Part 43: Mga Espesyal na Kapanalig
ENCHONG POV
Nagliwanag ang ITB at dito ay lumabas ang isang portal mula sa isa. Isang malaking palaisipan sa amin kung sino ang tinutukoy ni Rouen na kapanalig, bagamat wala na ni isa ang natira dahil na wipe out ni Hakal ang lahat.
Patuloy na nagliwanag ang portal at dito ay lumabas ang dalawang lalaki na halos kasing edad rin ni Rouen. Parehong gwapo at malakas ang dating. Noong lumabas sila sa portal ay agad silang sinalubong ni Rouen at nagyakap yakap pa silang tatlo na para bang sabik na sabik sa isa't isa. Kung sabagay matagal na rin si Rouen dito kaya't tiyak na miss na miss na siya ng mga kaibigan sa future.
"Kumusta po, tito Rael, tito Enchong at tito Oven, grabe ang babata niyo pong tingnan, looking young and fresh po," ang hirit ng isa lumapit pa ito nag mano sa amin.
"Teka hijo, e sino ka ba?" tanong ko naman na may halong pagtataka.
"Pa, kilala mo sila, mga frends ko sa future!" ang nakangiting wika ni Rouen at dito ay pinakilala niya ang dalawa. "Ito ay si Tob na anak ni Tito Leo at ito naman ay si Chaim na anak ni Tito Lucario at Suyon," ang pagpapakilala niya sa dalawang nakangiti sa aming harapan.
"Yes! Tama ako! Sabi nga ba yang gwapong papabols na iyan na parang over qualified member ng BTS ay si Chaim! Masyadong maganda, masyadong perfect! Manang mana sa parents niya diba?!" ang wika ni Oven sabay pindot sa makinis na balat nito na parang papel. "Ang soft tapos ang kinis, walang pores oh! Ikaw Rouen ha, kaya naman pala!" ang hirit pa ni Oven.
Speechless naman kami ni Rael..
Hindi kami makapaniwala ang dalawang binatang ito ay sina Tob at Chaim. Halos napakalaking changes at ang tatangkad nila, matangkad pa sa amin ni Rael. "Kayo pala ang kaibigan ng anak ko sa hinaharap. Hindi ko na kayo nakilala ah," ang natutuwa kong wika habang pinagmamasdan silang magkakasama.
Maya maya hinakawan ko si Rouen at kinausap, "anak bakit naman naisipan mo pang idamay ang mga kaibigan mo sa problema natin?" tanong ko sa kanya.
"Pa, kailangan natin sila. Wala akong maisip na back up kundi sila lamang. Pangako magiging mahusay silang kapanalig sa atin," ang nakangiti at confident na wika ni Rouen. Muli siyang bumalik sa mga kaibigan at nakipag kwentuhan. Ako naman ay napabuntong hinihinga na lang at napatabi kay Rael.
Tahimik..
"Mabuti naman at hindi kayo nabura ni Hakal. Salamat sa pagpapaunlak ng tulong sa aking anak. Sa nakikita niyo, ang lahat dito ngayon ay komplikado," ang wika ni Rael habang iniiikot ang tanaw sa paligid.
"Hindi nga po kami makapaniwala na nabura na pala ang lahat dito. Naganap ito noong kami ay nasa loob ng portal ng ITB kaya hindi kami nadamay sa pagkabura. At syempre ay ayoko rin namang magpanic sina papa Leo at Ibarra kapag nakita nila ako sa ganitong anyo," ang wika ni Tob.
"Malakas ang taglay na enerhiya ng isang ito, hindi nakapagtataka na anak ito nina Suyon at Lucario," ang dagdag ni Rael habang nakatingin kay Chaim.
"Mahal na hari, sobrang istrikto nina papa sa akin kaya't nahasa ako sa pag eensayo. Marahil iyon ang dahilan kaya't lumalabas ang aking enerhiya kahit itago ko ito at ilagay sa zero level," ang sagot ni Chaim na parang nahihiya.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARC
FantasyIto ay continuation ng Book 3: The Last War. Ang Ruins of God ARC ay ang pagsisimula ng panibagong yugto sa buhay ng mga bidang tauhan. Dito magbubuksan ang misteryo ang sikretong ng kanilang mga nakaraan.