(16)

395 12 0
                                    

Chapter 16.



(3rd Person's POV)



Mula sa malayo ay nakatayo ang lalaking si Dave. Galit nitong pinagmamasdan ang babaeng nakaupong kumakain kasama ang iba pang mga patient sa nasabing hospital.




Balak ni Dave na kausapin si Mara upang makausap pero hindi niya labis itong magawa kaya tumalikod nalang siya at naglakad palayo. Ang kumakain naman na si Mara ay biglang napatingin sa gilid at nakita ang lalaking naglalakad palayo.




Nagsimulang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata, dahil alam niya sa sarili niya na ang lalaking iyon ay ang kanyang mahal na si Dave. Tumayo siya at gusto sanang sundan ang lalaki pero mas pinili nalang niyang pumasok sa kwarto kung saan siya naka-assign.




Nangmaisarado ng kanyang bantay ang pinto ay umupo siya sa dulo ng kanyang kama at pinagmasdan ang kwarto kung saan siya kasalukuyang nabubuhay. Puting kama, puting kisme at pader.




Mental Hospital nga. Imurong pa siya kakaunti at lumapit sa bintana, mula dito ay may makikita kang mga puno. Kahit pala nasa Mental ka, may maganda ka parin matatanaw. Totoong napaka-ganda ng ating mundo.




Nagpatuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha ng muling matanaw si Dave na papasok sa kanyang kotse. Pinunasan niya ang luha na bumabagsak sa kanyang mga mata at tumingin sa kanyang gilid. "Sinunod ko naman ang payo mo ah?" Sabi niya.




"Paanong nagkamali? Ginawa ko ang lahat!" Giit nito. Masama siyang tumingin sa kanyang gilid at dinuro duro ito. "Siguro may gusto ka din kay Samantha!" Sigaw niya.




Tumayo ito sa pagkakaupo. "Anong wala? Baka meron!" Sabi niya. Muli niya itong tinignan at unti unting ngumiti ng nakakaloko hindi ko masabi kong natutuwa ba siya o ano. "Babae ka nga pala! syempre wala kang gusto kay Saman—May gusto ka kay Dave?!" Akmang sasapak siya ng biglang bumukas ang pinto.




Pumasok ang kanyang bantay. "I knew it." Bulong ng kanyang bantay. Ngumiti naman si Mara sa kanyang bantay at nilapitan ito saka dinuduro ang kanyang harap.




"Russel! Inaaway ako ni Mara! May gusto siya kay Dave!" Reklamo ni Mara sa kanyang Bantay na nagnga-ngalang Russel. Umiling na lamang si Russel. Sanay na siya dahil ganito lagi ang nangyayari.

OSL2: Shattered Heart of MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon