Part 40: Laro ng Tadhana
THIRD PERSON POV
Ang lahat ay napatingala sa labanan nina Lucario at Enchong, lakas sa lakas at halos hindi na masundan ang kanilang mga kilos. Parehong nakalutang sa ere at lumilipad. May pagkakataon na tumitilapon si Lucario at bumabagsak sa lupa, sa kabilang banda ay maraming beses rin naman niyang napatumba ang kalaban.
"Mukha sa lahat ng nakalaban niya dito ay kay Panginoong Lucario siya nahirapan ng husto, tama lamang na siya ang inilagay natin sa pinakadulo para magbantay ng Tangkask at Cardin. Hanep sa labanan parang sa mga anime ko lang napapanood ito," ang wika ni Santi habang pilit itinatayo ang kanyang napinsalang katawan.
"Ano ba iyan hindi ko masyadong masundan! Masyado silang mabilis!" ang wika naman ni Oven na halos naduduling na sa pagtitig sa labanan dahil parang hangin at umeekis ekis na kulay lamang ng enerhiya ng nakikita niya. Hindi katulad nila Rouen, Devon at iba pa na nakikita ang bawat detalye ng labanan.
Sa di kalayuan ay nakatingala rin sina Suyon, Seth at iba pa. Ngayon pa lang din halos nag rerecover ang kanilang mga katawan dahil sa matinding pinsalang inabot ng mga ito.
Patuloy sa paglalaban sina Hakal at Lucario, dahil sa ipinamalas na husay ni Lucario ay napililtan si Hakal na itaas pa ang level ng kanyang enerhiya. Dito ay mas gumuhit sa kanya ang maraming tribal na linya. Ang kanyang mga mata ay nagbago na rin ng kulay at mas lumawak ang sakop ng awra sa kanyang katawan. "Mahusay kang makipaglabanan ngunit ikinalulungkot kong sabihin na kailangan ko ng tapusin ang larong ito," ang wika niya.
"Alam mong nakahanda ako," ang sagot ni Lucario sa kanya.
Muling umatake ang kalaban gamit ang kanyang MAS mataas na level ng lakas. Dito na naramdaman ni Lucario na ang pagkakaiba ng antas ng labanan kanina sa ngayon. Mas dobleng mabibigat ang suntok nito at mas dumoble ang bilis. Sa isip ni Lucario ay mukhang desidido talaga si Hakal na mukuha ang dalawang reliko dahil halos itodo na nito ang kanyang pag-atake.
Nagpatuloy sa paglaban si Hakal, ngayon ay mapapansin na may sariling buhay na rin ang itim na enerhiyang pakpak sa kanyang likuran dahil pati ito ay naglalabas ng mga matutulis na bagay na animo mga patalim na tumatama sa katawan ni Lucario.
Makalipas ang ilang malalakas na pag atake at paglalaabas ng hindi matatawarang kapangyarihan na mula kay Hakal ay nacontrol niyang muli ang sitwasyon at napabagsak niya si Lucario sa pamamagitan ng isang malakas na pagsabog ng enerhiya sa kanyang katawan.
Habang bumabagsak si Lucario sa lupa ay nagliwanag pa ng kanyang kamay at lumabas dito ang isang malaking pana at palaso, walang ano ano ay hinila ni ang itim na pisi nito at mabilis na pinakawalan ang kanyang pag atake.
Ang isang itim na palaso ay nahali sa daan daang piraso at lahat ng ito ay tila ulan na tumama at sumabog kay Lucario. Prinotektahan ng Diyos ang kanyang sarili mula sa isang direktang pinsala, ngunit sadyang nawala siya sa balanse at sumadsad sa lupa.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARC
FantasyIto ay continuation ng Book 3: The Last War. Ang Ruins of God ARC ay ang pagsisimula ng panibagong yugto sa buhay ng mga bidang tauhan. Dito magbubuksan ang misteryo ang sikretong ng kanilang mga nakaraan.