01

57.1K 1.1K 183
                                    

This story contains scenes that could be disturbing to some readers. Please Read at your own risk.

Disclaimer:
All the brands mentioned are NOT AFFILIATED in this story. This is purely fictional. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All characters appearing in this work are a work of fiction.


[ I apologize for the wrong spelling/grammars and all the errors that you may encounter upon reading this story. Please bear with me enjoy reading! ]

INSTAGRAM: BRIGHTSECRETLIGHT
TWITTER: BSECRETLIGHT
TIKTOK: BRIGHTSECRETLIGHT


TEACH ME HOW TO LOVE
STATUS: COMPLETE


This is my last semester and finally I will graduate. Wala namang mababago sa buhay ko dahil embryo palang ako nakaplano na ito.

My Family is rich and they have a lot of businesses. I'm still a baby when they slowly told me about my responsibilities so that I could understand it. I was 16 when they announced me as the heir.

I was 20 when I married my husband.

"Nakatulala ka jan?" Gigi asked me at agad akong napaayos ng upo. Tumingin ako sa relo ko at dalawang minuto nalang dadating na ang bago naming teacher.

"Sana hindi siya terror" Sabi ni Yna at lumapit pa ang mukha samin para ibulong ito.

"Hindi naman siguro?" Patanong na sabi ko dahil hindi ko din naman alam eh

Habang nagkwekwentuhan kami bigla na lamang sumara ang pinto. Hindi naman malakas ngunit rinig na rinig sa buong classroom. Natahimik ang lahat.

is that my husband?

"Puta asawa ko to ha!" Mahinang sabi ko buti nalang hindi narinig ni Yna at Gigi dahil nakaayos sila ng upo ngayon. Seryoso na ang lahat.

Nakasuot siya ng leather shoes na sobrang kintab halatang mamahalin at bago. Naka black slacks na pambaba at white na polo. Napakasimple ng suot niya pero ang bagay na bagay sakanya dahil gwapo siya.

Gwapo naman talaga ang asawa ko.

"I'm Tristan Gabriel Salvador" bati niya sa lahat at tinignan ang mga istudyante. Halos kaedad lang namin siya kaya nagtaka siguro ang iba. Everyone was listening to him.

"I will be your teacher for this semester." Sabi ni Tristan o simulan ko na ba siyang tawaging Sir?

"Introduce yourself starting from here" sabi niya at tinuro ang upuan sa harap.

Nag introduce na sila at walang bahid na kalokohan ito. Talagang formal at maayos silang lahat. Name, Age at Nickname ang sinabi nila. Nandito ako sa bandang hulihan at nasa 35 kami sa klase kaya medyo matagal tagal din. Nasa second row palang at pinatigil sila ni Tristan.

"Nevermind, write your name here" sabi niya at kumuha ng index card. Naglabas kaming lahat ng index card at nagsulat ng mabilisan.
Pinapunta lahat ng index sa harap para makuha niya. Isa isa niya itong binasa.

"Santos, De Leon, Reyes....." kanina pa siya nagbabasa at nag raraise hand naman ang tinatawag niya para makilala niya kung sino.

"Garcia" tawag niya sakin ngunit tumayo ako.

"Gracia, hindi Garcia po" sabi ko pagkatayo buti nalang naalala ko mag po kundi baka sabihin ng iba wala akong galang.

May halo akong Spanish at Gracia ang last name ko hindi Garcia. Alam kong minali talaga yon ni Tristan dahil hindi ko ginamit ang last name niya.

"Is that really your last name?" He asked me and I nodded. Ayaw ko makipagaway sakanya dito dahil alam naman niya na yun yung pangalan ko!

Hindi pa ako umuupo dahil naghihintay ako sa utos niya ay nagtawag na siya ng iba kaya umupo na ako.

"Write an essay with 500 words. The topic is about your future wedding or who ever you like." Sabi ni Tristan pag katapos niya basahin lahat ng pangalan. May mga bulungan dahil bakit ganon daw ang topic sa palagay ko narinig niya yon kaya nagsalita siya.

"You are in your last semester before you graduate I'm sure some of you here have some plans. I want to get to know you more with this essay" malumanay na sabi niya kaya may nagtaas ng kamay.

"Sir paano naman po kaming mga single?" My classmate jokes. Nagiging comfortable na sila kay Tristan.

"Write something about your type or kung sino ang gusto mong makasama sa buhay mo." Sabi niya at umupo sa desk.

Nagsulat din ako dahil baka wala akong grade pag walang naipasa. Naging totoo naman ako at sinimulan iyon sa mga gusto kong katangian ng isang lalaki.

"5 minutes na wala padin akong malagay" bulong ni Yna at natawa si Gigi. Naririnig ko sila pero natigil ng biglang tumayo si Tristan at naglakad para tignan ang mga nagawa namin. Jusko 5 mins palang naman ano akala niya may 250 words na kami!

Sa totoo lang hindi ko inaasahan na magiging teacher siya saamin dahil sakanya yung school. Sila ang mayari ng school na ito kaya din pagiging teacher ang kinuha niya.

"Are you done?" He asked me and sat behind me. Nasa fourth row siya at may isang upuan talaga doon para sa observer, teacher or kung sino man na pupunta sa mga klase.

"10 words pa lang" bulong ko at natawa siya.

"Bat ka nandito?" Tanong ko. Tumingin din ako sa paligid pero lahat sila abala magsulat. Ayaw din siguro lumingon dahil nandito ang teacher sa likod.

"Mom said I can do this for experience." He said at natawa ng onti.

"Weird din ni Mommy minsan noh" sabi ko at natawa siyang tumayo. Mabait ang parents ni Tristan kaya wala talaga akong problema sakanila. Magkaibigan ang mga magulang namin kaya nga kami pinakasal sa isa't isa.

Tumayo siya at tumingin din sa ibang classmates ko pero hindi niya kinausap. Tinitignan ko siya at napakamature niya para sa edad namin. Mas matanda lang siya ng tatlong taon saakin pero grabe yung maturity niya magisip.

"Pass your papers" Biglang sabi ni Tristan at tumayo ang lahat para pumunta sakanya.

Ang galing dahil habang binibigay ang mga papel sinasabi niya yung pangalan ng estudyante grabe talaga yung talino niya naalala niya lahat!

"Salvador" bulong niya paglapit ko. Ako yung huling nagpasa kaya wala namang nakarinig.

"Gracia nga" sabi ko at natawa nakita ko na nagpipigil siya ng tawa kaya mas lalo akong natawa.

"Mrs. Salvador nga" sabi niya at inirapan ko nalang siya at bumalik sa umupan ko.


Weird but I guess my husband is my teacher.

Teach me how to love Where stories live. Discover now