" Hello po please vote for Zackarious Alcantara for Mayor." Sabi ko sa isang ali na nakasalubong ko.
Ngayon ang simula ng panga-ngampanya ni Zack para sa pagka Mayor, kaya sumama ako bilang suporta sa kanya ayaw nga niyang sumama ako dahil nga baka may mangyari na naman sakin. Hanggang maari kasi pinapaiwas niya ako sa mga bagay na alam niyang pwede akong mapahamak. Pero nagpumilit ako kaya pinayagan na niya ako. Basta lang daw wag ako aalis sa tabi niya.
"Iboboto ko talaga yan si Mr. Alcantara sa pagka Mayor, Kasi tingnan mo hindi suplado, mabait at matulingin pa."
"Oo nga napaka bait na bata talaga, kaya nga kilala ang pamilya nila kasi ang babait."
"Nako mare swerte ng asawa niyan."
"Sinabi mo pa."Yan ang narinig kung usap-usapan ng ibang mga tao doon. Natuwa naman ako na nagustuhan nila si Zack na maging mayor ng lungsod nila. Napa ngiti na lang ako doon sa mga sinabi nila.
Alam na ng lahat na kasal kami ni Zack.
Hinahanap ko kung nasan si Zack pero di ko siya makita. Kaya lumapit na lang ako dun sa may hawak ng snack at kumuha ng 4 na burger at bottled water.Lumapit ako doon sa mga babae kanina at binigay sa kanila ang snacks. Nagulat pa sila ng makita ako.
"Madam Hope." Yun lang ang nasabi ng isang Ali
"Nako po Hope na lang, wag po ang madam." Ngumiti sila sakin.
"Napakabait mo talaga, ka ano ano mo pala si Mr Alcantara?" Tanong ng isang namang Ali.
"Ahhmm ano niya po ako,,,,.a-." naputol ang sasabihin ko ng may nagsalita sa likod ko sabay akbay. Alam ko na kung sino ito.
"Asawa ko po siya." Magalang na sabi niya.
"Ikaw pala ang asawa ni Mr. Alcantara." Tumango naman ako.
" Zach na lang po, Mauna na po kami ng asawa ko." Nagpaalam na kami.
"Salamat sa pameryenda Hope at Zack." Pasalamat nila sa amin bago kami umalis.
"Bakit ka umalis sa tabi ko? Diba sabi ko wag kang aalis?" Tanong niya sakin.
Habang nag lalakad kami papunta sa kotse.
"Abala ka kasi kanina, kaya naglibot lang muna ako." Sagot ko naman.
"Wag kang lalayo sakin sa susunod kasi alam mo na, baka ano na naman ang mangyari sayo. Ayoko ng maulit muli ang nangyari dati." Paalala niya sakin.
Tumango naman ako.
Nasa tapat na kami ng kotse kaya pinagbuksan niya ako ng pinto nito."Thank you." Ngumiti lang siya sakin sabay halik sa noo ko. At sumunod na sa pagsakay.
Simula ng mangyari ang aksidenteng yun sakin yung nahulogan ako ng mga kawayan. Pinapahinto na sana ako ni Zack at nila mama at mommy sa pag tratrabaho. Pero hindi ako pumayag, kinulet ko sila sa kagustuhan ko na pumasok sa trabaho kaya napilitan sila. Kaya lang lagi nilang pinapaalala sakin na laging mag ingat. At lagi ko namang sinusunod.
"Hon what if you learned something about me?" Out of no where na tanong niya
sakin. Napatingin naman ako sa kaniya."What do you mean? Ehh marami naman akong naririnig tungkol sayo ah?" Umiling lang siya at hinawakan ang kamay ko.
"Forget what I said." Tumango lang ako at sumandal sa balikat niya.
Pagdating namin sa bahay nagulat ako dahil nasa labas halos lahat ng katulong namin. Kaya bumaba si Zack, sumunod naman ako.
"What's happening here?" Nabawi ni Zack ang atensyon nila kaya humarap ang mga ito sa amin.
Nagulat ako dahil sa nakita ko, si Manang may karga-kargang sanggol."Iniwan sa labas ng gate, kasama ang sulat na ito." Inabot sakin ni Manang ang sulat.
Dear Zack,
Sorry kung iiwan ko muna sayo ang anak natin. Hindi pa
kasi ako handa at marami pa akong gustong gawin sa buhay
ko. It's not my intention to ruin your marriage life with Hope,
Wala na talaga akong puwedeng pag-iwanan sa anak natin.
Sana alagaan mo nang mabuti ang anak mo, alam kung
Magiging mabuting ama ka. I'm so sorry Hope.From: Kyla
Nabitawan ko ang hawak kung sulat."How could you do this to me Zack!!!!" Nasampal ko siya ng sobrang lakas.

BINABASA MO ANG
Mr. Mayor's Wife
DiversosKung mahal mo ang isang tao dapat tanggap mo at matanggap mo ang mga pagkakamaling nagawa niya. Kasi sa pagmamahal wala namang perpekto, kahit ikaw nga nakakagawa ka ng mga pagkakamali. At sa isang relasyon naman diba hindi lang pagmamahal ang kaila...