Star City!

5.8K 168 32
                                    

> Erick's POV <

Dahil hindi ko alam kung saan nila gusto pumunta, at hindi ko naman kayang bigla-bigla nalang mag-suggest, umasa lang kayo kay Andrea at siya na bahala sa lahat. Bigla-bigla pa namang i-suggest na mag-Star City kami. Isang amusement park agad? Hindi ba dapat relaxing muna? Kakatapos lang ng isang malaki at nakakapagod na event kahapon tapos magpapagod ulit sila ngayon? Nag-sigh na lang ako habang sinusundan sila. Mukha namang excited yung tatlo.. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae =.=.

Nanlibre si Aly ng Ride-all-you-can tickets para sa aming apat, WOW! Gaano kaya siya kayaman?

"Dahil Ride-all-you-can tickets 'to, ayokong masayang 'to! Gusto ko lahat ng Rides talaga eh masakyan natin!" sabi nung nanlibre.

"*^* OPO!" Sagot naman ng kapatid ko. Poker face na lang kami ni Denny. Ito gusto nila, hindi ito ang gagawin namin. Minsan lang naman may manlibre sa Star City di ba?

 So lahat nga plinano nilang sakyan ... Promise, as in lahat! Wala kaming pinalagpas kahit yung kiddie rides!

Sumakay kami sa kiddie bumper rides, kahit mukha kaming mga baliw at pumapatol sa mga bata, nag-enjoy parin kami. Sumunod naman ang napaka-liit na kiddie wheel, Ferris wheel na walang ka thrill-thrill para sa edad namin, pero ikinagulat ko na affected pa ang kapatid ko, nagandahan daw siya sa view? Ewan. Sumunod yung mga umiikot na tea cup, nakakahilo siya kahit pambata @__@ Nakakahilo pa rin siya lalo na sa mga taong katulad ko, mabilis kasi akong mahilo, pinagtawanan tuloy ako ng kapatid ko at si Aly.

"XDD Kuya! Kawawa ka naman!" sabi ni Andi.

"Oo nga!" pag-sang-ayon naman ni Aly.

Nasusuka ako nun tapos si Denny ang nagpa-pat sa likod ko. Buti pa siya..

Of course, di na kami sumakay sa mga masyadong pambata katulad nung maliit na train tapos yung duck na umiikot. Sabi kasi ni Aly, na parang boss namin ngayong araw na 'to, kailangan naming mag make time para sa mga adult rides,  considered as adults na kami nila Aly at Denny, pero paano kaya si Andrea? Siguro siya na lang bahala dun.

So ang una naming sinakyan ulit ay yung tinatawag nilang "Jumping Star", kung saan pagpataas mabagal pero pagdating sa pinakamataas, bigla-bigla na lang babagsak ng napakabilis yung ride! Dahil may guardian daw si Andrea, nakapasok kaming lahat at grabe sa tilian! Nakakabingi! Masaya nga pero hindi naman ganun nakakatakot, di nga ako sumigaw eh =_=. Susunod naman yung "Star Flyer", yung roller coster dito sa Pilipinas na may absolute na baliko-baliko, as in umiikot-ikot siya, dito ako nasiyahan ng todo, napangiti nga ako tuwing nararamdaman ko yung hangin sa mukha ko , tapos masnatatawa pa ako tuwing tumitili si Denny sa tabi ko at sila Aly at Andrea naman sa likod namin. Next yung "Wild River", yung log ride, basang-basa kaming apat, wala pa naman kaming dalang extra t-shirt pero hindi naging problema yun dahil once again nanlibre si Aly ng damit doon sa mga tindahan sa gilid. Tapos sinunod namin ang "surf dance" , "viking" , "bumper boat", "Adult bumper car" at yung isa pang roller coster na tinatawag na "Blizzard."

"@u@ Heh-he-he... A-ang saya!!" sabi ni Aly nung kababa lang namin nung Blizzard.

"@__@ A-ayoko na! Please!" sabi naman ni Denny. Napatawa na lang ako.

"@ U @ HIHI! MORE! MORE!" sigaw naman ng kapatid ko.

HYSTG meets HYSTB (fanfiction) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon