>Denny's POV<
"So girl talaga si HaveYouSeenThisBoy na ginamit ang facebook ng isang boy para makagawa ng account?" tanong sa akin ni Aly habang nakatingin sa laptop niya.
"Oo, sabi pa nga ni boy, hacker siya, eh para maging hacker ang isang tao dapat papalitan niya ang lahat kasama ang e-mail add at password para hindi na niya mabuksan ulit yung account? So feel ko kakilala niya ung nag-"hack" sa facebook niya. =__= Siguro na-save lang ung password sa isang computer tapos ginamit nung babae." explanation ko naman. Sure ako yun ang nagyari.. tatanga siguro yung lalaking yun kaya nagyari sa kanya yun. Pero kawawa naman siguro yung girl, wala na tuloy siyang wattpad account, pero kawawa din si HaveYouSeenThisBoy, inakala siyang bakla <.< So, hindi ko talaga alam kung sinong kakampihan. ^__^ neutral na lang ako!
"Ano ba pangalan ni boy?" Ay, oo nga pala, hindi ko pala alam pangalan niya. Siguro hindi pa niya naalis yun sa profile niya. Vinisit ko at lagi ko talagang napapansin yung profile pic niya. Letsugas! Ang gwapo talaga niya!
"Erick Rodriguez? HUWOW! AMGWAPO!" nagulat ako nung biglang sumulip si Aly sa laptop ko. Tignan niyo, kahit siya nagagwapuhan! Artista ba 'to? Modelo? Wait, teka, totoo ba 'tong picture na 'to? Mukhang hindi eh. =.=
"Hindi siguro si boy, este, si Erick yan. Di ba nga hinack yan nung girl, eh di baka pinalitan ni girl yung profile pic" sabi ko.
"Di ba naka-chat mo siya kahapon, sabi mo dinelete niya lahat ng comments ni HaveYouSeenThisBoy, siyempre kung ayaw niyang matawag na bakla, hindi niya gagawing profile pic ang isang gwapong lalaki katulad niyan! So I therefore conclude na yan si Erick *u*" shacks, may point siya!
"Oh Sige, siya na si Erick. Ano ngayon?" inalam lang namin yung pangalan. Ano naman gagawin namin ngayon?
"Ngayon, pa-type ako!" bigla siyang sumingit at nag-type ng kung anu-ano. Hindi ko makita eh, nakaharang ulo niya eh. May laptop naman siya ah, Ba't di siya dun mag-type? =___= "DONE!"
HaveYouSeenThisGirL: Hi! ^___^ Kilala mo ba yung hacker mo? Pwede pakilala mo sa akin, tapos pakilala mo na rin sarili mo!
O________O?!! Wait, ito tinype niya? na ngayo'y naka-post sa wall ni HaveYouSeenThisBoy?! WAAAAAAH!!!
"I-delete yan!! DELETE!!" sinubukan kong abutin ung laptop ko kaso nga lang pinipigilan ako ni Aly.
"Bawal KJ ^___^ napost na. Wala ka nang magagawa! XD" TT^TT Ansama, ansama niya!
"AYAW KO!!! IDELETE YAAN!!!"
":PP BAWAL!!!"
"DELEEEETE!!!"
"BAAWAAAL!!"
Halos magkagulo na kami dito. Tumatakbo si Aly kung saan-saan sa kwarto ko tapos hinahabol ko siya. Tumatalon-talon siya sa kama tapos inaasar ako, tapos ako naman hingal na. >.< Naku! Ang lakas niyang magtrip! Nung sinubukan kong agawin, tumakbo ulit siya. Paikot-ikot lang kami dito sa kwarto. Napapagod na ako!
"AKIIIN NAAA~" halos mawalan na ako ng hininga! = A =
"Ayoko-" napatigil siya sa pagsalita nung tumingin siya sa screen. "*u* Oh, sayo na!" bigla-bigla niyang binigay sa akin yung laptop ko at humiga na siya kama kong may ngiti sa mukha niya. Tinignan ko rin yung screen at grab nagulat ako.
BINABASA MO ANG
HYSTG meets HYSTB (fanfiction) [Completed]
FanfictionSi HaveYouSeenThisGirl, o mas kinikilalang Ate Denny, ay isang magaling na writer sa kasaysayan ng Wattpad, kahit present times. Kilala siya sa mga stories niya na nagpa-iyak, nagpatawa, nagpalakas, nagpalambot at kung anu-ano pa ang ginawa sa puso...