Part 16: Ang Sutin Beach

122 7 0
                                    

Part 16: Ang Sutin Beach

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Part 16: Ang Sutin Beach

ENCHONG POV

Matapos basahin ni Boss Lu ang kalatas at mabigyan kami ng impormasyon tungkol kina Hakal, Surya at Laola Empire noong unang sibilisasyon ay hindi na ako muling nakaramdam ng kakaiba. Kumalma ang aking sarili at tila bumaba kaba sa aking dibdib. Iyon nga lang ay alam kong panandalian lamang ito at malaking misteryo pa rin kung bakit hinawakan ko ang kalatas na ito noong nawala ko sa aking sarili.

Hindi umalis si Rael sa aking tabi, gayon din si Rouen at ang iba pa. Alam kong lahat sila nag-aalala sa aking kalagayan ngunit sa ngayon ay wala silang magawa sa aking sitwasyon. Wala namang makakatulong sa aking kundi ang aking sarili lang din, kung paano ko lalabanan ang paglakas ng kapangyarihang itim sa aking katawan.

"So yun, kinulong ni Surya ang spirit ni Hakal dyan sa Tangkask na iyan na nandoon kay Niko! Nakakalokaa! Hindi ko na kaya parang nakaka shock na talaga! I miss my mom!" ang hirit ni Oven.

"Ayon sa kasulatan, wala namang way para mabuksan ang Tangkask, walang makapagbubukas nito kundi ang gumawa lang," ang wika ni Boss Lu.

"So, lumalabas na maaaring powers ni Hakal ang nasa loob ni Ench?" tanong ni Santi.

"Maaari, ngunit pa natin ito sigurado. Maaaring ang kapangyarihan ni Hakal ay nakuha ni Elsen at napunta ito kay Xandre bago ang huling digmaan," ang wika ni Yul.

Si Rael naman ay hinihimas lang ang aking likuran habang nakalingkis ang kanyang bilugang braso dito. Kapag tumitingin ako sa kanya ay ngumingiti ito na parang sinasabi niya na "magiging maayos rin ang lahat" at "wala akong dapat ipag-alala."

Noong matapos ang aming pagpupulong ay nag-alok naman si boss Lu ng isang bakasyon sa amin ni Rael. "Ito ang insta ticket na napanalunan ko sa raffle sa Hell Society noong nakaraang araw. Isang vacation sa Sutin Beach! Solo niyo lang ito at mayroon na rin kayong maliit na accommodation doon," ang wika niya.

"Sutin Beach? Saan parte naman ba ng Pinas yan?" tanong ni Oven.

"Wala, ibang demensyon ito, ang Sutin Beach ay isang dream paradise at nakakapagpakalma ito ng damdamin, maganda dito. Ginawa ito para mawala ang problema ng isang tao at makalimot siya sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi. Nais kong ibigay itong ticket kina Rael at Enchong para makapagrelax sila," ang wika ni Boss Lu.

Natuwa naman ako at kinuha ang ticket, "salamat Boss Lu, kailangan ko nga talagang mag relax. Teka, paano namin magagamit ito?" tanong ko naman.

"Isa iyang instant ticket, pag pinindot niyo ni Rael ang buton ay mapupunta na kayo sa Sutin Beach. Nandoon na lahat ng kailangan niyo at siyempre ay tatagal lang ito ng 3 days at 2 nights. Kapag naexpired na ang ticket ay kusa kayong babalik sa orihinal na mundo. At paalala lang bawal mag uwi ng anything doon dahil maeexpired ang lahat kasama ng ticket. Ang tanging maiuuwi niyo lamang ay ang good at unforgettable memories," ang paliwanag niya.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon