Part 12: Kalatas

95 8 0
                                    

Part 12: Kalatas

ENCHONG POV

"Nakakaloka, napakataas ng rating diba? Kasi nga I have the best paranormal experts in town. Kinuha ko na sila bago pa masulot ng ibang channels! At yung mga nakita niyo kanina ha, wa aring, wa kemberlin yon! Trulalo lahat yon! Walang edit at walang special effects ha! Wala naman kaming mga idea na makikisama yung mga maligno doon sa mansion, nakakaloka talaga mabuti na lang at kalmado yung mga paranormal artist ko," ang hirit ni direk habang iniinterview ito.

May halong pagmamalaki ang direktor dahil sa masyadong maganda at astig ang episodes kanina. Dahil dito ay dumagsa ang mga reporter na gustong mag interview at gusto siyang makausap. "Eh mamush saan mo naman nakita yung bagong casting kanina? Ang ggwapo lagi ng casting mo ah. Lalo na yung Rael at Rouen ba iyon, grabe parang mga hindi tayo super gwapo talaga nila," ang tanong isang reporter.

"Ay secret mamashh walang clue. You know, exclusive lang sila for me, ganda lang talaga. Medyo imbyerna nga kasi umattend pictorial si Yul sa isang sikat brand ng underwear no, mas winner sana yung rating kung nandito yung isa na iyon. Anyway nakita niyo ba yung mga mumu kanina? OMG its so scary talaga lalo na yung part doon sa Japanese Soldier, grabe kitang kita sa camera," ang bumubulang bibig na pagkkwento ni Direk.

Kami ay nasa loob lang ng tent at kumakain, ayaw kaming palabasin ng staff at ni direk dahil baka daw mabuking na one time salta lang kami sa show. "Sabi na nga baka beklush yang direktor niyo e," ang wika ni Oven.

"Obvious naman diba, pero salamat talaga, super taas ng rating ngayon," ang wika ni Santi.

"Ibigay natin ang credits kay Prinsipe Rouen, napaka talented at napaka genius pa," ang papuri ni Devon.

"Salamat po tito Devon," ang nahihiyang sagot ni Rouen.

"Nga pala, nakalimutan kong itanong, nag enjoy ba kayo? Ang saya saya diba?" ang wika ni Santi.

"Masaya syempre, pero at the same time ay nakakalungkot rin dahil stranded yung mga kaluluwa doon sa Red Castle. Talaga bang ganoon na lang sila? Hindi ba sila napapagod sa paulit ulit na ginagawa nila? Wala ba tayong magagawa para sa kanila?" tanong ni Oven habang pinagmamasdan ang lumang gusali.

"Desisyon nila ang mga bagay na ito. Ayaw nilang tumawid sa Hell o Heaven Society dahil stranded sila sa mga negatibong sitwasyon sa kanilang buhay noon. Sila ang mga tinatawag na kaluluwang ligaw dahil walang direksyon ang kanilang mga kilos. Kadalasan ay nahihirapan silang makaalis sa isang pwesto at paulit ulit silang kumikilos dito na parang lumalakad sa isang malaking bilog. Karaniwan sa kanila ay may hinahanap o hinihintay. Kaya kahit dahil mo sila sa Heaven o Hell Society ay babalik at babalik pa rin sila dito sa lugar na ito," paliwanag ni Devon.

"Sa tingin ko iyon ang nakakalungkot na parte sa lahat. Hindi naman nakakatakot mamatay diba, naranasan na natin ito," ang wika ko naman.

"Yes naman, ako, si Santi at ang iba pang guardian sa Hell Society ay mga namatay na dati," ang wik ni Devon.

"Same here, namatay ko ng ilang days noh, bago ako maging imortal. Believe me, para ka lang natulog. Tapos yung diwa mo ay kung saan saan nakakarating, napunta pa nga ako sa Europe, sa America at sa Africa," ang hirit ni Oven.

Tawanan kami..

Natapos ang taping at ang episode ng Paranormal project noong gabing iyon. At dahil may kalayuan ang byahe ay nagpasya na lang kami na tanggapin ang imbitasyon nina Devon at Santi na doon na lang mag stay sa bagong bahay nila. Malaki naman daw at kabibili pa lamang nila halos. Malapit lang ito sa sentro at nasa 30 minutes lang ang byahe. Isa pa ay gusto ko ring malibang dahil gusto kong makalimutan yung mga negatibong pag iisip na mayroon ko nitong nakakaraang araw.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon