Part 25: Ang Pagdakip
ENCHONG POV
"Nag enjoy ba kayo?" tanong ko kina Oven at Rouen habang kumakain kami sa labas. Natapos ang halos 2 hours na talk ko sa seminar at napaka fulfilling ng feelings.
"Ang galing mo papa, ang daming fans na nag-aabang sa iyo kanina. Sana ako rin ay makapagbigay ng talk about sa field ko," ang wika ni Rouen.
"Anong field naman aber? Paggawa ng bomba at maliit na nuclear weapon?" ang hirit ni Oven.
"Pwede rin po ninong, science pa rin naman iyon diba? Isang mataas na uri ng technology, dapat nila itong matutunan," ang sagot ni Rouen tapos ay nagtawanan silang dalawa.
"Kumain kayo ng kumain. Masarap ang mga pasta nila dito, gusto niyong itry?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ako gusto ko papa! Di naman ako tataba kahit kumain ako ng kumain, si ninong Oven medyo lumaki na ang katawan niya pero bagay naman sa kanya," ang hirit ni Rouen.
"Naku, wag mo na nga idamay itong katawan ko, siyempre matagal din ko nagtraining diba? Saka bakit ganoon buhat noong matapos ang pag eensayo ko lagi na akong gutom," ang pagtataka ni Oven.
"Dahil lumakas ang powers mo ninong, kaya kailangan mo ng maraming pagkain para magkaroon ka sapat ng enerhiya. Kaya simula ngayon ay dapat kang kumain ng marami ninong," ang wika ni Rouen at habang nasa ganoong pagpapaliwanag siya ay tila ba nahinto siya at may pinakiramdamang kung ano.
Tahimik.
"May problema ba anak?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya kumibo at maya maya suminghot-singhot ito na parang may pilit na inaamoy, "amoy blood sucker, may mga blood sucker sa paligid," ang wika niya.
"Ha? Paano mangyayari iyon?" ang tanong ni Oven na may halong pagtataka.
"Basta, nandito na sila, nasa malapit lang," ang wika ni Rouen sabay tayo. "Masama ang kanilang pakay, ramdam ko ito. Umalis na tayo dito sa siyudad dahil maraming taong madadamay," ang dagdag pa niya kaya naman kahit hindi pa kami tapos kumain ay inilapag ko na lang yung pera sa mesa at saka kami mabilis na lumabas sa kainan.
Agad kaming sumakay sa sasakyan, "Ganon ba yun? Wala kaming maamoy, wala kaming maramdaman!" ang hirit ni Oven na nagsisimulang magdrive.
"Siyempre blood sucker ako at royal blood pa, madali kong naaamoy ang aming mga kalahi kahit nasa malayong direksyon pa. Iliko mo doon ninong!" ang utos nito.
Lumiko si Oven, "huwag mo naman ako masyadong itense okay? Nakaka kaba na ha," ang reklamo nito.
"Ninong, bilisan mo na may isa palapit!" ang wika ni Rouen at hindi pa kami nakakabuwelo ay biglang may lumapag na kung ano sa ibabaw ng aming sasakyan at may lumusot na kamay dito na may mahabang kuko dahilan para mapasigaw si Oven sa pagkagulat, "jusko no!! Ano iyan? May kalaban agad?" sigaw nito at dito ay nagpagewang-gewang ang aming sasakyan.
"Bakit tayo aatakihin ng mga blood sucker? Alam ba ni Rael ang tungkol dito?" tanong ko naman.
"Hindi ko alam papa, nalilito rin ako!" ang sagot ni Rouen at lumabas ito sa bintana at saka lumundag sa itaas ng aming sasakyan, "mag drive ka lang ninong!" ang sigaw nito at maya maya ay lumagapak na kalaban sa lupa batid namin na sinipa ni Rouen yung lumanding sa bubong namin kanina.
"Ano ba nangyayari frend? Litong lito na ako ha!" ang sigaw ni Oven habang patuloy na nagddrive at sa aming paligid ay maraming mga blood na humahabol, mga mabibilis tumakbo at parang mga mababangis na hayop. Ang ilan sa kanila ay umaatake sa aming sinasakyan.
Samantalang si Rouen naman ay nakaprotekta lang sa itaas, lahat ng tumatalon at umaatake sa aming sasakyan ay sinusuntok niya at inuupakan upang walang makalapit!
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARC
FantasyIto ay continuation ng Book 3: The Last War. Ang Ruins of God ARC ay ang pagsisimula ng panibagong yugto sa buhay ng mga bidang tauhan. Dito magbubuksan ang misteryo ang sikretong ng kanilang mga nakaraan.