ang Hell Society ay bumabangon na rin at umuunlad, ngayon ay sina Boss Lu at Devon ang may pinakamataas na posisyon dito. Wala na ang Supremo de Guardine, tuluyan na itong binura sa kasaysayan ngunit patuloy pa rin nilang inaawitan si Clement na bumalik upang gampanan ang kaniyang tungkulin. Samantala, maaayos na rin ang Heaven Society, kaunti lamang ang pinsala nito kaya't halos normal na rin ang lahat para sa kanila. Dahil si Hariel ay natutulog sa loob ng katawan ni Yul ay sina Rafael at Michael ang pansamantalang namumuno dito.

Normal din ang sitwasyon sa Bundok Hiraya, dito ay pinag patuloy nina Ibarra at Leo ang buhay kasama si Tob. Ito ang tanging lupain na hindi ganoon apektado ng digmaan.

Samantala, ang Blood Sucker Kingdom ay patuloy pa rin sa pag recover. Mabilis naman ang progreso ng kaharian dahil mayaman at maunlad ito dati pa. Kaya naman nagdesisyon na lamang sina Rael at Enchong na bumalik sa mundo ng mga mortal upang alagaan si Rouen, ang batang bersyon nito.

Samantala, dahil si Oven ay mayroon ng asawa, wala siyang ibang choice kundi ang sumama dito kahit na gusto niyang umuwi sa mundo ng mga mortal ngunit hindi na ito maaari. Kaya si Oven ay isinama ni Niko pabalik sa kanila kaharian upang may makatulong ang hari sa pagrecover ng kanilang lupain. Halos ilang buwan na rin hindi nagkikita sina Enchong at Oven, magbuhat noong maghiwalay ang kanilang mga landas.

Dahil sa Oven ang asawa ng hari ng Floral Fairy ay damang dama rin niya ang malaking responsibilidad na naka atang sa kanyang balikat. "Master Oven, wala po ang mahal na hari, ang mga taong bayan ay nagkakagulo doon sa labas, ano po ang ating gagawin?" tanong ng mga kawal.

"Haharap tayo ngayon sa kanila at papatayin natin silang lahat!" ang sagot ni Oven..

"Po?" tanong ng mga kawal.

"Ano ba kayo, Char lang! Charice Pempengco, Charizard at Charmander!" ang sagot ni Oven sabay lakad sa harap ng mga kawal. "Ang nais lang naman ng mga taong bayan ay ang sapat na pagkain at supply ng gamot, lahat ng ito ay ipagkakaloob natin sa kanila," ang sagot ni Oven at siya mismo ang nakipag usap sa mga nag aamok at nagwawalang taong bayan.

Lumakad si Oven sa harapan nilang lahat at tumayo ito, "katahimikan po madlang people!" ang mahinahon niyang sagot pero tuloy pa rin ang galit ng mga ito at hindi siya agad napansin.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon