XIX. Sleep Over (Maggie)

306 16 2
                                    

Andito ako sa may waiting area.

Kasama ko si Sammy at Jewel pati nadin Kuya ni Mavie na naghihintay.

Sila Tita at Tito kausap yung doctor.

Kelangan kasi ni Mav eundergo ng CT Scan.

Kinakabahan din kasi kami bukod sa mga bali nya sa paa at braso eh tumama pa yung ulo nya sa sahig.

Mavie kase eh, di mo na sana hinabol yung bola.

*ping*
C:Mags sang ospital ba kayo ngayon?
Me: Sa St.Lukes. medyo di parin namin alam kalagayan ni Mavie Charl
C:Papunta ako jan
Me: hala pano si Abby?
C: pinapunta nya ko. Andon naman sila Gia at Steffi

Nung nainjured si Mavie, ininform ko agad si Abby kasi alam ko kung gano ka close silang dalawa.

Mga ilang minutes din ang lumipas.

"Tita , Tito" sabay tayo ni Sammy "Kamusta si Mavie?"

"Thank God, wala namang unusual sa CT Scan Result ni Jade. Maya maya, Mavie will be able to wake na. Its just her head right now is on trauma kaya unconscious pa sya."sabi ng Mommy ni Mavie

"Aside from that, the Doctor said, she had broken bones on her arm and shin. But no need to worry, it can be fixed naman kelangan nya lang paggalingin." Dagdag ng Daddy nya

"Maggie, si Mavie" nakita naman namin si Charlie na kakarating lang.
___________________________________________

Nasa room kami ni Mavie sa Hospital nang marinig namin ang hiyaw ni Sammy

"Ate Ate nanalo ang Team ni Mav sa Volleyball"

"Talaga? Oh mygosh. Mav narinig mo yon panalo kayo. Champion kayo Mav" sabi ko habang hinihimas yong buhok nya.

"Kay Ate Abby naman? May balita naba?" Tanong ni Sammy

"Wala pa. Nanonood din ako sa videocall ni Steffi " sagot naman ni Charlie

Kanina, nagvideocall din ito kela Abby kasi nagaalala nadin yong ibang girls ke Mavie.

*C:di pa nga, baka later daw. Pero okay na sya Abbs. Wag ka na magworry. Magq Q&A na kayo oh. Baka ma mental block ka pa*
*A:I'll be alright Cha. Just inform me or I can't come to my phone kela Gia. Okay?"*
*C:okay. Good Luck Abby. Para kay Mavie galingan mo ah.*
*Steffi: pasabi kay Mav na get well soon ate*
*G: me too. Sabihin mo bibisita kami jan asap*
*C:sige bye sainyo jan. Ingat.

Sila Tito at Tita kasi at si Kuya Anthony, brother ni Mavie, eh bumalik muna sa kanila para makapag ayos ng gamit ni Mavie

Kaya kami muna naunang nagbantay kay Mavie.

"Mags gising Mags" nakatulog pala ako.

"Good News nanalo si Abby, sya na ang new Miss Naturalé 201*" excited na sabi sakin ni Charlie

"Ngayon lang ba ang result?" Tanong ko "Sila Sammy at Jewel?"

"Nasa labas, tinatawag yong ibang girls baka kasi maingay kaya don na muna sila"

"My gosh Charl, panalo girls natin Charl. I'm soo proud sakanila" mangiyak iyak kong sabi kay Charlie

"Mav, panalo si Ate Abby mo." Sabi ni Charlie kay Mavie "kaya dapat gumising kana. Ikaw dapat unang bumati sa kanya"
___________________________________________

Napagusapan namin ng walo na sabay ng dumalaw kay Mavie. Weekend din kasi kaya wala lahat pasok.

Medyo late late nadin, kasi nga late din kami umalis sa ospital kagabi. Sabi naman ng Mommy ni Mavie, hiningi nya kasi number ko incase na gumising si Mav, na nagising na nga si Mavie.

My Senior High First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon