Part 19: Selyo ng Kaligtasan

123 6 1
                                    

Part 19: Selyo ng Kaligtasan

DEVON POV

"Kung ganoon ay totoo ngang mayroong espiritu sa loob ng rebultong iyon, mabuti na lamang at nasabi niyo agad sa akin bago ito pagmulan ng matinding kaguluhan," ang wika ni Niko noong makausap namin siya. Lahat ay nasalaysay ko sa kanya pati ang kaganapan kay Enchong at kasama na rin ang aming mga pinagtagpi tagping findings sa lumalalang sitwasyon.

"Full credits kay Oven, siya ang nakapagsabi sa amin na nasa pangangalaga mo ang aking isang relic. Mabuti na lang at natagpuan agad ang dalawang ito bago pa magdulot ng gusot," ang tugon ni Yul habang nakangiti.

"Kung nandito ang espiritu ng hari ng kadaliman, aba dapat lamang na iselyo ito bago pa lumala ang sitwasyon," ang tugon ni Niko.

"Ang Cardin ay naiselyo na ni Miguel gamit ng sagradong kadena. Siguro ay kailangan lang rin nating iselyo ang tangkask," ang tugon ko naman.

"Iyan ang rin ang naisip ko, simulan na natin ng pagseselyo upang matapos na ito agad at makasigurado tayong ligtas ang lahat," ang tugon naman ni Niko at dito ay ipinakuha niya sa kawal ang Tangkask at ipinadala niya ito sa templo ng mga Dambana.

Tinawag ni Niko ng mga Floral Fairy na may kakayahang gumawa ng mga barrier at matitibay na harang. Lahat kami ay nagtungo agad sa templo upang gawin pagseselyo sa Tangkask.

Inilagay ang Tangkask sa gitna ng templo sa isang mataas na altar. Dito ay pumalibot ang malalakas na Floral Fairies kasama na ang haring si Niko. "Marahil ay nagtataka kayo kung bakit pinatawag ko kayong dalawa. Hayaan niyong ipaliwanag ko sa inyo ang ating sitwasyon ngayon," ang bungad niya, ang mga floral fairy ay nakikinig lamang sa kanyang mga sasabihin.

"Ang nasa harapan natin na isang maliit na rebultong iyan ay nahukay namin sa lupain ng Milenna. Ito ay tinatawag na Tangkask, isang sinaunang garapon ng kaluluwa o espiritu. Sa makatuwid ay literal na mayroong lamang espiritu ang garapon na ito. Para mas malinaw ay sasabihin ko sa inyo ang katotohanan, ang bagay na ito ay naglalaman ng kaluluwa ng isang makapangyarihang hari noong sinaunang panahon, mas matanda pa sa ating lahat. Ikinulong siya dito upang hindi na makapaghasik pa ng kasamaan sa buong sanlibutan. At ngayon ay nais kong hingin ang inyong tulong, kailangan natin iselyo sa mas matibay na harang ang bagay na iyan upang makasiguradong hindi ito magdudulot ng kaguluhan.

"Nais kong gumawa tayo ng isang matibay na barrier upang hindi matibag ang kulungan. At ang pag gawa ay sisimulan na natin ngayon!" ang dagdag pa ni Niko at dito ay sumiklab ang enerhiya sa kanyang katawan.

Sumiklab rin ng mga enerhiya sa katawan ng mga floral fairies at sa isang kambat ni Niko ay naipon ang mga berdeng enerhiya sa kanilang mga katawan at lahat ay pinatama nila sa paligid ng Tangkask.

Nakakamangha ang mga pangyayari noong mga sandaling iyon. Ang lahat ay nakafocus sa pagseselyo ng Tangkask na noon ay binabalutang ng krystal na kalasag na kulay berde. Mistulang isang mataas na uri ng berdeng mineral kung saan nasa loob nito ang Tangkask.

Pagkatapos balutin at ma crystalized ang relic ay binalot naman nila ito ng mga baging at selyo upang mas matibay ang pagkakabigkis. Tumagal ng halos 50 minutos ang pagkukulong sa Tangkask bago ito matapos. Nagpasalamat naman ang hari sa kaniyang mga kasamang tumulong sa paggawa ng matibay na proteksyon. Ito ay para kaligtasan ng buong kaharian at gayon din sa sanlibutan.

Matapos ang pagseselyo ay nagpasya sina Nikko na itago muna ang Tangkask hanggang hindi pa namin alam kung ito isisinop. Sa ngayon ay mahalagang napagtibay ang selyo nito upang hindi na muling makaapekto kay Enchong ang enerhiya ng espiritu sa loob nito.

"Pasensiya kung minsan lamang tayo magkita ay problema pa ang aming dala," ang wika ko kay Niko.

"Wala iyon, nagpapasalamat nga ako at nasabi niyo agad sa akin. At sana ay maging maayos si Enchong. Kayo na ang bahala kay Oven habang nandoon siya sa mundo ng mga mortal. Mukhang napagod yata siya ng husto sa mabigat na trabaho dito sa palasyo," ang wika ni Niko.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon