Sunnie's PoV
*After 4 Days*"Ughh. Ang sakit ng mukha 'ko!!" Sigaw 'ko sa kwarto 'ko habang nakahiga at tila hindi nagalaw.
Pinafacial ako. At pinatanggal ng ate ni Ice yung Black heads 'ko at feeling 'ko nasusunog ang mukha 'ko ngayon.
Nakadapa ako sa kama ko.
*TOK TOK TOK!*
"pasok po!" Sigaw 'ko habang nakadapa padin.
Nakakita ako ng box.
With matching note
"Hi sis-in-law!!
Here's your outfit para tomo!! ❤️ Wag kang magalala si ice ng color nyan *wink**wink* yung heels naman ako pumili si ice sa jewelries. Hart hart xoxo.Love, ate yuri 👌"
Ganda ng handwriting nya.
Pagkabukas ko.
"SHET. Ang gandaa!!" Napasigaw ako.
Complete package na.
-- 7:00PM --
Naka-abang ako sa trycicelan dito sa may malayo sa bahay namin. Tinext kasi ako si Ice na susunduin niya ako kaya pinagtitinginan na ako ng mga tao dito kasi nga naka gown ako, at nakaayos, at himala nag make up din ako. Excited na talaga ako!
Pero, lumipas na ang Isang oras. Ni isang ilaw man lang ng sasakyan niya, o text. Wala akong natanggap. Nagaalala ako pero, nadidissapoint din ako.
Ngayon lang kasi ginawa ni Ice 'to sakin. Ang maghintay ng sobrang tagal.
-- 8:00PM --
"Hoy, Ate! Di ka pa ba aalis? Sayang damit mo oh!" Sigaw ng isang batang naka upo sa waiting shed. Mukhang wala siyang bahay. Inaayos na niya yung karton at sako sa gilid eh.
"May hinihintay kasi ako bata! Hanggang ngayon di parin nadating." Sabi 'ko sakanya at least nabawas-bawasan ang pagka bored 'ko dito.
"Boypren mo ba yan ate? Sus! Ang tagal naman dumating. Siguro naghanap na ng iba yan." Sabi nung bata. Kinabahan ako. Pero mas umiiral ang hope 'kong darating siya at di siya nanloloko.
"Sus! Kilala 'ko yun. Di yun manloloko. Baka may nangyari lang. Tiwala lang." Sabi 'ko habang tingin ng tingin sa phone 'ko.
"Sus! Dyan nawala ate 'ko eh! Nabuntis siya ng boypren niya. Tapos, nakita niyang nakikipaghalikan at talik yun boypren niya. Ayun nagalit siya at tumakbo siya sa daanan kaya nabunggo siya kasama si baby.." Kwento naman ng batang gusgusin dito.
"Sinsabi mo bang mabubuntis ako?" Loko 'ko
"Hindi ate.... Ibig sabihin niloloko lang kayo ng bad guys dyan. Nagpapakaeng-eng lang kayo.." Sabi nang bata. Ang cute naman ng batang ito.
Natuwa ako sakanya, at nagkwentuhan nalang kami. At di ko namalayan ang oras.--9:00PM--
*plok!* *plok!*
"Hala. Umuulan na." Sabi 'ko nakikita ko na yung mga tubig na nagsisipatakan.
Sa sobrang enjoy 'ko sa pagkwentuhan sa batang 'to. 9PM na wala parin si Ice. Nagaalala na ako..
"Bata! Di ka ba pupunta sa bahay mo? Tignan mo umuulan ka na oh." Sabi 'ko sakanya
"Hindi ate. Dito ako nakatira sanay na ako sa ulan." Sabi niya saakin.
Naawa ako doon sa bata.
Kumuha ako ng payong sa bag ko.
"Oh ito. Panangga mo sa ulan magkasakit ka pa." Sabi 'ko sabay abot nung payong.
"Ang ganda nito ate! Ang liit nung payong. Salamaat!!" Sabi niya sabay bukas nun payong at natulog na siya.
Tinignan 'ko yung oras 'Quarter-to-10' na. Tinawagan 'ko na si Ice at nakailang text na ako. Pero hindi parin niya sinasagot. Namlalamig na ako kasi nakatube ako at lumalakas na ang ulan nasasamahan ng hangin.
Sinubukan 'kong itext yung ate niya. At pagkalipas ng walong minuto. Nag vibrate na yung phone 'ko.
"From: Ate Yuri
hindi ka parin ba nasusundo ni Ice? Akala 'ko umalis na siya. Nasaan ka ba puntahan na kita."
Sagot niya saakin. Nireply 'ko sakanya kung nasaan ako. Pero, tumagal din yung pagdating niya dahil na rin siguro sa ulan at mukhang bumabagyo pa ata. At malayo 'tong lugar 'ko. Basa na ang gown at buhok 'ko. Unti-unting nabubura na din ang make up 'ko. Hindi 'ko na napigilan ang pagiyak 'ko. Wala na akong pake kahit masira ang ayos 'ko. Pero nasasaktan ako kasi, akala ko pupuntahan ako ni Ice dito. akala 'ko priority niya ako. akala 'ko uunahin niya ako. Pero, mali ako. Hanggang akala nalang pala.
*BEEP! BEEP!*
Napatingin ako. Isang fuscia na kotse sigurado akong sa kapatid niya 'to.
Pinunasan 'ko yung luha 'ko. At lumabas siya na may dalang payong. Naka cocktail dress siya ng black na puro glitters na pink.
"Oh anong nangyari sayo?" Nagaalala niyang tanong saakin.
"K-Kase *sniff* hinintay 'ko pa si Ice eh. *sniff*" sabi 'ko kay ate yuri.
"Di ka pwedeng pumunta sa party nang ganyan. Okay lang ba sayong sa condo 'ko tayo pumunta. Dun ka muna mag stay. Mas malapit yun dito." Sabi niya saakin. At ako naman tumango nalang kasi, naiiyak ako. Parang ayokong makita muna si Ice.
-----YURI'S CONDO -----
"Hubarin mo na yang damit mo sa may CR at mag hilamos ka na. Oh. *abot ng gamit* may twalya na at damit dyan. Papahiram 'ko sayo damit 'ko kasi, magkasize naman tayo." Sabi niya saakin.
Pumasok na ako ng CR. At nilapag yung gamit.
Maganda ang condo niya.
"May hot and cold dyan. Gamitin mo nalang yung hot para di ka lamigin dahil sa kanina." Sabi ni ate yuri sa labas ng CR.
Nag-tampisaw nalang ako sa round bathtub niya dito. Halos umusok na ang bathtub kasi hot water ang ginamit 'ko. Nag hilamos ako ng mukha at tinanggal ang make-up.
Pagkatapos 'ko doon. Lumabas na ako ng CR. suot-suot yung pinahiram saaking damit ni ate yuri.
"Okay lang kahit matulog ka dito. Dito ka muna mag stay ha? Magtutuos pa kami ng kapatid 'ko. Feel at home ka ha? May pagkain dyan sa ref. kuha ka lang. Pwede kang manuod din. At mag CR at matulog sa kama." Sabi niya
"Thankyou ha." Sabi 'ko. "Wala yun!" Sagot ni ate yuri.
Pagkasara ng pinto. Dinim 'ko yung lights sinara yung curtains gamit yung remote control nun. (Sosyal diba) tinimer 'ko yung TV at humiga na ako.
Grabe Ice. Naiinis ako sayo.
----
A/N: Long test 2 overrr! 4 days before summerrr!!' Babawi ako sa summer.
BINABASA MO ANG
Si Pa-fall at Si Na-Fall
RomanceAko si Sunnie Diaz you can call me "Sun" parang ang liwanag noh? Sus. Hindi. Ako ay isang babaeng takot ma fall kasi takot ding masaktan. Kilala 'ko na siya sice elementary. Naappriciate 'ko lang kagwapuhan niya nung 4th year na ako. Kung kelan gra...