Part 18: Kahon ng Panganib

89 4 0
                                    

Part 18: Kahon ng Panganib

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Part 18: Kahon ng Panganib

DEVON POV

APRESIA

"Maganda rin pala talaga dito sa Apresia, nakakarelax ang buong paligid," ang wika ko habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Katabi ko si Yul na noon ay nakahawak lang sa aking kamay.

"Mga hijo, dayuhan ba kayo? Hindi yata kayo taga rito?" tanong ng isang matandang bangkero.

"Hindi nga po itay, mga kaibigan mo kami ni Miguel at Prinsipe Malik, nais sana naming malaman kung saan ang daan patungo sa palasyo nila," ang magalang kong tanong.

"Naku mga hijo, doon pa sa kabilang ibayo ang palasyo ni Prinsipe Malik, halika sumakay na kayo sa akin at ihahatid ko na kayo doon. Tuwing araw ng Linggo ay binabasbasan ng prinsipe ang karagatan, tiyak kong nagsisimula na ang pagbabasbas," ang wika ng matanda.

"Salamat po tay, mababait po pala talaga ang mga taga Apresia," ang wika ni Yul habang nakangiti.

"Ang akala nga namin ay hindi na muling pang babangon ang Apresia dahil sa sunod sunod na kalamidad. Nakakatuwang isipin na narito pa rin ang lupain at pilit na lumalaban," ang tugon rin niya habang nagsasagwan.

Tila yata na mali kami ni Yul sa bagsak, ang totoo ay bumukas ang portal sa itaas ng karagatan. Buti na lang at nakalipad si Yul at dinala niya ako sa pampang, wala pa naman akong balak mag swimming ngayon. Pero tama nga si Malik, nandito sa Apresia ang pinakamagandang kagaratan at hindi ito maitatanggi dahil saksi naman ang aming dalawang mata.

Habang naglalayag ay hindi ko maiwasang ilagay ang aking kamay sa tubig dahil talagang kristal ito, malinaw at kumikinang sa balat. Ang simoy ng hangin ay malamig at masarap sa pakiramdam.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa daungan at dito ay nakita namin ang kulay puting palasyo nila Malik. "Bakit maraming taong nagkukumpulan doon?" tanong ni Yul sa matandang bangkero noong makadaong kami at makababa.

"Ah iyon ba? Magsisimula pa lamang ang pagriritwal ng Prinsipe, mabuti naman at nakaabot tayo!" ang masayang uwi ng bangkero at agad siyang nakisiksik sa mga tao. Syempre ay nakisiksik na rin kami upang makapanood. Matagal ko na rin nababalitaan ng pag riritwal na ito ng prinsipe, ngayon lang namin ito makikita.

Tahimik ang buong paligid.

Dito ay nakita namin si Prinsipe Malik na nakatayo sa pampang ang dalampasigan. Suot niya ang puting pajama at puting long sleeves na manipis, nakabukas ang mga butones nito kaya kitang kita ang kanyang magandang katawan.

Noong magsimulang humakbang ang prinsipe sa tubig ay lumabas ang asul at nagliliwanag na trident sa kanyang kamay. At sa pagtapak niya sa tubig ay biglang kumulimlim ang kalangitan na tila nagtago ang haring araw, natabunan ito ng makapal na ulap.

Dito ay nagsimulang maglakad si Malik sa ibabaw ng tubig at inikot ang kanyang trident na hawak. Sa kada kumpas ng kanyang tungkod ay nagliliwanag ang tubig sa paligid na ikinamangha ng lahat. Nagsimulang umindak ang prinsipe, may ritmo ang kanyang kilos sa kada galaw niya ay umaangat ng liwanag patungo sa kalangitan. Ang dagat nawalan ng alon habang nagliliwanag ito ng malakas.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon