Last Chapter.
(Samantha)
Patay na ba ako? Paulit ulit kong tanong sa sarili ko yan. I just remembered when all I can see is white, yung gilid ko. Ultimo ang baba at itaas ng aking paligid ay puti.
Then I could hear voices. Kilala ko kung sino ang mga may-ari ng mga boses na iyon. Sa aking pamilya, napangiti ako dahil naririnig ko ang mga sinasabi nila. Pero madalas, iisang boses lang ang aking naririnig.
It was Dave's voice.
Paulit ulit na kahit pa takpan ko yung tenga ko, naririnig ko parin siya. Comatose? yun pala ang nangyari saakin. Yun ang kanyang pagpapaliwanag niya saakin. Para akong nasa isang puting kwarto, nakakulong. Hindi ka makakalabas, pero nakakapagsalita ka at higit sa lahat nakakarinig ka. Although, hindi lumalabas ang mga sinasabi mo sa puting kwartong ito. At least.
Minsan hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na naririnig ko sila. I always hear them sobbing about my condition. Bakit ba ako hindi magising gising? Minsan sabi ko sa sarili ko ayoko na knowing na nasasaktan sila sa nangyayari saakin, parang hindi ko kinakaya.
Then Dave..
Sobrang gulo. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Masaya ako na malungkot dahil sa mga bawat salitang lumalabas sa bibig niya. His words are knives in my heart.
"Samantha, babe. When will you wake up? Alam mo ba, nakaalala na ako. Marami na akong naaalala as of now. Sana gumising ka na para kasama kitang maalala lahat ng mga bagay na nakalimutan ko."
Ibig sabihin ba nito naalala niya na rin ako?
"Sam. Asawa ko. Kelan ka ba gigising? Naisip ko lang. Kahit naman siguro hindi ko na maalala lahat ng dapat alalahanin, okay lang. Ang mahalaga naman yung present at future diba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/25510742-288-k859766.jpg)
BINABASA MO ANG
OSL2: Shattered Heart of Mistakes
Novela JuvenilShe thought she's left with no choice, but is she really left without a choice or she choose not to pick one? Pain demands to be felt, and that is what's happening to her right now. Way more painful than she expected she could felt. But love may be...