Chapter 21

50 0 0
                                    


9:40PM, Toast in Paradise

Infairness maganda yung design nung club, tyaka malaki, hinila nalang ako ni nathan kung saan, kasi siya naman nakakaalam kung anong table yung mga kaibigan niya.

Tapos, bumaba kami at may nakita akong mahabang pa "U" na sofa at may table. malapit, lapit 'to sa dance floor, namumukhaan 'ko na sila Carlie dahil sa Neon pink nitong fitted dress.

"Pst!"

napalingon naman sila Carlie at sumigaw.

"AYYYYYY! OH MY GOSH! SUNNIE, GUMAGANYAN KA NA AH? KINAKABOG MO NA AKO NG BEAUTYNESS KO"

"HI SUNNIE, PINILIT NANAMAN NILA AKO EH! NAGBABASA DAPAT AKO."

"HI GIRL! NICE CURVES OH! NAKAKAIYAK, BABAE KA NA TALAGA BEHH!"

"Namiss 'ko kayo!!" sigaw 'ko sabay nag group hug kami.


Napansin 'kong naka tayo lang sa tabi 'ko si nathan.


"Ay muntik 'ko nang makalimutan, Nathan... M-My B-boyfriend" nauutal utal 'ko pang pagpapakilala.

Ngumiti si Nathan at kinuha ang kamay ng dalawa at hinalikan. Except kay Carlie kasi bakla siya. pero, Typical na gawain niya yan sa france.

"Nice to meet you, mesdemoiselles" sabi ni nathan sakanila at mukha namang natunaw ang puso nila Lyn at mabelle at napahawak naman si Carlie sa dibdib niya.


"AY SEMA DE PUCHA, PAPIII!!" Sigaw ni Carlia habang nagtatatalon sa kilig.

Natawa nalang ako at hinawakan ni Nathan yung kamay 'ko ulit.

"B-Bonjour, je suis L-Lyn. Ravi de vous rencontrer aussi." pagpapakilala ni Lyn, Siguro sa kakabasa nito, alam na niya mag french.

"Ah, vous aussi parlez français ?" at syempre sagot pabalik ni Nathan sakanya.


"LECHE DE PUCHA, HINDI 'KO KINAKAYA ANG HOTNESS NIYA!" sigaw ulit ni Carlie.

Yung itsura ni Mabelle hindi 'ko kinakaya nanlalaki mata niya, at halatang hindi alam pinagsasabi nila.

"Lyn, Ne vous inquiétez pas, il peut parler tagalog." sabi 'ko kay Lyn, parang natetense na si Lyn na ewan.


"Di 'ko naintintindihan, yung sinabi mo, basics lang alam 'ko sa french." sabi ni Lyn saakin na parang nagtataka.

"Sabi 'ko wag kayong magalala, nakakaintindi at nakakasalita ng tagalog yan. Pasikat eh" sabi 'ko sabay hampas ng mahina kay Nathan.


"GIRL HA! FUMME-FRENCH KA NA, JUSKO. I'M SO PROUD OF YOUUU!" sabi ni carlie saakin at yumakap.


"Magsalita 'ka nga doon, stupide." sabi 'ko sakanya at tumawa naman siya.

"Opo, madam!" sabi niya sabay harap kanila carlie.

"Ikinagagalak 'ko kayong makita sa gabing it- Ow! sabi mo magtagalog ako!" reklamo niya kasi sinuntok 'ko yung tiyan niya, ang weirdo ng pagtatagalog niya eh. "Ayusin mo! yung kung paano 'ka makipagusap saakin." sabi 'ko sakanya ng pabulong.


"Ayoko nga, sayo 'ko lang ipapakita yun, Mon amour." asar niya saakin, napairap nalang ako.

Si Pa-fall at Si Na-FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon