(15)

387 9 1
                                    

Chapter 15. [READ THE AUTHOR'S NOTE]



(Dave)



Ilang buwan na nga ba ang nakalipas? Dalawa? Tatlo? Hanggang ngayon hindi parin gumigising si Samantha. Nakaalala na ako, as in lahat. All of them helped me, kinwento nila saakin kung ano ako at ano kami ni Samantha noon.



Then pagkagising ko nalang naalala ko na ang lahat. It's also because of Liza, I don't know pero nung nakita ko ulit siya madami akong naalala. Pati yung barkada ko at yung pamilya ko. As in, lahat naalala ko na.



Nakabalik narin ang anak kong si Greg mula sa States. Maski sila Gretchen at Kris ay kasama ko narin, at nakatira na muli kami sa dati naming bahay. Bumalik na ang lahat, ang kulang nalang ay si Samantha.



She's still asleep. It's just so unfair that when I already remembered everything, si Samantha naman wala dito. Wala naman siya ng makaalala ako. Tuloy parin ang buhay, naging tatay ako sa mga anak ko. Nagsorry sa mga nagawan ko ng kasalanan, at dinalaw si Mara.



Dinalaw ko lang siya pero hindi kami nagusap o nagkita. Well, ako lang ang nakakita sakanya. My plan that time was to talk to her pero parang pinangunahan ako ng galit kaya hindi ko nagawang kausapin man siya.



It's still a shock to everyone about what Mara did. Pero time by time, unti unting natatanggap na nila ang katotohanan. Wala din naman kaming magagawa dahil kahit paikutin pa ang mundo ay hindi parin magising gising si Samantha at nangyari na ito.




"Dave, pasuyo naman. Nakalimutan kasi ni manang yung milk ni Gregor sa bahay. Pasabay naman." Sabi ni Mama saakin habang buhat buhat si Gregor na sinisipsip ang kanyang hinlalaki. Tumango na lang ako at hinalikan ang noo ng aking anak.




Agad akong umalis pero bago ako pumunta ng bahay ay dumaan muna ako sa isang lugar. Natanaw ko ang malaking gate at ng makita ng mga guard ang kotse ko ay agad nila ito binuksan, pumasok ako at pinark ang kotse sa gilid.





George Ford Padilla




Nabasa ko ang nakasulat sa lapida ng aking anak. Simula ng maalala ko ang lahat, paulit ulit kong naiisip ang pangalan na 'George' and when someone asked me kung ano nga ba ang gusto kong ipangalan sa anak namin ni Samantha, bigla kong nasabi ang George.




Last month lamang ng mailibing ang anak namin. Inoperahan si Samantha upang tanggalin ang bata ng makumpira na wala na nga itong buhay. Masakit din para saakin. Sino bang ama ang hindi masasaktan kung mawala na agad ang iyong anak, hindi mo pa nakikita?

OSL2: Shattered Heart of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon