Chapter 17

70 2 3
                                    

Chapter 17

-
Sunnie's PoV

Nagising ako at nasa eroplano padin ako. Tinignan 'ko yung bintana. halos kakasunrise lang.

Ay oo nga pala. Papunta kaming europe. 14 hours ang biyahe.

Tinignan 'ko yung oras sa world clock ng phone ni mama.

7:08AM

Nanlaki mata 'ko. Ang aga pa!

"Ma. Anong oras na po sa pilipinas?" Sabi 'ko sakanya habang kumakain ng breakfast namin dito sa eroplano.

"1:08PM." Sabi ni mama habang ngumunguya ng pancake.

Tumango na lang ako.

Bigla ako nakaramdam ng pagka-miss kay Ice.

Napabuntong hininga nalang ako.

--
AFTER 14 HOURS

'Bonjour! Welcome to Paris, France. We'll arrive in 10 minutes'

'Anak! Nasa paris na tayo.' Naeexcite na sabi saakin ni mama.

Hay buhay pagibig nga naman oh.

Bigla akong kinabahan na hindi. Kasi, makikita 'ko na ang papa 'ko. Pati ang kuya 'ko.

Tinignan 'ko yung time dito.

2PM na pala. Kaya pala medyo nagugutom na ako.

Pagkalabas namin doon sa inspection chuchu. Hinahanap 'ko sila papa at kuya. Si mama naman biglang kumaway. At mukhang kinikilig kilig pa.

"Hi honey!" Sabi nung lalaking naka business suit. At di ko maipagkakailang may itsura padin. At isang lalaking maputing moreno na medyo singkit na gwapo.

"Hi honey! I miss youu!" Sagot ni mama "eto nga pala si sunnie. Ang bunso natin. Pagpasensyahan mo na ha? Kasi lumaki siyang hindi ka nakikita."

Tumingin saakin yung lalaki. At biglang tumakbo saakin at niyakap ako.

Tinignan 'ko naman siya ng 'nagtatakang-look'

"Sunnie anak. Sorry kung akala mo kinalimutan kita ha? Ako ito. Papa mo." Sabi 'niya saakin.

At nakaramdam ako ng pangulila at tuwa.

"Papa?!" Sabi 'ko tumango siya saakin.

Tumalon ako at niyakap 'ko siya ng sobrang higpit.

Grabe! Iba padin talaga pag nayakap mo tatay mo na matagal mo nang hindi nakikilala at nakikita.

Nung humiwalay na ako sa yakap namin.

"Anak. Ito ang kuya mo. Wag kang magalala hindi yan masungit. May saltik yan." Sabi ni papa

Natawa naman ako.

"Ay grabe pa! Maka saltik po kayo." Sabi ni kuya 'ko daw kay papa.

"Bakit di ba totoo?" Sabi ni papa cool!

"Fine." Sabi ni kuya 'ko daw.

"Sunnie Diaz. Kalog din." Sabi 'ko sabay hagikgik. At nilahad yung kamay 'ko.

"Gavin Tyler Diaz. Gwapo ng name 'ko noh?! Hahahahaha." Sabi ni kuya gavs.

Eh sa trip 'kong bigyan siya ng nickname.

Nagshakehands kami.

Tapos a moment of silence....

"KUYA!!"
"BUNSO!!"

Sabay naming sigaw at tumalon ako sakanya para yakapin 'ko siya.

Ang sarap ng feeling ng may kuya!!

Si Pa-fall at Si Na-FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon