Part 5: Pagbabago
THIRD PERSON POV
Makalipas ang ilang linggo ay naisipan ni Niko na bumalik sa kanyang palasyo para bisitahin ang kanyang asawang si Oven at tingnan kung maayos niyang nagagampanan ang tungkulin sa mga panahong wala siya sa kanyang kaharian.
Pagpasok pa lamang niya sa tarangkahan ng Floral Garden ay kitang kita na ang kakaibang improvement ng paligid, nagkaroon ng buhay ang mga pader at mga malalaking haligi. Ang lahat bagong kulay at bagong desenyo. Naging colorful ang tarangkahan ng Floral land at mas naging masaya ang vibes nito.
Ang mga taong bayan ay masaya rin at maayos naman ang progreso ng kanilang pamumuhay. Ang lahat maunlad at masayang ginagampanan ang kanilang mga trabaho. "Mahal na hari, mukhang masaya ang lahat at mukhang mas maunlad ang Floral land sa pamumuno ni Master Oven."
"Hindi naman ako nagkamali kay Oven, alam ko naman na magiging isang mahusay siyang pinuno. Mahusay siya sa mga peace talk at sa pakikipagtulungan sa iba't ibang tao," ang nakangiting wika ni Niko. Ang lahat ng madaanan niyang mga taong bayan ay kanyang kinakawayan bilang pagbati.
"At mukhang hindi lang po ang pader at kulay ng palasyo ang binago ni Master, ginawa rin po niyang colorful ang uniform ng mga kawal sa palasyo," ang puna ng isa pang kawal.
"Hmmm, huwag kang mag alala dahil may mga bagong baluti ang mga kawal na ipamimigay sa susunod na buwan. Ang mga iyan ay temporary lamang," ang sagot ni Niko.
Nagtipon tipon ang mga kawal sa harap ng palasyo, masyado silang makulay, parang naging karnabal ang datingan, parang mga clown ang mga ito. Hindi tuloy maiwasan ng hari na matawa habang napapakunot noo ito dahil ang kanyang magigiting at matitigas na kawal ay naging makukulay na animo paru paro.
Noong bumaba si Niko sa kanyang karwahe ay agad siyang binati ng mga kawal, nagbigay pugay ang mga ito at saka yumuko. "Maligayang pagbabalik po Haring Niko," ang bati nila.
"Salamat sa inyo, nakita kong maayos naman kayong lahat at makukulay pa," ang wika ni Niko habang natatawa. Ano pa nga ba ang aasahan sa kanyang asawa, masyadong masayahin ito at nagdadala ng positibong awra para sa lahat. Mga bagay na nagustuhan niya dito.
Habang nasa ganoong posisyon sila ay tumabi ang mga kawal at nagbigay daan sa bulwagan ng palasyo. Dito ay bumaba si Oven suot ang napakakulay na gown, mahabang mahaba, long trail na hindi matapos tapos. Ang kanyang pang itaas na dami ay see through at bulaklak lamang ang nakatakip sa kanyang nipol. Gandang ganda si Oven sa kanyang sarili habang suot ang replika ng mikimoto crown sa kanyang ulo ala Miss Universe.
May hawak pa itong magic wand na ganoon kay Odette sa larong MLBB at sa kada hakbang niya ay nagsasabog siya petals sa sarili. "Miss Universo!" ang wika nito dahilan para matawa ang mga kawal pero impit lang at hindi pinahalata.
Lumakad ito patungo kay Niko at saka nagpacute. "Mabuti naman at naisipan mo pa akong uwian, after all that we've been through? Char! I miss you my love, the second time around," ang wika nito sabay yakap sa kanyang asawa.
Maya maya umikot ikot pa si Oven at saka kinanta ang walang kamatayan theme song nila ni Niko na Moon Represents My Heart.
ni wen wo ai ni you duo shen
wo ai ni you ji fen
wo de qing ye zhen
wo de ai ye zhen
yue liang dai biao wo de xin
ni wen wo ai ni you duo shen
wo ai ni you ji fen
wo de qing bu yi
wo de ai bu bianNatawa si Niko, enjoy na enjoy siya sa pagbabalik niya, "Iyan ang namiss ko sa iyp. Salamat sa pagbabantay sa aking kaharian habang wala ako. Salamat at ibinihagi mo sa mga taong bayan ang kaligayahan at kasiyahan sa iyong puso. Literal na napaka kulay ng Floral Land ngayon, damang dama ko ang kasiyahan ng bawat isa," ang wika ni Niko sabay yakap dito.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARC
FantasyIto ay continuation ng Book 3: The Last War. Ang Ruins of God ARC ay ang pagsisimula ng panibagong yugto sa buhay ng mga bidang tauhan. Dito magbubuksan ang misteryo ang sikretong ng kanilang mga nakaraan.