Just a Dream.. [F I N A L]

4.2K 87 6
                                    

>Erick's POV<

Nagising ako ng bandang hapon na. Yung mala-orange na sinag ng araw ay pumasok sa aking bintana at sumilaw sa aking mga mata. Ugh! Ba't parang medyo masakit ang ulo ko? =__=, siguro wala lang yun. Tumayo ako galing sa kama ko at umunat-unat ng onti. Compared sa dati, mas bumuti ang pakiramdam ko.. Sana wala na akong sakit ngayon. Dali-dali akong pumunta sa study table ko at kumuha ng thermometer.... Wish me luck!

"36.5"

YES! Wala na akong lagnat! It's official, I'm cured :).

Pagkatapos ng panandaliang cheer, kinuha ko ang towel ko at dumiretso na sa CR. I feel so haggard. Ewan ko ba, pero gumising ako ng pawis na pawis. Siguro dahil rin sa lagnat yun.. Pero who cares, magaling na ako! ^__^

Kumuha ako ng towel at naligo. Ilang minuto rin, lumabas na ako. Mga Alas-tres na nun. Pagkatapos kong magpunas ng katawan at magbihis. May naramdaman akong gusto kong maramdaman... Nagugutom ako! Yes! xD I'm back to normal na talaga! Kasi yung feeling na nawawala lahat ng gana niyong kumain dahil may sakit ka? Nakakaasar eh! At least ngayon.. I'm better, and I'm thankful.

Teka.. tawagan ko kaya sila Denny. May explaining dapat akong gawin. Ang huli ko kasing naaalala ay yung iniwan niya ako sa Taxi stand. Di ko alam kung ba't niya ako iniwan or kung galit siya. Basta ang alam ko ako ang may kasalanan. =___= Tsk. Sana hindi na lang ako natulog buong araw....

Pero natulog ba ako buong araw? Di ko maalala eh.... Ah basta!

"Andrea!" sigaw ko pagkababa na pagkababa sa sala. Nakita ko siyang naka-upo sa sofa at kinakagat ang kanyang kuko. "Tsk Tsk Tsk. Di ba sabi ni Mama tigilan mo na ang pagngat-ngat na yan!" pag-suway ko naman.

Nagulat siya at biglang humarap sa aking direksyon. "K-kuya?"

"Ano yun?"

"K-KUYA!" napatayo siya bigla, sinugod ako at bigla akong niyakap "WAAAAAAAH!!! SALAMAT AT AYOS KA NA!!!!!" sabay may mga luha pang tumutulo. Ano ba yan! Paiyakin ko pa naman ang sarili kong kapatid? >.> Masyado naman kasi siyang nag-aalala eh! Sabi kong nga magiging ayos lang ako =___= Ayaw niyang maniwala.

Napangiti na lang ako at pinat ang ulo niya. "Alam mo, masgagaling ako pag pinagluto mo ako. Kaya go!" dahan dahan ko siyang inilayo sa akin ay tinulak patungong kusina. I swear... Gutom na talaga ako =__=.

Habang hinahanda niya ang mga ingredients sa kung anumang lulutuin niya, bigla ko na lang naitanong "Tumawag o pumunta ba si Aly dito?... o Kaya naman si Denny?" Hindi talaga ako mapakali... Alam ko talaga galit sa akin si Denny eh. Dapat mag-sorry na ako! Pero ako pa 'tong umaasa na t tumawag o pumunta sila...

HYSTG meets HYSTB (fanfiction) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon