Part 13: Lumang Tala
THIRD PERSON POV
Halos kinabukasan na noong magising si Enchong mula sa kakaibang pangyayari kagabi kung saan tila sinaniban siya ng kakaibang kapangyarihan sa loob ng kanyang katawan. Katulad dati ay wala siyang maalalang kahit ano, ang lahat ay blanko na parang nakatulog siya ng mahabang oras.
Natagpuan niya ang sarili sa tabi ni Rael na noon ay natutulog sa sahig katabi ng sofa kung saan siya nakahiga. Pinilit niyang bumangon ngunit ibayong sakit ng ulo at katawan ang kanyang naramdaman sa hindi malinaw na kadahilanan. Agad niyang kinalabit ang asawa na noon ay natutulog pa rin.
Dumilat si Rael at agad itong bumangon noong makitang gising na ang kapareha, tinabihan niya ito sa sofa at saka niyakap ng mahigpit. Punong puno ng pag aalala ang kanyang haplos at ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kanyang kaba, "hon, anong nangyari?" tanong ni Enchong sa asawa.
"Paano ko ba sasabihin, kagabi ay nagblock out ka at kinontrol ng itim na kapangyarihan na nasa iyong katawan. Ayoko sanang sabihin ito sa iyo ngunit alam ko namang hindi ka titigil e," ang wika nito na sabay haplos sa mukha ng asawa.
"Nangyari na naman ba? Nanakit ba ako habang wala ako sa aking sarili?" tanong ni Enchong.
Tumango si Rael, "siguro ay may kinalaman yung lumang kalatas kagabi, doon nagbago ang timpla mo."
"Nagsisimula na akong matakot," ang tugon ni Enchong sabay yakap sa asawa. Niyakap naman siya ng mahigpit ni Rael. Nasa isip ng hari ngayon na kung bakit kailangan magdaan sila sa ganitong sitwasyon. Kapwa nararamdaman na may paparating na masamang pangyayari, hindi lang nila alam kung kailan ba ito magaganap.
"Wala naman akong ibang pagpipilian diba? Hindi ko alam kung paano iwawaksi o iaalis sa katawan ko ang itim na kapangyarihang ito. At kung maalis man ay tiyak na maghahasik na naman ito ng lagim at kaguluhan sa mundo. Lahat yata ng option at choices ay matatalo tayo, lahat yata parang negatibo," ang wika ni Enchong habang hindi pagilang umiyak habang nakasubsob sa matipunong dibdib ng asawa.
"Hon, siguradong may solusyon at hahanap tayo ng paraan. Hindi naman tayo nag iisa diba? Marami tayong mga kapanalig na maasahan natin. Nandito ako at hindi kita iiwanan," ang bulong ni Rael sa kanya.
"Bakit kaya ganito? Bakit hindi na tayo binigyan ng kaligayahan? Bakit puro problema? Parang napapagod na yata ako," ang bulong ni Enchong.
Patuloy na hinahaplos ni Rael ng likod niya habang yakap ito, "hindi ba't sinabi ko naman sa iyo na ang problema ay hindi mauubos dahil tayo mga imortal tayo at mabubuhay tayo ng daang taon. Ibig sabihin ay talagang paulit ulit tayong susubukin ng pagkakataon. Kailangan lamang natin lumaban ng paulit ulit hanggang sa mapagod ang tadhana at hayaan tayong maging masaya," ang bulong niya.
Noong umagang iyon ay kinamusta ng lahat si Enchong, pinilit nilang pagaanin ng pakiramdam nito lalo't kagabi ay nagpulong sila at pinag usapan nila ang sitwasyon nito. Alam nila na mahirap at hindi biro ang kalagayan nito. Kaya naman nagplano sina Rael at iba na makipagpulong sa kanilang kapanalig upang ipaliwanag ang kalagayan nito.
FLASH BACK
Ito ang pangyayari kagabi kung ano ang napag-usapan ng grupo habang si Enchong walang malay nagpapahinga..
"Alam niyo naman ang sitwasyon ni Enchong, kahit ikinulong niya ang itim na kapangyarihan ni Elsen sa kanyang katawan ay nahihirapan pa rin siyang dalhin ito dahil habang tumatagal ay lumalakas ito. Sana ay alam niyo na ang isang kapangyarihan kapag hindi ginagamit ay mas lumalakas," ang wika ni Rael sa kanila.
"Alam ko iyan mahal na hari, ganyan rin si Hariel sa aking katawan, habang tumatagal ay mas lumalakas dahil nagawang tapusin si Gaia ng mas mabilis," ang sagot ni Yul.
BINABASA MO ANG
Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARC
FantasyIto ay continuation ng Book 3: The Last War. Ang Ruins of God ARC ay ang pagsisimula ng panibagong yugto sa buhay ng mga bidang tauhan. Dito magbubuksan ang misteryo ang sikretong ng kanilang mga nakaraan.