Get-together with fans :) part 1

11.3K 420 92
                                    

>Erick's POV<

"MAA!! PLEASE! PLEASE! PLEASE!! GUSTO KO PO TALAGA MAKITA SI ATE DENNY!! SHE’S MY IDOL MA! PLEASE! >.<” ito ang laging sinasabi ni Andi.

“Sorry anak pero ayaw ko talaga.” Ito naman laging sinasabi ni mama.

Dati pa ako umalis kung hindi lang malakas ang signal dito eh. =____= Nagbuntong-hininga ako habang pinapakinggan ko ang paulit-ulit na pinagsisigaw ng dalawang tao dito. Nagwa-wattpad nga pala ako. Nagbabasa lang ng kung anu-ano, nakaka-enjoy eh. Pag-bored ako dito na ako pumupunta, naiinspire ako, ang rami kong nado-drawing pagkatapos kong magbasa, napupuno na nga yung lalagyanan ko eh. Now I know kung ba’t adik na adik dito yung kapatid ko.

Pagktapos kong magbasa ng isang nakakatakot na oneshot, tinignan ko ang news feed ko at may message na sinend si Denny to all fans:

“Kakababa lang ng airport! ^___^ YEHEY! I’m on Philippine soil again, excited na sa get-together with fans tomorrow. See ya’ at MOA guys!”

Hmm. Mabati nga.

HaveYouSeenThisBoy: Welcome back home.

Pwede na siguro yun ‘no?

“MAAA!!! PLEASE!! PLEASE!! PLEASE!! MARAMI NAMAN AKONG KASAMA! YUNG MGA FRIENDS KO! YUNG CLASSMATES KO! PLEASE!!”

“HMMM…. Kung sasama Kuya Erick mo, sige papayag na ako.”

Huh? Ano daw? Ba’t biglang nasama yung pangalan ko sa usapan? Ano yun?

Tinignan ko silang dalawa at pareho silang nakatingin sa akin. Si mama naka-poker face si Andrea naman naka-puppy dog eyes. Ano ba yun?

“Ano sasamahan mo siya?” biglang nagsalita si Mama.

“Please! Kuya Please!” sigaw naman ni Andi.

Anong sasamahan? Huh? Hindi ko talaga magets. Saan ko siya sasamahan? Sa MOA? Bukas? EH!

“Ayaw ko nga!” sigaw ko sabay irap.

“Yun, hindi sasama kuya mo, hindi ka pupunta” sabi naman ni Mama tapos tinuloy ang pagluluto.

“KUUUUYAA!! PLEASE!!!” UGH! Ako na tuloy ang ginugulo niya! Mama naman eh. =____='

"Ayaw ko nga eh! Pilitin mo si Mama, papayagan ka rin niyan sooner or later!" sabi ko at tumayo. Pupunta na ako ng kwarto ko. Magdo-drawing na lang ulit ako. Na-inspire ulit ako eh.

Nung paakyat na ako ng hagdanan-

"KUYA!"

Tinawag niya ang pangalan ko. Nilingon ko naman, at parang kinilabutan ako. May masamang aura lumalabas sa kanya, tapos parang pangdemonyo mata niya, OA ba? Basta parang papatay siya ng tao.

"KUYA! YUNG PAGGAWA NG YAHOO ACCOUNT AT FACEBOOK ACOUNT WALA SA AKIN YUN! MAGKAAWAY PA RIN TAYO! PAPATAWARIN LANG KITA PAG SUMAMA KA SA AKIN BUKAS!"

Yun ang Dahilan kung ba't ako nandito ngayon sa MOA. Sa parang live concert grounds nila, ang sosyal ha. Tapos ang raming tao dito, parang isang famous star si Denny na 'to ah.

"UI! Erick!" napalingon ako, at nagulat ako nung makita ko ang tatlong kaklase kong babae. Si Ajanee, Si Mystear at Si Shina.

"Sabi ko sa inyo nagbabasa yan ng stories ni Ate Denny eh." proud na sinabi ni Ajanee.

"Wow! Ang galing ah! Idol na kita!" sabi naman ni Shina.

"Iba ka talaga sa ibang lalaki bro!" sabi naman ni Mystear.

=_________= Ang raming adik sa story ni Ate Denny. Tatlo na kaagad ang nakita ko dito na kilala ko.

"Sige mamaya na ulit Erick, makikipag kita pa kami kay Tojiro, Cathlyn at sa iba pa!" =.= Marami pa pala sila. Dapat pala nag disguise ako. Tumingin ako sa paligid, meron namang mga lalaki pero halos lahat talaga babae. Paano ba naman love story.

HYSTG meets HYSTB (fanfiction) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon