ELIANA
SAYAW
Nagising ako dahil sa kalampag na nagmumula sa kung saan. Humikab pa ako bago bumagon. Dito ako natulog sa kama ni Lucas at siya naman ay nasa sala.
"I want you to be my secretary."
Iyon agad ang bungad ni Lucas nang makarating ako sa kusina. Nandito pa rin kami sa kompanya niya, specifically, in his office.
Inulit na naman niya ang sinabi kahapon.
Hindi ko alam kung magugulat ba ako o magsasaya sa mga oras na ito dahil sa kanyang sinabi.
"Teka nga, akala ko ba hahanapan kita ng secretary mo? Oh, bakit ako?"
"Kasi nahanap ko na sa 'yo." Umirap ako sa kawalan. Walang kwentang sagot.
"I thought you wanted to stay here in my office?" dagdag niya. Pinasadahan ko siya ng tingin, doon ko napansin na nagluluto siya ng bacon.
"Yes. Pero huwag naman yung may trabaho. Sabi ko nga kain, nood, at tulog lang ako dito, 'di ba? Tsaka next week maghahanap ako ng trabaho." Natawa siya nang mahina dahil sa inasal ko.
"Seriously? Next week pa? Pwede naman simula bukas ah. Alam kong maboboring ka lang kapag iyan ang ginawa mo rito," sabi niya saka pinatay ang stove at humarap sa akin.
I rolled my eyes. "Ba't ako maboboring sa kain at tulog eh normal na buhay iyon? Sa klase nga ay natutulog ako. Alam mo kung award lang ang pagtutulog edi sana cum laude ako." Napamaang siya sa sinabi ko.
"Besides, hindi ka naman mamomroblema sa akin dito. Alam ko ang gawaing bahay." Ngumiti ako sa kanya nang buo. Iyong ngiting hindi mababahiran ng pagpapanggap.
"Ang gusto mo lang ay parang maging kasambahay?" Ang gwapo ng lalaking ito perp hindi ba siya maka-intindi?
"Wala akong sinasabing ganyan ah," tanggi ko kaya napapikit na siya nang mariin na siyang ikinairap ko sa kawalan. "Kaya, NO. Bakit ba hindi ka maka-gets?"
"Dahil iyon ang bagay sa 'yo. You need to work for your own. Hindi ba 'yan ang sabi mo sa akin noong nasa isla tayo?" Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Gusto kong makarating sa Manila kaya nga narito na ako ngayon ngunit bakit ko pa sasayangin ang pagkakataon?
Tumango ako. Tumikhim siya kaya marahan akong tumingin sa kanya. Nakita kong nakatingin ito sa akin nang may pangungumbinsing tingin. Tapos na siya magluto at inilapag niya ito sa dining table.
“Let’s eat.” Kumalam ang aking tiyan. Mukhang masarap ang kanyang luto. Fried rice at bacon.
Umupo ako at gano’n din siya. "I just wanted to be free. Laging may limitasyon ang buhay ko eh," mahina kong sabi.
Ilang segundo lang ay tumayo siya sa kinauupuan ko at lumapit sa akin. Tumitig ito sa aking mga mata na animo'y naiintindihan ang lahat ng problemang narito.
"Noong unang kita ko palang sa 'yo, napansin ko nang may mali." Nagbago ang awra ng kanyang mukha at napalitan ng pagkaawa.
Unang kita? He’s drunk that time!
Pero syempre hindi ko sinabi sa kanya iyon.
"Hindi ko alam kung bakit sila gano'n sa 'kin." Panimula ko. Hindi ko alam kung makakaya ko bang ikwento sa isang 'to ang pinagdaanan ko simula nang mawala sina mama at papa. "Parang...parang hindi nila ako pamilya." Hindi ko alam kung tama bang magsabi nang gano’n sa kanya. Ilang araw pa lang kami magkasama at hindi ko pa siya lubusang kilala.
Bakit ganito? Ang gaan-gaan ng lahat dito.
"Lagi nilang sinasabi na...na sana namatay na lang din ako kasama ng magulang ko." Sa ngayon ay nahihirapan akong huminga. Tila napako na ang aking tingin sa sahig at hindi ko na magawang tingnan si Lucas. Umalis siya sa harap ko, tumayo ito at napansin kong may pinindot siya sa speaker at nagsimula na ang kanta. Bumalik naman agad siya sa harap ko.
YOU ARE READING
Whispers of the Sun (Weather Series One)
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...