Part 37: Ang Ulan ng Kamatayan

168 11 0
                                    

Part 37: Ang Ulan ng Kamatayan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Part 37: Ang Ulan ng Kamatayan

THIRD PERSON POV

"Malakas si Suyon, ngunit sadyang mas malakas ang sakop ng kapangyarihan ng kalaban. Ang kanyang kapangyarihan ay binuro ng matagal na panahon kaya't mas lumakas pa ito. At nasa katawan pa siya ng pinakamalakas na healer sa panahong ito na si Enchong. Ngayon ay doble dobleng lakas ang tinatamasa ni Hakal," ang wika ni Boss Lu habang inaalayan si Suyon sa pagtayo.

"Sorry, medyo humina ang kapangyarihan ko," ang paghingi ng paumanhin ni Suyon.

"Ano ka ba, wala ka dapat ipaghingi ng tawad, ginawa mo ang makakaya mo upang pigilan ang malalakas na pag atake ng kalaban upang hindi tumama sa amin. Lahat kami ay humahanga sa ipinamalas mong lakas, hindi nakapagtataka na ikaw ang kabiyak ni Lucario," ang paghanga ni Rafalgia sabay ngiti dito.

"Ngunit nabigo akong gawin ang ating misyon, hindi ko nagawang ilabas ang kapangyarihang itim sa katawan ni Enchong. Wala akong nagawa para sa kanya," ang malungkot na tugon ni Suyon.

Tinapik ni Seth ang kanyang balikat, "hindi pa naman huli ang lahat," ang tugon nito.

Noong mga sandaling iyon ay nakatingin ang lahat kay Enchong na noon ay nakalutang sa ere, "hindi na masama Suyon, sayang lamang at mas pinili mong manindigan sa mga bagay na pinaniniwalaan mo!" ang wika nito sabay taas sa kanyang kamay at nagliwanag ang mga daliri nito.

Naipon ang itim na liwanag at umakyat sa kalangitan, "nakakatuwa ang kakayahan ng lalaking ito, maraming taktika ang pwedeng gawin," ang hirit pa niya, ang tinutukoy niya ay ang katawan ni Enchong na malakas at maraming technique na maaaring gamitin.

Sa pagkakataong ito ay namuo ang malakas na enerhiya sa kalangitan. "Kung si Enchong ay may "HEAL RAIN" na bumubuhay at bumubuo ng mga napinsalang katawan. Ano kaya ang mangyayari kapag ginamit ko ito at ginawa kong sarili kong bersyon?" ang nakangising wika ng kalaban.

"Tangina, masama ito," ang wika ni Niko habang napaatras.

"Ang heal rain ni Enchong ay isang uri ng ulan na nagpapagaling ng pang kalahatan. Hindi ko maisip na magkakaroon din ito ng sariling bersyon ng kadiliman katulad ng kanyang sagradong palaso," ang dagdag pa niya na hindi maitago ang pangamba.

Napaatras ang lahat, "Lahat kayo ay maghanda! Magkubli sa mga makakapal na bato at huwag hayaang maulunan!" ang sigaw ni Rafalgia.

Habang nasa ganoong posisyon sila ay tumawa na lamang ng malakas si Enchong at sa isang kumpas kanyang kamay ay bumagsak ang mga mga itim na ulan, nagliliwanag at mabilis na sumisibat sa lupa.

"DEATH RAIN!" ang sigaw niya at lahat ng matamaan ng patak ng ulan ay naalis ang kaluluwa at nagiging kalansay. Natutunaw na at binubura ng hangin na parang isang alikabok.

Ilang mga kawal at sa iba't ibang lupon ang tinamaan nito. Walang makapipigil sa ulan ng kamatayan. Walang nagawa sila Seth, Miguel, Ybes, Suyon at iba pa kundi ang gumawa ng malakas na barrier upang sila ay makaligtas. Isang makapal na mga sanga at ugat ng puno naman ng nilikha nila Ibarra at Niko upang maprotekhan ang saklaw ng paligid nila.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon