Chapter 13

64 3 2
                                    

Chapter 13

---
Sunnie's PoV

Halos mag o-one month na kami ni Ice. At yung relationship namin ni Ice is very smooth. Minsan nagkakatampuhan pero nakakasurvive. Pero ngayon parang kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

Date namin dapat ni Ice ngayon pero tinext niya ako at nagsorry kasi may susunduin siya sa airport. Sabi niya importanteng tao daw. Hindi ba ako importante sakanya?

Napagdesisyunan 'kong pumunta ng airport para hanapin si Ice.

At nakita 'ko naman siya. Nakikipagusap sa babaeng naka hot pink fitted dress na above the knee. Naka white na leather jacket. At naka boots.

May hat siyang pink at dala dala niya yung pink na cage ata ng aso tapos halos lahat ng gamit niya kulay pink.

Para siyang Sharpay ng Pilipinas.

Hinalikan ni Ice si 'sharpay ng PH' sa pisngi habang si SharpayngPH naka pink lipstick and cat eyeglasses halata sakanyang ang yaman yaman at ang fashionable niya.
Nakita ako ng ice at he waved at me nag wave back din ako sinenyasan niya akong pumunta doon. Nahiya ako kaya pumunta ako doon.

Hinawakan ako ni Ice sa bewang at tinignan ko si sharpay ng PH. Ang kinis niya.

"Babe ipapakilala 'ko sayo si----"

"Aqua Veronica.. Maganda." Sabi niya saakin habang naka slight smile.

Hindi ko gusto yung attitude niya.
Plastic mode nalang.

"Hello." Sabi 'ko at nginitian 'ko siya.

Tinignan niya ako head to toe para bang nageexamine ng damit.

"Ang panget ng damit mo. Pati ikaw dear. Ang dry ng buhok mo wala kang fashion sense hindi ka ba nag wawash ng face every night and day? Do you even clean your nails every week?" Sabi niya saakin

Ouch. Nanliit ako sa mga sinabi niya.

Tinanggal niya shades niya at pati mata niya maganda. Nakakainsecure. :(

"Let's go Ice. I want some starbucks." Sabi niya sabay alis. At ito naman si Ice sunod lang habang hawak kamay ko. Nakakhiya naman kung magdadabog ako. Pero gusto ko nang batuhin yang aqua na yan ng kaldero.

Sumabay ako sakanila paguwi.

At bwisit na bwisit ako kasi sila lang yung naguusap. Tapos, parang wala dito girlfriend ni Ice. Ugh. Girlfriend niya kaya yan noon? Eh ang ganda ganda eh.

"Ice.." Sabi 'ko tumingin naman silang dalawa saakin.

"Ano yun?" Sabi niya saakin
"Baba nalang ako dito. Mag cocommute nalang ako pauwi." Sabi 'ko
"Okay lang sayo?" Sabi ni Ice saakin

'Eh para akong third wheeler sainyo eh ugh' sabi 'ko nalang sa isip 'ko

"Oo. Okay lang." Sabi 'ko
"Manong stop the car." Sabi nung aqua

Tumigil naman. Binuksan 'ko agad pinto.

"Sige bye." Sabi 'ko
"By---" hindi 'ko na pinatapos si Ice.

Naglakad nalang ako ng padabog sa FX station. At kamalas malasan mo nga naman wala pang dumadating.

Nakasandal ako sa gilid ng waiting shed. Umaambon kasi. Ano 'to de ja vu? Andito ulit ako. Umuulan nilalamig, at ang dahilan si Ice nanaman.

Wala pa naman akong payong susme. Kung kelan ako nagdadala ang araw. Kung kelan 'ko naiwanan tyaka uulan. Kung minamalas ka nga naman.

May tumigil na grey na sportscar sa harap 'ko.

Si Pa-fall at Si Na-FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon