05

27.9K 582 25
                                        

Naging mabilis ang araw at may pasok na naman! Buti nalang ay wala ng masyadong gagawin dahil mageend na yung first semester.

"Buti naman patapos na! Hindi narin si Mr. AJ ang prof natin" bulong ni Gigi.

"Wala ng gwapo hays" sabi naman ni Yna.

Sila ang dalawa kong best friend since high school. Naging malapit kami sa isa't isa dahil madali silang pakisamahan at napakasolid.

"Ok lang yan siguro ang papalit ay bago?"

"Ewan" sabi ni Gigi at tumawa.

"Good Day! Let's start" bigla namang pumasok yung strict namin na prof.

"nilalagnat yata si Ma'am...biglang naglesson" bulong ni Yna at nagtakip si Gigi ng bibig. She was laughing so hard. Ako naman ay nagpoker face nalang pero hindi ko talaga mapigilan.

"Stand up, what's funny?"

Shit shit shit

"Who's laughing?" Tanong niya at tumingin sa paligid. Everyone was obviously scared.

"Excuse me Mrs. Flores" kumatok yung principal at agad tumayo ang lahat para bumati.

Of course we can't hear kung ano ang sinasabi nila at hinayaan nalang din namin dahil baka para lang din sa teachers.

"Ms. Gracia, please" sabi ni Mr. Salvador kaya agad akong nawala sa ulirat.

Ako? Bakit?

Tumayo ako at lumapit sakanila medyo kinabahan nadin ako.

"Mr. and Mrs. Salvador wants to see you" sabi ng principal at nagsmile pa. I just gave him an awkward smile.

"You're excused in all your upcoming classes" sabi ni Mrs. Flores at nagpaalam na sa principal.

Nagmamadali akong kinuha yung bag ko at kumaway nalang kila Gigi at Yna. Nakita ko na naguluhan din siya sa nangyayari.

"Ashley!" Bati agad ni Mommy and I also hugged her.

Nagmano din ako sakanila bago yumakap. Nagulat nalang yung principal dahil bakit ako close sa mga Salvador? Bakit ako close sa mayari ng school na ito?

"Thank you Anton. We will go now" sabi ni Mommy at nagpaalam sila. Nagsmile nalang din ako sa principal namin.

"No problem. Ikamusta niyo nalang ako kay Tristan" sabi niya.

Habang naglalakad papalabas ay ramdam ko ang mga tingin nila saakin. As much as I try to blend in ay hindi maaari dahil ang kasama ko at nakadikit pa saakin ay ang mayari.

"Mommy, what's happening?" Tanong ko dahil nawala na ako kanina. Ngayon ko lang naalala kung bakit nga ba sila nandito.

"Your parents and us are planning a trip dahil successful na yung business partnership and yung problema din sa company ay naayos na" sabi ni mommy.

"We got you first at dadaanan nalang natin si Tristan sa office. Wala din siyang alam na aalis tayo" Daddy laughed as he said that.

Hindi ko alam kung tatawa din ako or if I should be worried dahil pati ako ay walang dala na kahit ano. Ang dala ko lang ay sarili ko.

Hindi sana ako sasama sa pagsundo kay Tristan pero wala na akong magagawa dahil nandito na kami sa building. As always ay tinititigan na kami ng mga tao. Everyone was greeting us. Nag face mask ako para hindi ako makilala.

Pagpasok sa office ni Tristan ay naabutan namin siyang nakaupo at mag pinipirmahan na documents. He immediately closed it as he saw us.

"Well what brings you here?" Tanong niya saamin. He was also surprised that I was here. He was looking at me and finding answers but I can't give him one dahil hindi ko din alam.

Teach me how to loveStories to obsess over. Discover now