CHAPTER 6

5.4K 70 1
                                    

“MAMA,ayos ka lang po ba?”binaba ko ang tingin ko kay Kane ng magsalita ito.I was holding his hands,nasa mall na kami patungo sa stuffed toys store.

“Ayos lang si mama,baby”sagot ko at ngumiti sa kanya.

“Mama, don’t smile at me po.I can see through your eyes that you are sad,why is that?”agad na napawi ang pilit kong ngiti sa sinabi n’ya.Kane was a smart kid,madali n’yang nalaman ang emosyon na ayaw kong ipakita sa kanya.

Binuhat ko s’ya at nagtungo kami sa bench para umupo.I made Kane sat on my lap.I caressed his face “baby,mama is not sad,okay?”sambit ko.

“Hmm,you say that lying is bad.Bakit po ikaw nagla-lie?”tanong nito kaya mahina akong napabuntong-hininga,wala akong kawala sa mataling batang ito.

“I want to tell you my reason behind that sadness in my eyes,but it was adult stuff baby,so mama can’t tell you my reason”paliwanag ko kaya nakakaintinding tumango sa akin si Kane at sinapo ang mukha ko.

“Okay po,but don’t smile at me po kapag sad ka kasi nalulungkot din po si Kane.Feeling ko po hindi kita napapasaya”sambit nito kaya napangiti ako bago s’ya yakapin ng mahigpit.I’m so lucky to have Kane in my life,in those three years,isang beses lang s’yang nagtanong kung nasaan ang ama n’ya at doon din s’ya tumigil dahil sinabi kong nagta-trabaho ang tatay n’ya sa malayo,but I’m sure,Kane see the sadness in my eyes kaya hindi na s’ya ulit nagtanong.

Sa loob ng tatlong taon,mahirap magpalaki ng bata ng ikaw lang mag-isa,but with the help of the Acosta’s I survived,at masaya akong napalaki ko ng maayos ang anak ko.

“Let’s go na,anak”anyaya ko dito kaya agad s’yang tumango bago kami tumayo sa upuan at sabay na naglakad patungo sa stuffed toys store.”Choose anything you like baby but…”I trailed.

“But only one toy”pagpapatuloy nito kaya napangiti ako.I have money to spoil or buy what ever Kane’s wants,but I don’t wan to.Ayaw kong lumaking spoiled brat si Kane,gusto kong mabuhay s’ya o maranasan n’ya ang buhay ng ibang taong hindi mayaman at walang masasabi sa lipunan.I still earn money from my flower shop in Manila na sila Delia at Juliana ang umaasikaso at sapat na iyon para mabuhay kami ni Kane na hindi lumalapit sa walang k’wenta n’yang ama na walang ibang ginawa kundi pasarap lang sa buhay ang inaatupag.

“Mama?”nabaling ang tingin ko kay Kane ng tawagin n’ya ako.

“Yes baby?”tugon ko.

“I don’t have a heart to choose over this two kasi sayang naman po ‘yung hindi ko mapipili kaya kayo nalang ang mag-choose”sambit nito at pinakita sa akin ang dalawang hawak n’ya,in the right,he was holding a batman stuffed toy and on the right was iron man.

“Hmm,ano ba ang gusto mo d’yan?”tanong ko.

“I don’t know po”kibit-balikat nito at ginala ang paningin sa paligid.Para namang nagkislapan ang mga mata n’ya ng makakita ng isang stuffed toy,nilapag n’ya ang mga bitbit n’ya bago lapitan iyon at ng bumalik sa akin ay napangiti ako ng makita kung ano ang hawak n’ya “mama look oh”winagayway pa n’ya sa mukha ko ang hawak.It was a cat stuffed toy.Paborito ni Kane ang pusa kaya paniguradong tuwang-tuwa ang anak ko dahil nakakita ng cat stuffed toy,may alaga kasi kaming pusa sa bahay at si Kane ang nag-aalaga doon kaya paborito na n’ya ang mga pusa.

“You liked that?”tanong ko kaya naka-ngiti naman s’yang sunod-sunod na tumango.

“Opo,ito nalang ang bilhin natin mama”sambit nito kaya tumango na ako.

We are walking towards the counter kaya lang ay may nakabunggo ako dahil nakatingin ako kay Kane na panay ang daldal kaya hindi ko napansin ang nilalakaran ko.

“Ay sor—“nabitin sa ere ang paghingi ko ng tawag ng makilala kung sino ang nakabungguan ko.

“SAAN KA na naman ba kasi pupunta?”naiinis na tanong sa akin ni Zehra.

“Sa probinsya”sagot ko at bumaba ng hagdan na sinundan naman n’ya.

“Anong gagawin mo doon?”tanong nito.

“I will find Mara”sagot ko.

“Gosh Kade,tatlong taon na.Hindi ka pa ba nakaka-move on?”napahilamos na s’ya sa mukha n’ya.

“P’wede ba Zehra kung wala kang magawa sa buhay mo eh ‘wag ko akong pakialaman!”naiinis kong singhal dito.Nakakapika na ang ugali ni Zehra,konti nalang talaga at iisipin kong s’ya ang humaharang sa akin kaya hindi ko mahanap si Mara.

“Kade,I’m your girlfriend pero mas inuuna mo pa rin ang ex mo!”singhal nito kaya napabuntong-hininga ako.

“Umuwi ka na”mahinahon kong sambit.

“I will not,paano kung may asawa na iyong malanding iyon?what if she already have a child or a family?tantanan mo na s’ya Kade.Move-on to your past,walang magandang maidudulot iyon sa relasyon natin, girlfriend mo ako pero iba ang nasa isip mo!”singhal nito sa akin.Pero sa dami ng sinabi n’ya ay talagang nagpanting ang tenga ko sa una n’yang sinabi.Hindi malandi si Mara.

“Hindi malandi si Mara,Zehra.’Wag mo s’yang itutulad sayo”sambit ko bago sumakay ng sasakyan ko at pinaharurot iyon palabas ng condo ko.

‘I will find you,vida mia.Wala akong pakialam kung may asawa ka na o anuman’sambit ko sa isip ko.

“K-KADE?”nauutal na tawag ko sa pangalan ng nakabunggo ko.Para akong tinakasan ng lakas at kulay sa katawan ng makita s’ya,he was looking at me with…longing?not sure in his eyes.

“Vida mia”he smiled at me but it didn’t reach his eyes.Doon ako parang natauhan,umiling ako.

“Sorry for bumping on you”hingi ko ng tawad.

“Hmm,mister don’t force a smile po kasi I can saw on your eyes that you are not happy,there’s sadness in your eyes”sabay na nabaling ang tingin namin ni Kade kay Kane ng magsalita ito.Nang tignan ko si Kade ay bakas ang kaguluhan sa mukha nito.”Did you know my mama po?”tanong nito.

“Y-yes”parang wala sa sariling tanong ni Kade.

“Baby, let’s go.Don’t talk to strangers”sambit ko at hinawakan si Kane sa kamay,akmang lalagpasan na namin si Kade ng pigilan n’ya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko kaya kunot-noong bumaling ako sa kanya.

“Is he—”

“No”putol ko sa iba pang sasabihin n’ya “like what you said three years ago,I have other dick enter my pussy”walang gana kong sambit pero mahina lang,sapat na para hindi marinig ni Kane.Kita ko ang pagbalatay ng pagsisisi at kalungkutan sa mukha ni Kade kaya napailing ako bago kami magpatuloy sa paglalakad ni Kane.

Binayaran lang namin ni Kane ang binili n’ya at umuwi na,wala na akong gana na maglibot pa sa mall sa kaalamang nandoon si Kade.Pagkarating sa bahay ay agad kong pinagpunas ng katawan si Kane at pinatulog na.

Ako naman ay nagpunas din ng katawan at nagsuot ng pajamas bago lumabas ng bahay,naupo ako sa kahoy na nasa labas ng bahay bago tumingala sa kalangitan at mapait na ngumiti ng may maalala.

“Baby,I see your daddy again after three years”bulong ko sa hangin.”Do you think the longing,sadness and pain that I saw on your papa’s eyes is true?”naluluha kong tanong ng maalala na naman ang nangyari tatlong taon na ang nakakaraan.Until now, nalulungkot at nasasaktan pa din ako sa kaalamang namatay ang anak ko dahil sa kapabayaan ko.

“Do you think,papa is n-now happy?”mapait akong ngumiti bago tignan ang mga bituin sa langit “sa tingin mo k-kung hindi ka nawala sa piling na m-mama,masaya kaya tayo?”lumuluhang tanong ko at napapikit ng makaramdam ng malakas na hangin, pakiramdam ko iyon ang anghel ko at niyayakap ako.”Baby,bad ba si mama kasi napabayaan kita?b-bad ba si mama kasi h-hindi kita naalagaan ng m-maayos?b-bad ba ako kasi h-hindi mo man lang n-naranasan kung p-paano ka alagaan?masama ba ako anak?.Hindi ba ako karapat-dapat maging nanay?”mas lalong lumakas ang iyak ko ng mas lumakas ang hangin.

And that wind envelopes my body like it was hugging my body “baby,masaya ka ba d’yan sa heaven?”ngiti ko at dumilat para tignan ang kalangitan.” Do you think mama can make you happy if ever you are alive,sweetie?”naiiyak kong tanong at pinunasan ang mga luha ko bago ngumiti “mama will not cry anymore sweetie”sambit ko at tumayo na para bumalik sa loob ng bahay.Maybe this was my destiny,kinuha man sa akin ang una kong anak pero binigyan naman ako ng panibago,and that was Kane whow makes me happy all day and all night, everyday.

Bumalik na ako sa k’warto ko at nahiga sa tabi ni Kane,I hug him and kiss his forehead “mama will always love you,anak”bulong ko bago pumikit at matulog.

NAGISING AKO kinabukasan na wala na si Kane sa tabi ko, nagkibit-balikat nalang ako dahil baka nasa baba lang s’ya at pinapakain na ang alagang pusa.I took a quick shower and wore a simple t-shirt and denim short.

Habang pababa ng ng hagdan ay may naririnig akong boses pero baka si Kane iyon na kinakausap ang alaga,pero para akong tinubuan ng ugat sa kinatatayuan ng makita ang isang eksena sa sala.It was Kane together with…Kade.

They are talking ang laughing,buhat ni Kane ang alaga n’ya habang si Kade ay nakaupo sa sofa at kinakausap ang anak ko.

“K-Kane”tawag ko sa atensyon ng anak ko na agad akong nginitian ng magtama ang mga mata namin.

“Mama”ngiti n’ya at tumakbo patungo sa akin para yakapin ako.

“Bakit nandito ka?”mahinahong tanong ko kay Kade kahit na gusto ko s’yang sugurin dahil sa pagkausap n’ya sa anak ko.

“Mama,ako po ang nagpapasok sa kanya”sabat ni Kane kaya nagbaba ako ng tingin sa anak ko.

“Why?’di ba ang sabi ni mama ay ‘wag kang makikipag-usap sa strangers at ‘wag basta magpapasok ng ibang tao sa bahay”sambit ko.

“Mama,sabi po kasi n’ya friend—”

“At naniwala ka naman?!”hindi ko sinasadyang singhal dahil sa galit na nararamdaman ko para kay Kade na pati ang anak ko ay nadamay.

Agad nalang akong natahimik ng makita ang panunubig ng mga mata ni Kane kaya agad akong nainis sa sarili bago lumuhod sa harap ni Kane at pantayan ang mukha n’ya.”B-baby?”tawag ko sa kanya but I can hear my heart shattering into pieces when I heard his small sobs hanggang sa lumakas iyon kaya nataranta ako.

“Kane baby,sorry”suyo ko at akmang yayakapin s’ya ng maunahan ako ni Kade,binuhat n’ya si Kane at inalo ito.

“Shh baby,look at me.Don’t cry na”alo nito sa anak ko kaya tumigil na sa pag-iyak si Kane “mama already said her sorry,don’t cry na because you are a boy”marahang pinunasan ni Kade ang mga luha sa mga mata ni Kane.

Bumaling sa akin si Kane at nagpabuhat na agad ko namang kinuha sa mga bisig ni Kade “mama,s-sorry po kasi h-hindi ako nakinig sa inyo”nauutal na sambit nito.

“Shh,tahan na baby.It’s okay,mama is not angry”sambit ko at niyakap s’ya mg mahigpit na agad naman n’yang ginantihan.

BEING WITH Kade was not easy at all.Lalo at ramdam ko ang tiim ng titig n’ya sa akin.We are at the kitchen,sitting and eating our breakfast,with Kane.Dito ko na pinag-agahan si Kade dahil kita ko ang lungkot ni Kane ng magpaalam na aalis na si Kade.And I don’t have a heart to see my son sad.

“Tito Kade?”tawag ni Kane kay Kade habang pinapakain ko ang anak ko.

“Yes,buddy?”tugon ng binata.

“Uhm,may anak na po ba kayo?”tanong ni Kane kaya mahinang natawa si Kade bago umiling.

“I don’t have one…”pang-bibitin nito at sinulyapan ako bago ibalik ang tingin sa anak ko “pero magkakaroon sana”patuloy nito.

“What do you mean po,tito Kade?”naguguluhang tanong ni Kane.

“Hmm,tito Kade was a bastard.I kill my own baby because I didn’t move-on from my past”sagot nito kaya mapait akong lihim na natawa.

“Buti alam mo”bulong ko pero hindi nakaligtas iyon sa pandinig ng dalawa.

“Bakit mama,alam mo iyon?”inosenteng tanong ni Kane sa akin.

“No sweetie”tugon ko at sinubuan s’ya ulit.

“Where’s your child po,tito Kade?”tanong ni Kane.

“Heaven”simpling sagot nito and I can hear pain on his voice pero wala akong pakialam.

“Eh ‘yung mama po ng baby n’yo?kasama n’yo po ba?where is she?”sunod-sunod na tanong ni Kane pero umiling lang si Kade.

“My vida mia was mad at me”sagot ni Kade at ramdam ko ang tingin n’ya sa akin.

“Bakit po?”muling tanong ni Kane.

“Because I hurt her emotionally and physically,buddy”sagot ni Kade.

“That’s bad,tito Kade.Mama said that hurting a person was a sin,you can’t hurt someone po”parang matandang sambit ni Kane kaya ngumiti ako at hinalikan s’ya sa noo.

“Stop asking na baby,that was an adult stuff”sambit ko na tinalima naman n’ya.Hindi na muling nagtanong ni Kane pero nagpatuloy sila sa k’wentuhan ni Kade.Ramdam ko ang saya sa boses ni Kane sa t’wing mag-uusap si ni Kade,ramdam at alam kong nangungulila sa ama si Kane,pero ayaw ko s’yang ipakilala kay Kade dahil baka masaktan lang ang anak ko at iyon ang ayaw kong mangyari.

“Where’s your dad,kiddo?”tanong ni Kade kay Kane,they are in the living room while I’m in the kitchen,hinuhugasan ang pinag-kainan namin.

“I don’t know po”sagot ni Kane “mama said that he is working somewhere”sagot ni Kane.

Hindi ko na narinig pa ang dalawa at ng matapos ako sa paghuhugas ay nagtungo ako sa sala at nakita ang dalawa na naglalaro,they are playing Kane’s toys.

“Tito Kade,let’s play chess po”anyaya ni Kane.

“Do you know that game?”hindi makapaniwalang tanong ni Kade.

“Opo”nagmalalaking sambit ni Kane “my ninongs are teaching me how to play chess po”dagdag nito.

“Ninongs?so you have plenty of ninongs?”tanong ni Kade.

“Opo,I have ninong Max,ninong B,ninong Dex,ninong Dal and many more”sagot ni Kane.Pipigilan ko pa naman sana s’yang sabihin kung sino ang mga ninong n’ya dahil baka mabuking kami ni Kade na anak n’ya si Kane pero salamat at hindi sinabi ni Kane ang buong pangalan ng mga ninong n’ya dahil baka pare-parehas kaming mapahamak.

Hindi p’wedeng mawalan ng silbi ang tatlong taong pagtatago namin ni Kane mula kay Kade,at kung kinakailangan naming magtago ulit ni Kane at umalis sa lugar nito at lumipat sa ibang lugar na hindi alam ni Kade ay gagawin ko,ayaw kong mapalapit sa kanya si Kane.

Masaya na si Kane na kaming dalawa nalang,ayaw ko ng guluhin pa ni Kade ang buhay naming mag-ina,nabuhay si Kane na walang kinikilalang ama sa loob ng tatlong taon at magagawa pa namin iyon sa susunod na mga taon.We are already happy and no one can stop that.Ayaw kong masaktan si Kane dahil lang kay Kade kaya kung kinakailangang ilayo ko s’ya kay Kade ay gagawin ko para sa kabutihan ng anak ko.

“Who’s that?”rinig kong tanong ni Kade,tinutukoy ay mga pangalan na binanggit ni Kane,akmang magsasalita si Kane ng pigilan ko s’ya.

“Baby,can I join?”tanong ko na agad namang tinanguan ni Kane.

“Sige po”masayang pumalakpak si Kane na ikinangiti ko.We started playing with Kade.

NANG SUMAPIT ang gabi ay kumain muli kami ng sama-sama at pinagpunas ko ng katawan si Kane bago s’ya patulugin.

“Makakauwi ka na”walang emosyon kong sambit kay Kade ng nasa labas kami ng bahay.

“Vida—”

“Don’t call me.You are just nothing to me but a stranger”putol ko sa sasabihin n’ya,alam kong harsh pero masakit lang talaga ang pinagdaanan ko habang kasama si Kade.

“Mara—”

“Please Kade,umuwi ka na at ‘wag na ulit bumalik dito.Masaya na kami ni Kane ng walang ibang lalaki sa buhay namin kaya please,umuwi ka na”pagmamakaawa ko.

“Uuwi ako,pero sagutin mo ang tanong ko”sambit nito kaya tumingin ako sa kanya “hindi ko ba t-talaga a-anak si Kane?”tanong nito kaya mapait akong natawa.

“Wala kang anak Kade maliban sa anak mong pinatay mo”walang emosyon kong sambit “at kung anak mo man si Kane,sinasabi ko sayo,hindi mo makikita ang anak mo dahil ni anino n’ya hindi ko ipapakita sayo”dagdag ko at mapait s’yang nginitian.

“Mara—”

“Umuwi kana Kade,please.Masaya na kami ni Kane dito,hindi ka namin kailangan o sino man dahil mabubuhay kami”sambit ko.

“Ganun ba kaayaw mo sa akin?”

“Oo!”singhal ko “dahil sa t’wing nakikita kita naaalala ko ang anak ko,n-nasasaktan ako sa kaisipang h-hindi man lang n’ya n-nasilayan ang mundo.Nasasaktan ako sa t’wing iisipin na k-kaya s’ya namatay dahil sa p-pagiging marty ko sa pagmamahal sayo!”sigaw ko at dinuro ang puso ko “ang sakit-sakit dito,Kade.Ang sakit at w-wala kang alam kung gaano k-kasakit sa t’wing iniisip ko a-ang a-anak ko”lumuluhang sambit ko.Until now I can’t still move-on to my dead child,I still miss my baby.

“Mara—”

“Kade please,parang awa mo na.Masaya na ako sa buhay na meron ako,please tantanan mo na ako,nagmamakaawa na ako sayo”humihikbing sambit ko.Ayaw ko ng guluhin n’ya ako,maging si Kane.

“Ganyan mo ba kaayaw sa akin?”puno ng sakit ang boses n’ya ng tanungin n’ya ako.

“Oo”walang pag-aalinlangan kong sagot.Ayaw ko na s’yang makita dahil bumabalik sa sakit sa puso ko.”Dahil tulad mo,hindi pa rin ako nakakalimot sa pagkakawala ng anak ko,Kade.Nawala s’ya dahil sa akin na lagi kong pinag-sisisihan”sambit ko at mapait na natawa “imagine how happy I am when I found out that I’m pregnant to our first child,p-pero agad iyong gumuho matapos kong malaman na importante pa rin sayo si Zehra,ang sakit no’n Kade.Pero mas nadagdagan iyon ng mamatay ang anak ko”lumuluha kong sambit.

“Kaya please,umuwi ka na.Nagmamakaawa na ako sayo Kade,tama na.Nand’yan na si Zehra kaya please,for the sake of our dead baby,leave me alone and that come back”sambit ko at pinunasan ang mga luha ko “ayaw na kitang makita dahil sinusumpa kong nakilala kita Kade”puno ng pait at galit na sambit ko bago pumasok sa loob ng bahay,wala na akong pakialam kung nasaktan s’ya sa sinabi ko dahil mas masakit ang ginawa n’ya.Lumuluhang napasandal ako sa likod ng nakasarang pinto,tiniklop ko ang mga binti ko at doon binaon ang mukha at humagulgol ng iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

He doesn’t deserve to be Kane’s father at sinusumpa ko na nakilala ko pa si Kade,ayaw ko na s’yang makita kahit kailan.I hate him to the moon and back,he doesn’t deserve Kane to be his son.Bumalik na sa kanya si Zehra kaya sana tantanan na n’ya kami ng anak ko dahil sa t’wing makikita ko s’ya bumabalik sa ala-ala ko ang lahat ng kasalanan ko na nagawa ko sa anak ko dahilan para mawala ito.

★★★★★

A/N:YEHEY!NAKAPAG-UPDATE AKO ULIT.EWAN KO BA KUNG ANONG PUMASOK SA UTAK KO PARA MAG-UPDATE😂👏

PERO AYUN,NAG-UPDATE NALANG AKO DAHIL HINDI KO ALAM KUNG KAILAN ANG NEXT UPDATE KO.PERO MAHABA NA BA ANG WORD COUNT NGAYON,NAIIKSIAN NA KASI AKO SA WORD COUNT KO KAYA GINAWA KO NG 3,000 PERO FOR TODAY'S VIDYOW HINDI UMABOT NG 3,000 ANG WORD COUNT KO,PERO P'WEDE NA.SIGURO NAMAN MAHABA NA 'YAN.

Billionaire 5:Kade VillanovaWhere stories live. Discover now