Chapter 16

73 2 1
                                    

Chapter 16

-
KINABUKASAN

6:00AM

Sunnie's PoV

Hawak 'ko ngayon yung picture namin noong nagdate kami. Kung saan kinuha niya yung bear para saakin.

Naramdaman 'kong may tumulo nanamang luha galing sa mga mata 'ko.

Bakit ang galing mong mapaikot ako Ice. Pwede ka nang magartista kasi ang galing mong umarte.

Badtrip na pag-ibig 'to oh! Bakit ang sakit. Bakit ang hirap.

10 minutes nalang. Flight na namin ni mama papuntang europe. Hindi 'ko alam kung kelan ako makakabalik sa Pilipinas. Tutal wala na rin naman akong babalikan dito except nalang siguro sa tatlo 'kong besties. At si Dale. Nakasimpleng tshirt, jacket, jeans at sandals lang ang suot 'ko ngayon. Hindi naman kasi ako mapili sa suotin. Basta kuha.

Oo. Nagkaayos na kami ni dale. Humingi siya ng kapatawaran kasi, tinamaan siya ng alak. At masyado daw niya akong mahal. Sinabi 'ko sakanya na wag siyang umasa o magassume na mamahalin 'ko siya pabalik. Sinabi 'ko na din na sana makahanap siya ng mamahalin siya talaga.

At nandito ang mga kaibigan 'ko. Nakakatuwa nga sila eh. Gumising sila ng maaga para lang maihatid ako sa airport at samahan bago umalis. Na dapat natutulog sila kasi big day nila ngayon.

Graduation nila. Sa wakas lahat ng paghihirap namin ay matatapos na.

"BAKSS!! HINDI KA PA NAALIS NAMIMISS NA KITAA!" Sabi ni carlie na kunyaring punas pa ng luha gamit ang bago niyang pink na panyo na shining shimmering splendid pa.

"GRABE KAYO! MAY WIFI NAMAN SI EUROPE EH." Sabi 'ko sakanila. Aaminin 'ko naiiyak ako at mamimiss 'ko sila.

"EH KAHIT NA SUNNIE. HUHUHUHU BASTA BA PAGBALIK MO DITO NAKOO SANDAMAK MAK NA DAMIT HA TYAKA MAKEUP" sabi ni Carlie saakin. Kahit kelan ang landi talaga neto. Tsk!q

"Oo na!" Sabi 'ko habang naiiyak. Eh kasi naman! Hindi 'ko alam kung kelan ako uuwi o gaano ako katagal doon. Basta ang goal 'ko is makalimutan 'ko si Ice.

"Tyaka biiitch! Chocolates 'ko ah!" Sabi ni Mabelle saakin eto naman ang takaw takaw.

"Ako! Ako! Dapat may libro ako ha?! Yung mga magaganda fantasy at romance." Sabi ni Lyn. Eto naman ang adik sa mga libro at sa mga kwentong walang katotohanan.

Mamimiss 'ko nga sila.

"Bye. Sunshine 'ko!" Asar ni Dale saakin.

Pinalo 'ko siya sa braso.

"Baliw! Ikaw ano gusto mo pasalubong?" Sabi 'ko sakanya pinanindigan 'ko eh.

"Puso mo sana--- ARAY naman sunnie!" Sabi niya ng bigla 'ko siyang kinurot

"Wala na akong maibibigay na puso kasi wasak na." Sakay 'ko sa banat niya.

"Hindi ba pwedeng ayusin 'ko?--- OY! Hindi na! Wag mo naman akong lamugin" reklamo ni dale mukhang batang nalugi. HAHAHAHAHA.

Mamimiss 'ko din 'tong ugok na 'to.

"Uwian mo ako ng babae! Yung maganda!" Sabi niya at nagniningning pa ang mga mata niya hah!

"Manyak mo talaga! Hahahah! Sige! Try 'ko!" Sabi 'ko sakanya itra-try 'kong maghanap ng babae. Malay mo diba. Ka-sparks na niya. O sila na para sa isa't isa.

"Mamimiss 'ko kayo shet!" Sabi 'ko sabay niyakap sila ng mahigpit isa isa.

"Sunnie. Hindi mo ba sasabihin sa pinsan 'ko to? Na aalis ka?" Sabi saakin ni dale na mukhang nagaalala.

Ibang klase 'to. Inaalala padin pinsan niya kahit may LQ sila--- I Mean Cousin's Quarrel.

"Suus! Bakit pa? Hindi na nga niya ako kailangan diba? Ibig sabihin wala na siyang pake kung umalis man ako ng walang paalam sa kanya." Sabi 'ko ng medyo may pagka bitterness sa tono ng pananalita 'ko.

Nagagalit at naiinis ako tuwing naiisip 'ko na pinapaasa niya ako. Feeling 'ko nga pinagatawanan niya lang ako kasi nahulog ako sa patibong niya. Bwisit siya.

Pero syempre nasasaktan ako. Mahal 'ko padin siya hanggang ngayon at hindi 'ko alam kung paano iyon matatanggal. Bakit ko pa kasi minahal ang isang manloloko at paasang katulad niya.
Siguro nga maniniwala nalang ako sa "Time heals wounds"

"Calling all the passenger of Euro Air. Please proceed to the gate 2 and 4. 30 minutes before departure"

"Soo. Pano ba yan. Ayan na flight namin ni mama. Pakabait kayo ah. Mamimiss 'ko talaga kayo. Nakailang ulit na ako ng sabi" Sabi 'ko sabay nag-group hug kami. Plus si dale. Kasi magkakaibigan naman kaming lahat dati.

Tinignan 'ko yung picture na hawak 'ko.

Tingin 'ko it's time na para i let go ang taong wala namang pake sayo.

Nginitian 'ko yung picture na hawak 'ko.

May mga tao talagang dumadating sa buhay mo. hindi dahil siya na ang para sayo. Kundi para ikaw ay matuto.

Siguro nga baka si ice lang yun taong nakapagrealize saakin na wag magpatanga basta basta sa pag-ibig. Kailangan mo ding magtira sa sarili mo kasi mauubos ka niyan.

Baka nga.. Siguro nga.. Hindi talaga kami para sa isa't isa ni Ice. Nahihibang lang ako.

nilapag 'ko yung picture namin ni Ice sa upuan ng airport.

Hindi ibig sabihing nag let go ka eh mahina ka. Mas nagsasabi itong malakas ka dahil kaya mong bitawan ang mga bagay na nabibigay sayo ng saya.

Ano ba yan. Napapahugot tuloy ako kay Ice.

At for the last time. Humarap ako sa mga kaibigan 'ko at kumaway tanda ng aalis na ako.

Hinihintay na kasi ako ni mama sa loob ng eroplano.

Mas excited siya sa akin eh. Palibhasa makikita na niya yung "Love of my life" niya.

Hays. Sa magulang 'ko ako naniniwala na may tao pang magmamahal sayo ng totoo.

Bakit kasi ayaw pa dumating nung akin.

Wala talagang forever. Tignan niyo. Pinaasa ako ni Ice. Saya noh?

Tumakbo nalang ako papasok ng eroplano. Maiwanan pa ako eh. Sayang naman ang effort 'ko sa pagconfront kay Ice.

Nakita 'ko si mama na parang may kachat sa facebook. Sinilip 'ko ng onti. Aba! Si papa pala. May pa kiss- kiss pa. Hay jusko! Kay pala kilig na kilig si mama.

Feeling teenager naman 'to si mama.

Sana makasurvive ako sa france. Dream place 'ko naman yun. At sana makalimutan 'ko na rin yung kabalbalan na kasalanan saakin ni Ice.

May sinabi yung stewardess na kung anu ano. Basta ako inaantok. Kaya nakatulog nalang ako.

Sana paggising 'ko nasa france na kami!

ZzzzzzzzzZ.

------
A/N: Short chapter ba? SORRY! HAHAHAHA. LABYU SA MGA NAGCOCOMMENT NAG VOVOTE AT NAGREREAD. GRABE NAKAKAKILIG KAYO.

Si Pa-fall at Si Na-FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon