Chapter 15

55 3 1
                                    

Chapter 15

-
Sunnie's PoV

Ngayong araw na magaganap ang paguusap nami ni Ice.

Kinakabahan ako. Kasi, hindi 'ko alam kung kakayanin 'ko yung sakit.
Sakaling mahal nga niya si Aqua. At pinaasa niya lang ako.

Nagready na ako ng panyo 'ko kasi sigurado akong iiyak ako ngayong araw.

Tinext 'ko si Ice na magkita kami sa park. Pagkauwian namin.

Napabuntong hininga ako.

--
Mula nagstart yung practice namin hindi ako makatingin kay Ice. Kasi sobrang kinakabahan na ako.

*KRIIIING!*

Nagsigawan na yung iba kasi ibig sabihin graduation na bukas. Free na kami.

Pumunta ako habang pinapakalma sarili ko. At pumunta na ako sa park ng school.

Nakita 'ko si Ice na naka upo sa swing habang nakayuko.

"I-Ice.." Sabi 'ko na pinipigilang mautal.

"Kayo na ba ni d-dale ulit?" Sabi saakin ni Ice habang nakayuko ulit.

"Ano!? Hind---" tumayo siya sabay takip ng bibig ko gamit yung daliri niya

"Nakita 'ko kayong naghahalikan ng walang bukas. Mukhang nageenjoy ka pa nga kasi tinanggal niya yung jacket mo---" sabi niya saakin pero bigla 'ko siya sinampal.

"Hindi mo alam ang buong nangyari kaya. Wag mo akong sabihan as if isa akong bayarang babae." Sabi 'ko
Nagpipigil akong umiyak.

Nagsmirk siya.

"Bakit Hindi ba?" Sabi niya habang ang sama ng tingin niya saakin.

*PAK!*

Sinampal 'ko ulit siya.
Masakit. Masakit masabihang malandi ng mahal mo.

"M-mahal m-mo ba talaga ako. I-ice?" Sabi 'ko

"Tingin mo?" Sabi niya saakin ng walang kaexpresyon-expresyon ang mukha.

"H-hindi." Sinabi 'ko lang yung totoo. Kasi kung tratuhin niya ako para akong hangin.

"Eh yun naman pala eh. Bakit ka pa nagaksaya ng oras para makipagusap saakin. Kung tingin mo hindi kita mahal." Sabi niya saakin. Ako? Mga hikbi nalang naririnig niya saakin.

"G-gusto ko. I-ikaw ang m-magsabi" sabi 'ko sakanya habang sinusubukang makasalita ng maayos.

"Umalis ka na sunnie." Sabi niya
"H-hindi. Hindi ako aalis h-hanggat di 'ko naririnig ang sagot mo." Sabi 'ko sakanya

Yumuko siya.

"U-umalis ka na sunnie. Hindi mo ako deserve.. H-hindi kita k-kailangan" napansin 'ko na ding nagcra-crack yung boses niya pero hinayaan ko nalang yun. Baka nga natatawa pa siya sa iyak 'ko ngayon.

Feeling 'ko nadaganan ako ng isang malaking truck. At nabasag ang puso 'ko nang narinig 'ko yan.

Tama nga. Mahal parin niya si aqua.

Pinunasan 'ko yung mga luha 'ko.

"A-ang tanga 'ko Ice. Naniwala ako. Ang g-galing mo." Sabi 'ko sakanya

Nararamdaman 'kong namumuo ang galit at sakit sa puso 'ko.

"Hindi mo ako kailangan? Bye." Sabi 'ko sakanya at naglakad palayo.

Tumigil ako pero hindi ako nakaharap sakanya.

"Tangna mo Ice. Hinding hindi 'ko kakalimutan ang panpapaasang ginawa mo saakin." Sabi 'ko sabay pinunasan ang luha 'ko.

Ito na talaga ang huling pagkakataong magmamahal ako.

.
----
A/N: Uhm. short chapter i guess? HAHAHAHA. okay. Ayan na simula na ng tunay na storya.

Si Pa-fall at Si Na-FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon